Ely's POVHinanap ng mata ko si Kai dahil kukutusan ko siya, kapag talaga sinasabi niya na ililibre nya ako lagi niya akong iniindian loko talaga yung tutong na yun!
Kaso nahagip ko si Kai na umalis sa gym sumunod si Chen lumabas din si Kyungsoo. Anyare sa mga yun?
"Sige na thank you sa tulong nyo ha."
Rinig kong sabi ni Minho sa kanyang mga kagrupo pati narin kina Suho.
Nang makaalis na sila tinignan ako ni Minho.
"Oh anong tinitingin mo?"
"Ely sahig ka ba?"
Mukha ba akong sahig kay Minho?! Grabe siya ah. Pero teka baka naman pick up lines yan? Ehh.
"Bakit?"
"Ikaw kasi ang sumalo sakin nung nadapa ako."
"Nako Minho tigilan mo ko pag ako umalis walang sasalo sayo tingnan mo lang una pa mukha mo."
Umakto siyang parang nasaktan ang puso niya, eh kasi hinawakan niya yung dibdib niya eh.
"Grabe ka sakin ah. Pero okay lang kasi mahal kita kaya pagbibigyan kita."
Peste pinapakilig ako eh. Wala pa naman si Kai na lagi kong hinahampas kapag kinikilig ako.
"Ely."
...
"Ely."
No response.
"Ely!"
"Ano?"
Pinipigilan kong tumawa sa itsura nang kausap ko eh paano kasi mukhang natatae na ewan pfft.
"Dahil wala tayong pasok tara date tayo."
De-date?! Wth. First date ko to ever.
"Sigurado ka?"
Naalala ko tuloy bigla nung first year palang ako na ang idedate ko lang ay si Kyungsoo tapos pupunta kami sa isang Haunted House tapos kakain ng isaw hays napakaimposible na talagang mangyari nun.
Pero parang ang sama ko naman kung di ako papayag sa sinabi ni Minho nageffort na nga sya't lahat lahat tapos di pa ako papayag na idate sya diba? Parang ang sama lang.
Pero parang ang ginagawa ko naman eh binabalik ko lang yung favor sa kanya ang gulo ko talaga aish nakakafrustrate tuloy.
"Oh bakit ka nakasimangot diyan?"
"Ah wala naman."
"So ano payag kana tara? "
Ely tandaan mo dapat ka nang magmove on dahil wala naman talagang papatunguhan ang paghihintay mo kay Kyungsoo, at isa pa masasaktan lang din naman ako pag pinagpatuloy ko pa.
Tumango naman ako kay Minho na siyang ikinangiti niya.
Pagsakay palang namin sa sasakyang parang may nahagip akong anino ng isang tao kaso paglingon ko di ko na nakita kung sino man ang taong iyon.
Dahil nga lutang ako di ko namalayan na nandito pala kami sa Mall.
"Let's eat first."
Tumango ulit ako.
Kaso habang hinihintay ko si Minho na kasalukuyang nagoorder di ko tuloy maiwasan na magisip na kung tama ba itong ginagawa ko, para ksing ginagamit ko lang si Minho para makamove on kay Kyungsoo,
Ewan ko ba! Ang gulo na ng utak ko ngayon.
"Ang lalim na naman ng iniisip mo. Ikain mo nalang yan. Ito oh."
BINABASA MO ANG
BAKIT DI KA CRUSH NI KYUNGSOO?
FanfictionNaranasan mo na bang magkagusto sa isang taong alam mo na malayong magkagusto sayo? At alam mong di lang ikaw ang nagkakagusto sa tao na iyon, marami pang iba. Swerte ka nga dahil matalik na kaibigan mo ang isa sa mga kagrupo niya ngunit wala parin...