K Y U N G S O O 15.5

59 3 0
                                    

Ely's POV

Anong meron?!

Bago pa ako mabaliw sa kakaisip kung anong himala ang nangyari at naglinis sila ng PR nila. Ang nakakapagtaka pa ay ang sofa nasa gilid talaga so it means ang dating masikip nilang practice room ay lumawak!

"Ely, halika dito."

Di ko napansin na nandito na pala sila pati si Sue.

"Bakit ang linis? "

"Kasi magprapractice ka."

Ako?

"Ano naman iprapractice ko?"

"Edi pagrampa! Halika dali isuot mo ito 5.3 inches lang to keri mo na to!"

Ano?! 5.3 inches?! Matutumba na ata ako nyan eh!.

"Eh Sue, di ba parang ang taas naman talaga nyan di naman ako ganun kapandak ah! At saka para saan ba yan?"

Tumingin naman sila sa akin na parang nagtataka.

"Bakit anong meron sa mga mukha nyo?"

"Don't tell me rarampa ka nang naka sandals sa pageant?!"

"Bakit di ba pwede yun?"

Napa face palm naman si Sue. Seriously? Hindi ba talaga pwede magflat shoes na lang sa pageant? Ay grabe naman kailangan high heels talaga?! My goodness! This is torture!

At ayun simula na ng torture este practice ko daw..

"Ganito gayahin mo ako ha. First of all para maganda ang pagrampa mo dapat stand straight and chest out."

Ginawa ko naman ung pinapagawa ni Sue. Grabe ha nakakangawit pala tong takong nato!

"Second, You need to walk like this."

Ang galing naman pala ni Sue rumampa eh! Magagawa ko ba yang ganyan?!

"Alam mo na pala yan eh, bakit di nalang si Sue ang contestant natin?"

"Di pwede!"

In chorus na sagot ng EXO si Sue naman halatang naiinis na.

Hay nako sabi na eh.

"And then last kailangan mataas ang self-confidence mo, don't be shy, chin up and do your best! That's all."

That's all?!

"That's all?! Ito pa nga lang  na nakatayo ako habang may takong nahihirapan na ako what more kung lalakad na?"

"Kaya mo yan just believe and trust yourself Ely."

"Pag ako natumba ha! Lahat kayo mababato ko nang sapatos na to!"

Haysh. Dibale na gawin na natin to! Kaya mo yan Ely! Fighting!

Sinimulan ko na. Lakad dito kembot doon chin up para maganda and stand straight.

And then tadaaah!

"I thank you!"

Lahat sila pumalakpak. Ako pa ba? Hahaha..

"Marunong ka pala Ely eh! Pinagloloko mo ata kami kanina sa classroom!"

Pagrereklamo ni Chen. Aba aba,

"Sino ba 'tong nag second the motion kay Baekhyun ha?!"

"Sabi ko nga ako."

Edi ayun tumahimik ka din. Teka nga lahat kami andito si Kyungsoo lang ang wala .

Saan ba yun pumunta?

"Oops wala si Kyungsoo umuwi sa kanila kaya wag mo na syang hanapin pa."

"Che!"

Nakakainis talaga tong Xiumin na to! Teka nga asan na ba si Kai?

Speaking of the dark devil. Infairness bumili nga talaga sya ng foods para sa aming lahat.

"Ngayon ko lang nalaman na may Starbucks na pala sa canteen natin."

Sabi ni Lay na parang nagtataka.

"Hay nako Lay di ba obvious? Sa labas yan bumili."

Sabi ni Baek.

"Ah ganun ba."

Lumilipad na naman si Lay. Minsan napapagisip ako kung ano ba ang tumatakbo sa utak ni Lay at parati siyang lutang.

"Break na muna."
--

"Kumusta ang practice Ely?"

Tanong ni negs. Kasalukuyan kaming kumakain. Kaming dalawa ni Kai nasa sofa ang iba nasa sahig lang.

"Hay nako negs kung alam mo lang. Ang sakit sa paa ng high heels tapos pag lalakad dapat kekembot ka pa ang hirap kaya! Di ko naman pinangarap na maging model eh!"

Reklamo ko kay Kai. Aba kay negs ko na nga lang nabubuhos lahat eh.

"Okay lang yan ang isipin mo eh dapat manalo ka. Para sa section natin"

Iniisip ko pa nga lang na manalo parang ang labo siguro mga 1% lang ang chansa na manalo ako.

"Masyadong magaganda ang mga kalaban ko. Nakakababa ng self confidence eh."

"Dapat nga tumaas lalo ang self confidence mo eh. Biruin mo sa dinami dami ng magaganda sa classroom ikaw ang pinili?."

"Sabagay."

May point naman si Kai eh.

Pinagpatuloy lang namin ang pagkain namin. Hanggang sa may dumating na limang lalake sa loob ng practice room.

-Next chapter

BAKIT DI KA CRUSH NI KYUNGSOO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon