K Y U N G S O O 6

91 7 0
                                    

---

"Waaaaaaaaaa! Ahhhhh!!!"

Para akong baliw dito sa kwarto ko. Pagpasok ko palang kasi dumiretso ako sa kama ko sabay taklob ng unan sa ulo at sumigaw sigaw.

Oh sige kayo daw ihahatid na nga kayo ng crush nyo tapos sasabihan pa kayo ng mga salitang yon? Ano tingnan ko lang kung malagpasan nyo yung record ko kanina.

Halos limang minuto ko kayang pinigilan ang tumili sa harap ni Kyungsoo loves ko kanina! Baka mamaya marindi pa yun sa akin tapos biglang magbago ang isip niya! Nako hindi kakayanin ng powers ko yun! Ay yung dress nga pala!

"Infairness nagkakaroon na ng taste sa damit ang nanay ko."

Maganda kasi itong dress na binili nila ewan ko kung kailan. Ang gusto ko sana mag jeans na lang kasi mas komportable ako dun pero kung dress ang gusto ng mudrakels ko e di go!

Ayaw ko naman mabatukan ng bongga! Color light blue ang dress ko may design na flowers pero konti lang, kasi kung marami yung flowers hala baka magmukha akong garden diba?!

Baka mapagkamalan pa akong dyosa sa party na yun, agawin pa nila ako kay Kyungsoo...

Binilisan ko ang pagsuot sa dress ko dahil naalala ko bigla ang sinabi n Kyungsoo loves kanina,

"Ayaw kong naghihintay."

Tapos sinuot ko yung sandals na regalo pa sa akin ni Kris noong birthday ko. Gaya nga ng sabi ko ka-close ko lahat ang members ng EXO, kulang nalang pati manager nila maging ka close ko.

Nilugay ko lang ang wavy kong buhok na hanggang bewang tapos naglagay ako ng bow (Pangipit sa buhok ha as in clip, hindi pangpana XD) sa buhok ko. Naglagay din ako ng light make up yung as in light talaga.

Konting pulbo at lip gloss lang naman ang nilagay ko eh hindi naman ako ganoon ka-arte na girlalu.

Ready to go!
---

Pagkababa ko sa hagdanan nakita ko si Kyungsoo na nakaupo sa couch namin sa sala habang nakadekwarto. Aba! ang arteng lalake dibale gwapo naman siya eh kaya pagbibigyan ko.

"Ely mataga-..."

Tatawagin sana ako ni Kyungsoo pero nagulat siya nang makita niya ako.

"Kyungsoo? Kyungsoo?"

Anong nangyare sa kanya? Bakit tulala to? Pinagpatuloy ko lang ang pag wave ng kamay ko sa harapan niya pero walang epekto eh, AH! alam ko na!

Wag lang sana siyang magalit sa gagawin ko, Kyungsoo patawarin mo ako sa gagawin ko sayo.

"Ui PORORO!"

AY PATAY! Ayun hindi na nga tulala pero ang sama naman ng tingin sa akin.

"Oooops wag kang magalit Kyungsoo di ko sinasadya yun, tulala ka kasi eh kanina pa kita tinatawag kaya no choice ako kundi tawagin ka nun. Sorry nagalala lang naman ako akala ko-"

"Hindi okay lang. Sige tara na sa kotse punta na tayo baka malate pa tayo eh."

Ay okay naman pala Ely eh! Masyasdo ka talagang OA!

Biglang nagkaroon ng awkward atmosphere sa amin ewan ko kung bakit, wala naman akong sabing salita na awkward..

"So? Tara na?"

Ako na ang unang nagsalita baka mamaya mapanis pa laway ko eh.

"Ah a-ano si-sige."

"Okay."
---

Ano pang ieexpect nyo na mangyari sa loob ng sasakyan ni Kyungsoo? E di sobrang tahimik! Ewan ko nga kung bakit hindi yun nagsasalita. Dibale na ganun naman talaga siya.

Hanggang sa nakarating nalang kami sa school tahimik parin. Ewan ko ba kung anong nangyari sa isang to!

Si Kyungsoo ang tipo ng lalake na madalas tahimik minsan madaldal ganun, bipolar ba kumbaga.

Pero kahit ganoon pa rin crush ko parin siya...

"Uy Kai!"

Naglalandi na naman ang magaling kong kaibigan sa mga first year high school -__-

"Oh Ely! Sandali nga sino yang kasama mo?"

Seryoso hindi niya nakikilala si Kyungsoo? Dibale nakatalilod kasi si Kyungsoo eh. Kanina pa nga lingon ng lingon eh...

"Si Kyungsoo yan negs!"

"Ayan ka na naman Ely ha! Tigilan mo na daw yang si Kyungsoo pinilit mo siya na ihatid ka dito noh?"

"Hala grabe ka naman negs hindi ah, babae pa rin naman ako kahit papaano."

"Sabi mo eh. Oh andyan na pala si Luhan hyung eh. Hyung!"

Dahil mabunganga paminsan itong si Kai ayun kahit limang metro ang layo sa kanya ni Luhan narinig parin ung sigaw niya.

Pumunta sa amin si Luhan, samantalang naman itong si Kyungsoo eh kanina pa lingon lingon ewan ko ba kung may hinahanap to eh!

Dail bait baitan ang trip ni Kai ngayon naghanap siya ng table na malaki para sa EXO at syempre sa akin. Kanina pa nga ako pinapatay sa tingin ng mga fans ng mga ito eh! Tatlo pa lang yan ha? paano na kaya pag naging labindalawa pa?!

Nag sign of the cross na lang ako. Natatakot din naman ako sa kanila noh! Baka mamaya kidnappin pa ako ng mga fangirls nila mahirap na!

"Ely, Hyungs! Dito!"

Sabi na eh malakas talaga ang bunganga din ni Kai.

"Oh Ely kumusta na?"

Kinausap ako ni Luhan habang naglalakad kami papunta kay Kai. Kasama s Kyungsoo ah, kaso kanina pa talaga siya tahimik.

"O-okay naman. Ikaw?"

"Ganun din."

"Ah."

At dun nagtatapos ang awkward conversation namin ni Luhan simula nung nagusap kami sa rooftop kaninang umaga. Ayun naging awkward na kaming dalawa sa isa't isa.

"Kyungsoo, okay ka lang?"

Parang nagulat naman si Kyungsoo nang kausapin ko siya. Mukhang malalim ang iniisip niya ah,

"Ah o-oo. Bakit mo natanong?"

"Para kasing di ka mapakali, parang may hinahanap ka."

Ngumiti naman siya sa akin. Ang cute niya talaga kahit kailan! Syet Kyungsoo ayan ka na naman!

"Wag mo na lang akong pansinin. Oh ayan na pala si Kai eh."

Pagkatapos niyang sabihin sa akin yun. Bumalik na naman siya sa pagiging poker face. Hinawaan ata to ni Sehun eh!

*1 msg recieved*

Fr: Negrong Kai

Ely, hindi mo ba napapansin? Hindi nagpapansinan sina Luhan hyung at Kyungsoo hyung oh!

Ay oo nga noh! Kaya siguro tahimik itong isang to! Pero ano naman ang nangyari sa kanila?

-Next chapter.

AN: Guys every wed and sunday ang update ha? Thank you.

BAKIT DI KA CRUSH NI KYUNGSOO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon