AN: So nasa multimedia po ang casual ni Ely at Kyungsoo imaginin nyo nalang po ung color but yung design po ay katulad po nung nasa multimedia.
Ely's POV
This is it! Halos di din ako makatulog kagabi sa kaba. Si mama kasi eh kada oras kakatukin ako para lang itanong kung ready na ba ako para sa contest mas nakakadagdag tuloy ng pressure ang pagtatanong nya eh!
Pinikit ko muna ang mata ko dahil kasalukuyan akong inaayusan ng makeup artist namin ni Mama kapag may occasion si Ate Deng but take note half girl half boy siya hahaha.
Nararamdaman ko na naman ang antok hays pero dahil nga sa hila dito hila doon si Ate Deng sa buhok ko nanatili akong gising.
Kumusta kaya si Kyungsoo?
Malamang gwapo na naman siya dibale araw araw naman siyang gwapo eh hay Ely landi mo talaga.
Pinasuot naman sakin ang PE uniform ng school namin dahil nga daw intrams dapat naka PE daw kaming mga contestants sa opening ng program dibale may point naman si Principal.
Hinigpitan naman ni Ate Deng ang PE shirt ko dahil nga daw sobrang manang tingnan dahil maluwang. Naglagay siya ng pin sa likod basta yun lalong lumitaw ung shape ko.
Tapos ung jogging pants naman ganun pa din dahil nakabaston naman ito kaya di siya masyadong maluwag. Pinasuot naman ni Mama ang high heels na 6 inches color black to at parang may diamonds na design.
San kaya dinekwat ni Mama to? Hahaha. Ang ganda eh.
12:30 pm na pala! Dapat nasa school na kami neto!
"Goodluck ulit sayo Ely!
"Thank you Ma!"
At sinara na ni manong ang pintuan ng kotse. Si Ate Deng naman may sariling kotse kaya magisa siyang nagdrive papunta sa school buti naman at siya na ang nagprisenta na magdala ng mga gamit ko.
Baka daw kasi ma haggard ang masterpiece niya anong sabe sa masterpiece na ikaw Ely?
Ambisyosa naman ako.
"Oh my! Ang ganda natin ngayon Ely ha?"
Bungad ni Suho sa akin siya kasi ang nagsundo sa akin sa main gate.
Napasimangot naman ako sa narinig ko.
"Ngayon lang pala ako naging maganda? Hala."
Tumawa naman siya at huminto muna sa paglalakad.
"Joke lang araw araw ka namang maganda eh."
"Kasi nga araw araw kang dyosa Ely!"
Sigaw naman nina Sehun, Baekhyun at Chen. Grabe narinig nila ang usap namin ni Suho malayo pa kami sa gymnasium ah! Grabe talaga ang mga chismoso ngayon ah.
"Oh magkano kailangan nyo?"
Mataray na tanong ko sa kanila pero tinawanan lang nila ako ay grabe sila oh!
"Tara na nga hinihintay ka na ni Kyungsoo."
Heto na naman ang puso ko ewan ko ba kung kinakabahan ako sa pageant or kinakabahan akong makita si Kyungsoo.
"Oh andito na tayo."
Agad namang hinanap ng mga mata ko si Kyungsoo at ayun kausap niya si Sue.
"Okay contestants prepare yourself magstart na tayo in 2 minutes."
Sabi nung baklang organizer namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/36982016-288-k748287.jpg)
BINABASA MO ANG
BAKIT DI KA CRUSH NI KYUNGSOO?
FanfictionNaranasan mo na bang magkagusto sa isang taong alam mo na malayong magkagusto sayo? At alam mong di lang ikaw ang nagkakagusto sa tao na iyon, marami pang iba. Swerte ka nga dahil matalik na kaibigan mo ang isa sa mga kagrupo niya ngunit wala parin...