Ely's POV
Lumipas ang ilang linggo, okay naman kami ng grupong EXO and medyo naninibago nga lang ako dahil lagi nang nasa tabi ko si Kyungsoo.
Syempre ang ate nyo, kinikilig. HAHAHA
Kaso may mga panira pa din like yung ibang obsessed fangirls ng EXO lalo na yung mga fans ni Kyungsoo kesyo ang landi ko daw, pokpok, ginayuma ko daw si Soo kaya sya nagkagusto sa akin. Bilis nila ano? Di ko pa nga nasasabi sa nanay ko na nililigawan na ako ni Kyungsoo nalaman nya agad dahil sa mga rumors na nagkalat sa internet.
Ayun sinabihan ako, anong gayuma daw ginamit ko? -.-
Ganda lang ang gayuma at sikreto dyan guys HAHAHA
Pero seryoso am I dreaming?
Totoo ba lahat ng nangyayari saken?
Nagkagusto saken ang iniidolo ko?
Naging crush na din ako ng crush ko?
Kinurot ko ng mahina ang sarili ko dahil di pa din ako makapaniwala na nangyayari saken to.
Heto ako ngayon magisang kumakain sa cafeteria dahil nga nagcomeback ang grupo nila naging busy sila. Si Sue naman ayun tumutulong sa Dad nya na magmanage ng company nila. So basically loner ang peg ko ngayon hays.
Habang kumakain kinakalikot ko ang gallery ng phone ko at wala sa sariling napangiti nang napahinto ako sa album na nakalagay "JAGIYA" being a fan girl syempre normal na ang gumawa ng album na puro pictures ng bias mo diba?
Tinitigan ko ang picture ni Kyungsoo noong Wolf Era.
Ang gwapo niya talaga.
*bzzt bzzt*
Fr: Mister Do
Kumain ka na ba? We'll be there at 3PMMas lalong lumawak ang ngiti ko ng nagmessage si Kyungsoo saken.
Agad naman akong nagreply at chineck ang oras sa phone ko.
2:45PM
Despite of their busy schedule, he always find time to text me at minsan dumalaw sya samin past 10 na ng gabi yon.
*flashback*
10:30 PM
Kasalukuyan kong ginagawa ang assignment ko. Kung nagtataka kayo bakit ngayon ko lang ginagawa ang assignment ko yun ay dahil nababad na naman ako sa kdrama na pinanonood ko.
Napatigil ako ng may narinig akong nagdoorbell. Bumaba ako para tignan kung sino naunahan na pala ako ni mama, di pa pala siya natutulog.
Sino ba kaseng pupunta dito ng ganitong oras?
Sumilip ako sa sala.
"Ma sino ba yan?"
Aba't di man lang ako pinansin kaya tinignan ko na kung sino ang nagdoorbell.
"Kyungsoo?"
"Gabi na ah bakit nandito ka?"
Ang alam ko ngayon ang 3rd day ng promotion nila sa bago nilang album.
"Oh Ely. Binisita ka ni Kyungsoo oh. Alis na ako inaantok na ako."
Paalam ni mama pero bago sya tuluyang pumasok sa kwarto dumaan sya saken at bumulong,
"Mukhang pagod yang son-in-law ko patulugin mo muna sa taas."
Lumaki naman ang mata ko sa sinabi ni mama.
BINABASA MO ANG
BAKIT DI KA CRUSH NI KYUNGSOO?
Fiksi PenggemarNaranasan mo na bang magkagusto sa isang taong alam mo na malayong magkagusto sayo? At alam mong di lang ikaw ang nagkakagusto sa tao na iyon, marami pang iba. Swerte ka nga dahil matalik na kaibigan mo ang isa sa mga kagrupo niya ngunit wala parin...