1. New Arrival

352 8 3
                                    

"Hi Tita. Hi Mom." *beso-beso* sabay ngiti. ^_______^

"Samara, your Tita's son is coming tomorrow."

"OH. Atlast Tita. you're gonna be with your son. it's been a while since you were together right?" halata namang di siya sang-ayon sa paglipat nun.

"right Sam. i'm just so happy."

"i'm so happy for you too, Tita. i bet your son is too."

"yes he is! actually, he told me that couple of days ago. he can't wait. he's so excited." halata ang pagkagalak sa kanyang mukha.

"oh! i'm so excited for you Tita. you're gonna be happy now!" ngumiti lang siya at pumunta na sa kanyang kwarto.

"i bet they're gonna make me babysit that asshole! pft! i can't wait till he comes! HAHA"

kakaibang babae tong si Samara. palibhasa spoiled. simula nung nagdivorce ang mom and dad niya, palagi na siyang wala sa bahay. palagi siyang pinapayagang sumama sa mga kaibigan niya. wala raw kasi siyang magawa sa bahay at nabobore lang daw siya dun. minsan, di talaga siya sumasama sa mga kaibigan niya. naglilibot lang siya sa mall.  wala siyang magawa. nagulo na ang kanyang mundo. 

pagweekdays, sa mom niya siya nakatira. pag weekends naman, dun siya sa dad niya. hanggang di pa siya pwedeng magsarili at makapagdecision ng legal para sa sarili niya, ganito ang kanyang buhay. 

maganda naman ang buhay niya. pareho sa kanyang mga magulang ang nagpapasikat sa kanya. lahat ng kanyang hinihiling, nakukuha niya agad. ngunit, isa lang naman ang gusto niya talaga. ang magbati ang kanyang mga magulang at maging isang masayang pamilya sila.

bago pa man nagkahiwalay ang parents ni Samara, masayang masaya sila noon. dito na siya sa America ipinanganak. paminsan-minsan, bumibisita sila sa Pinas kasama ang kanyang parents. Half Pinay Half American siya. Blue eyes siya pero may pagkasingkit, di katangusan ang kanyang ilong at may maputi at makinis siyang kutis. Di siya ganong katangkaran. Skinny. Mukha siyang Pinay na Mexicana at ang kulay niya lang ang nagpapakana sa kanya. Dad niya ang Pinoy at ang Mom niya ang Amerikana. 

nasa middle school nun si Sam nang nagkalabuan ang kanyang parents. nagsimula na rin siyang magdalaga kaya sa Mom niya siya tumitira. ngayong high school na lang siya nagpapapalit-palit ng tirahan.

si Tita Cheska, lagi siyang nasa bahay nila Sam. Best friend siya ng Mom ni Sam at isa rin siyang Pinay at divorced. may anak siya sa pinas na lalaki. kasing edad rin ni Sam.

excited masyado si Tita Cheska sa pagdating ng kanyang anak dahil miss na miss na niya ito at gusto na niya itong makasama habang buhay.

eto namang anak niya, ayaw pa sana munang umalis ng pinas. gusto niyang tapusin na lang ang kanyang high school. nasa junior high na siya. isang taon na lang at makakagraduate na siya. pero, ayaw na niyang tumira sa mga relatives niya. parati raw kasi siyang inaalipusta kaya tatapusin niya lang ang junior high tapos lilipad na siya sa States. 

may girlfriend siya sa Pinas. isa rin ito sa dahilan kung bakit ayaw niyang umalis ng Pinas. mahal na mahal niya ang girlfriend niya.

"Anjie. malapit na akong umalis."

"masaya ako para sayo Frank." naluluhang sabi ni Anjie sa kanya.

"kaya mo ba akong hintayin? babalik ako. promise." sinabi niya ito habang nakayap sa nobya niya.

"susubukan ko. para sayo."

"wag mo akong ipagpapalit sa iba ha? baka pag lingap ko lang, andami mo nang manliligaw dyan." biro ni Frank.

"hindi. hinding hindi kita ipagpalit kaninuman. ikaw lang Frank. baka ikaw nga yan dyan eh. ipagpalit mo ako bigla sa mga amerikana dun. sige ka, pupunta ako dun at susugurin ko sila!" ngumiti siya pero di napigilan nito ang pagbagsak ng luha niya.

My Idiot BffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon