"Kain din tayo nito, ito, ito at saka ito.""Yun lang po ba sir?"
Ang dami nun tapos yun lang?!
"Oo."
Nasa isang restaurant kami ni Baekhyun dahil nga pareho kaming gutom. Ang kaso nga lang mukhang sobra na para sa dalawang tao ang inorder ng lalaking to?!
"Ui Byun Baekhyun, di ba sobra ang inorder mo? Mukhang lima tayong kakain ah! At saka ang mahal mahal ng pagkain dito."
"No worries Ely, akong bahala sa bill."
In short libre! Mabait pala tong si Baek eh nanlilibre samantalang ang magaling kong best friend malakas lang kumain -___-
"So, bakit ka nasa harapan ng bahay nina Kyungsoo?"
Interview ba 'to?
"Bakit ba kailangan mong alamin pa?!"
"Nagtatanong lang ako wag kang oa, and syempre curious ako kung bakit ka nandoon malay ko pala kayo na tapos nililihim nyo lang diba?"
KAMI NGA, kaso ako lang nakakaalam di siya informed eh.
"Hinatid ko siya kasi pumasok pa ang magaling mong kaibigan kahit may sakit siya."
Napa 'Ahh' na lang itong kaharap ko.
"It means- teka nga?! Paano mo napayag si Kyungsoo na umuwi eh sa amin nga ayaw niyang pumayag kasi daw para sa students night."
Oo nga no, bakit kaya pumayag ng ganoon si Kyungsoo nung ako ang nagsabi? Wait,
"Don't tell me Baek, may gusto sa akin si Kyungsoo?! OMG! Baekhyun!"
Niyugyog ko si Baek. Wala eh kinikilig ako,
"Asa ka naman. Tss walang gusto yung si Kyungsoo ayaw niya sa babae. Kung magkagusto man siya sayo eh napaka imposible nun pag nagkataon."
Medyo masakit ata ang sinabi ni Baek ah. Bakit ba pag sa akin na imposible laging mangyari?! Sehun I need you!
"Byun Baekhyun,"
"Oh?"
"Bakit lagi nyong sinasabing imposibleng magkagusto sa akin si Kyungsoo?"
"Kasi kung may gusto siya sayo, iniwasan ka nun dati pa AND kung may gusto siya sayo hindi ka niya ba-badtripin."
Ay oo nga no? Isang malaking tusok sa hearteu ko yun! Pero sabagay may point naman siya eh, well kung ganoon din naman wala na akong magagawa pero hindi ibig sabihin nun eh hindi ko na crush si Kyungsoo dahil kahit pumuti pa si Kai, tumangkad man si Suho....
Crush ko parin si Kyungsoo.
****"Ely bakit gabi ka umuwi?"
Hindi ko pwedeng sabihin kay mama na nagpakabusog ako sa libre ni Baekhyun kanina! Baka isipin pa nito jowa ko yun. Pero pwede rin hahahaha but si Kyungsoo pa rin ang gusto ko.
Syempre ayaw kong magkasala kay Kyungsoo.
"Uhmmm.... May project lang kaming ginawa ni ano... ni.. ni Kai."
Tick
tock.
tick
tock."Nandito si Kai sa loob kanina pa. Ano pang mga kasinungalingan ang sasabihin mo? Pasok sa loob!"
Patay.
"Psst. Kai!"
Bulong na pasigaw ko kay Kai. Di pwedeng malaman ng nanay ko na pinalabas ako ng classroom kanina ng teacher namin! Itatakwil ako ng nanay ko pagnagkataon!
"Ano?"
"Kai tulungan mo naman ako oh.."
"Bahala ka sa buhay mo. Tita uuwi na po ako tutal nandito naman si Ely. bye po!"
"Osige Kai, ingat ka ha!"
Walang hiya ka Kai! Anong klaseng kaibigan ka! Huhuhuhuhu Kyung-este Sehun I really need you!
Hala ka! Bumalik na ang nanay ko galing kusina patay talaga ako nito!
"Ely sabihin mo ang totoo, saan ka galing at ginabi ka ngayon?"
"Ano kasi eh.... Eh ano.."
"Ano nga?!"
Galit napo ang nanay ko! Ayaw kong mahampas ng walis tambo! Someone save me!
Dikit na dikit na ang kilay ng nanay ko.
"Kasi...-"
"Kasi hinatid niya po ako kanina dahil may sakit ako."
Kyungsoo?! Saan to galing?
"Ba-ba-bakit ka andito?"
"Ah ganon ba. Osige palalagpasin ko to Ely oras na inulit mo pa yun alam mo na premyo mo."
"Opo."
"Osige papasukin mo muna ang bisita mo at papasok na ako sa kwarto namin."
Hay sa wakas! Nakaligtas ako. Bakit ba biglang sumusulpot tong loves ko? Kabute ba siya?!
"Bakit ka andito? At chaka diba may sakit ka hala baka mapano ka niyan."
"Ely! Yun nga palang susuotin mo mamaya sa students night nasa kama mo! Magingat ka ha!"
Muntik ko nang makalimutan yung students night uh!
"Opo!"Mabait din naman pala ang nanay ko eh.
"So? bakit ka nga andito uy!"
"Obvious naman diba? Sinusundo ka. Magbihis ka na dali ayaw kong naghihintay."
"Pero diba may sakit ka? Dapat magpahinga ka."
baka mamaya matumba pa to mamaya konsensya ko pa. Baka katayin na ako ng mga fangirls ni Kyungsoo!
"Okay na ako. Pagod lang siguro pero dontw worry nakapagpahinga na ako kanina."
Okay. Bigla ko nalang naalala, diba galit sa akin si Kyungsoo? Pero bakit niya ako susunduin? Sandali lang nga,
Aarte pa ba ako? Like duh yung crush ko mismo hinihintay ako at ihahatid ako sa students night! Isang malaking achievement para sa akin ito!
Ay oo nga pala magbibihis pa pala ako. Paakyat na sana ako sa hagdanan ng biglang....
"Ely, sorry pala sa nasabi ko sayo kanina. Alam mo naman kasi na ayaw na ayaw ko sa mga nagmumura diba? Pasensya kana talaga."
-Next chapter.
AN: Active na ulit ang inyong author at dahil mahal ko kayong lahat.
![](https://img.wattpad.com/cover/36982016-288-k748287.jpg)
BINABASA MO ANG
BAKIT DI KA CRUSH NI KYUNGSOO?
FanfictionNaranasan mo na bang magkagusto sa isang taong alam mo na malayong magkagusto sayo? At alam mong di lang ikaw ang nagkakagusto sa tao na iyon, marami pang iba. Swerte ka nga dahil matalik na kaibigan mo ang isa sa mga kagrupo niya ngunit wala parin...