---
Ely's POV
"Sinasabi ko sayo Sehun na hindi nga blaablaablaa"
Magsasalita pa sana ako kaso bigla ba namang tinakpan ni Sehun ang bibig ko!
"Ely nakikinig kaba sa akin? Ang sabi ko gusto kita! Bingi ka ba?"
Kaya nga ako nagdadada dito eh dahil ayaw kong maniwala sa sinasabi ng gwapong nasa harapan ko. Ang haba na talaga kasi ng hair ko eh! Pero ano ba dapat sabihin kapag may nagsabi sayong gusto ka niya? What to do?!
"J-jongdae ba yan?"
Bigla naman siyang nag face palm.
Bipolar.
"Hindi ba bagay sa akin ang Jongdae style? Psh. Sira ulo talaga yang si Kai!"
Ah si Kai pala ha!
***
Iniwan ko si Sehun dahil kulang nalang maging berserk na ako ngayon dahil sa Jongin na yan! Akala ko pa naman maganda na talaga ako dahil isang Sehun ang nagkagusto sa akin tapos hindi naman pala totoo?!
"KIM JONGIN!!"
"Yes best friend?"
Sitting pretty pa rin kahit kulang nalang magwala ako dito. Pasalamat siya pinipilit kong pigilan ang galit ko!
Kalma Ely! Kalma madaming tao nakakahiya kung magwala ka dito. Kalma!
*inhale* *exhale*
"Pwedeng umexit ka muna jan at samahan mo ako sa classroom."
Pumayag kang bakulaw ka!
"Eh diba may kasama ka, si Sehun?"
Kai bwiset ka wag mo akong pahirapan! Nanggigigil na ako. Argh!
"May inutos sa kanya si Teacher kaya dali samahan mo ako."
"Dali na Kai samahan mo na yang si Ely baka mamaya may mangyari pa sakanya lagot ka sa nanay niyan."
Singit naman ni Baekhyun. Psh madaldal talaga tong asong to. Pasalat siya at pinagtitiisan ko din ang mala radio nyang bunganga.
"Ok. Tara best friend."
Aba ang sunog! Akbayan ba naman ako! Maghintay ka Kai malapit ka na talagang lamunin ng dilim!
"Ay Ely! Wait pahiram naman ng cellphone oh makikitext lang."
Takte naman mayaman na sana si Suho wala namang pang load?!
"Oh ayan."
***"Oh dali anong kukunin mo kunin mo na bilis gutom na ako."
Leche tong lalakeng to kakakain lang kanina kakain na naman?! Dibale tingnan natin kung makakain ka pa sa gagawin ko.
"Hoy Ely. Buksan mo kaya ung ilaw para makita mo yang hinahanap mo."
Binuksan ko din naman ang ilaw.
At tada! Nakikita ko na si Kai.
"May hahanapin ka ba talaga o wala? Kung wala mauuna na ako dahil gutom na ako."
"Ahhhhh!"
Sinugod ko si Kai. Ano pa ba kanina pa ako nagtitimpi eh!
"Leche ka talagang sunog ka! Wah! Ginamit mo pa si Sehun sa kalokohan mo! Aaaaah! Kailan mo ba ako titigilan leche ka!"
Tumalon lang naman ako sa likod nya at chaka pinaghahampas ang likod niya. Mapilay ka sana Kai!
"H-hoy Ely! Bumaba ka nga mabigat ka kaya!"
BINABASA MO ANG
BAKIT DI KA CRUSH NI KYUNGSOO?
FanfictionNaranasan mo na bang magkagusto sa isang taong alam mo na malayong magkagusto sayo? At alam mong di lang ikaw ang nagkakagusto sa tao na iyon, marami pang iba. Swerte ka nga dahil matalik na kaibigan mo ang isa sa mga kagrupo niya ngunit wala parin...