nasa may upuan lang ako ngayon kasama mga bago kong friends.
nagkukwentuhan. nagsasaya.
malapit na kami grumaduate.
parang kailan lang.
malapit na rin ang aking 18th birthday. sabi ni mommy, sa resto nalang daw kami. sabi naman ni daddy, kailangan daw bongga yun.
medyo okay na sila pero sabi nila, di na raw pwedeng ibalik yung dati. wala na raw kasing SPARK.
parang yung sabi lang ni Ian. hehe
di ko na siya masyadong nakikita. kasi naman, nag-away pa ata sila ni Karen dahil nambababae na naman tong Ian. di na nadala.
si Frank? ayun oh sa kabilang table.
teka..
lalapit ba siya?
teka lang..
ayan na. papalapit na siya. di pa rin nawawala ang tingin ko sa kanya. ganon rin siya. habang lumalapit siya sa kin. nakatitig lang siya. parang nangungusap ang aming mga mata. pero anong sinasabi nito?
ayan na. malapit na siya. nakatitig pa rin siya sa akin. teka? ano ba to? nagugutom ako. teka, kakakain ko lang uh. ano to? bat parang kumukulo ang tiyan ko? ginawa ko naman ang ritwal kaninang umaga uhh. tumae na naman ako. nakaka diarrhea ba yung kinain ko bago lang?
pero.. di naman ako natatae eh.. ang weird lang ng tiyan ko. parang nagrarambol. nagsasaya.
nagsasaya? bakit naman?
"Pot, ang kaibigan ay kaibigan lang okay. pag pinush mo sa pagiging lovers, baka magkasiraan lang. baka magkalimutan lang. maging awkward. ayoko ng ganun. mas gusto ko ang ganto. mas gusto kong maging close pa tayo. kahit di na lovers dahil ayokong mawala ka sakin Pot."
nagsimula na siyang magsalita. ano na naman bang pakulo neto at mukang masaya pa ata mga boys dun sa table niya.
"mahal pa kita sa mahal. sobra! higit pa sa inaakala mo. higit pa sa pagiging bestfriends. higit pa sa pagiging magkapatid. pero natatakot akong masira ang ugnayan na yun ng dahil sa pesteng nararamdaman ko."
HEH! BOBO! BAKLA! WAG MO KONG HAHAWAKAN!
"Pot. patawad pero di pwede ang gusto kong mangyari. talagang MAS mahalaga ka lang sa nararamdaman ko.
Pot. ready na akong magsimula ulit.
ready na ako sa another chance na hinihingi mo sa friendship natin.
ready na akong maging bestfriend mo forever.
gaya ng promise natin sa isa't isa.
gaya nung una."
"Pot. este, Miss. My name is Francisco Flores. Can we be friends? No. Can we be bestfriends FOREVER?"

BINABASA MO ANG
My Idiot Bff
FanfictionSam and Frank were best friends since high school. They were like siblings. One day, one of them ate the forbidden apple and became smart. Smart enough to feel more than just friend for the other. But too coward to let that feeling prevail. Will tha...