K Y U N G S O O 22

58 5 5
                                    

Ely's POV

"Ely crush din kita."

Palapit na ng palapit ang mukha ni Kyungsoo sa akin, alam kong hahalikan nya ako kaya pumikit ako.

Ayan na.

Malapit na.

Konti na lang.

"Ely! Bumangon kana diyan! Hinahanap ka ni Kai!"

Ay panaginip lang?

Napabuntong hininga tuloy ako.  Move on pala ha? Nasaan ang sign na nakakamove on ka na, ha Ely? Hanggang panaginip ba naman pinagnanasahan mo parin yung crush mo.

Teka si Kai? Aba himala ano namang kailangan niya sa akin?

"Pakisabi maghintay siya Ma!"

Nasa baba na yan si Mama pero abot ang mga boses namin sa isa't isa oh diba, di na kailangan ng microphone eh.

Naligo ako agad at nagtoothbrush then bumaba na at bumungad lang naman ang magaling kong kaibigan na nakaupo sa sofa habang ang mga paa nakataas pa at nakalagay sa center table.

Ang galing naman ng kaibigan ko.

"Oh napadpad ka dito? Anong meron?"

"Pinapapunta tayo ni Suho sa practice room kaya magpalit ka na bilisan mo."

Parang nagiiba ugali ni Kai ah, dati kahit sabihan ko siyang maghintay sa baba mamaya lang maririnig mo na yung kalabog niya sa pintuan ng kwarto ko.

Bakit parang may mali akong nagawa? Bakit parang may nakaligtaan ako na importanteng bagay?

Di na lang ako nagsalita ulit at dumiretso agad sa kwarto ko at nagpalit.

Pagbaba ko nasa gate na si Kai, hinihintay ako.

Napalunok ako ng nakita ko na motor niya ang dala niya. Magiging madugo na naman ang pagsakay ko neto eh.

"Sakay na dali."

"Ito na nga! Dahan dahan lang Ka- waaaaaah! Bwisit papatayin mo ba ako?! Waah!"

Kakaupo ko palang bigla ba namang hinarurot ang motor niya! Buti nalang nakahawak ako kaagad sa kanya kung hindi siguradong pinaglalamayan na ako ngayon sa daan.

Nakakaloka naman 'tong tao na ito! Balak pa atang pumatay ng kapwa eh.

Laking pasasalamat ko nang makarating kaming buhay sa practice room nila.

Nauna nang pumasok si Kai, oh diba? Di man lang ako hinintay. Pero kasi parang may mali talaga akong nagawa kaya ganyan siya sa akin.

"Good morning everyone~"

...

Wala man lang nagrespond sa akin? Grabe naman. Nakatingin lang sila sa akin. Pero iba yung tingin nila eh, binilang ko sila 11 lang silang nandito at ang wala ay si -Kyungsoo.

"Bakit parang ang tahimik naman ata naten? Di ako sanay ah."

Dinaan ko nalang sila sa biro pero wala parin pagkatingin nila sa akin bigla nalang silang umalis at bumalik sa mga ginagawa nila.

Kahit si Baek di ako pinansin, bakit ba?

Nalukot tuloy ang mukha ko, nawala yung ngiti ko dahil sa inakto nila kanina. Nakita kong sinenyasan ako ni Suho na kasalukuyang nasa may pintuan.

BAKIT DI KA CRUSH NI KYUNGSOO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon