K Y U N G S O O 4

101 8 1
                                    

"Kyungsoo okay ka lang?"

Putlang putla kasi itong kasama ko.

"Okay lang ako. Magfocus ka nga sa daan baka masagasaan pa tayo dagdag sakit pa."

"Sabi ko nga."

Pero kung magkasama kami why not diba? Pero joke lang din yun syempre.

"Teka ihinto mo na. andito na tayo."

Omg! is this for real?! Ang laki ng bahay nila *O*  mas malaki pa sa bahay namin to eh.

Ano kaya kung habang nagpapahinga si Kyungsoo magpakilala ako sa mga magulang niya na girlfriend niya ako? Hahahahahahaha
.
.
.
.
.
.
.

Kaso hindi pwede eh baka itakwil na ako ni Kyungsoo pag nagkataon! Hindi pwede yun masyadong masakit sa heart.

"Ely? Pasok na tayo?"

"Ah, sige sige."

Putek ang ganda talaga ng bahay ng dream husband ko! Pero dream nga lang talaga.

"Ay putang palaka!"

Alam nyo yung tipong payapa ang isip mo tapos biglang nagring ang cellphone mo? Yun lang naman ang dahilan kaya nakatingin lahat ng maids nila Kyungsoo at pati si Kyungsoo mismo!

Ayaw ni Kyungsoo sa mga palamurang babae.

Oo nga pala!

"Uhm pwedeng humingi ng packing tape?"

Tinawanan po ako ng mga katulong ni Kyungsoo babes ko T.T nakakahiya talaga.

Kai save me! nakakahiya shet!

"Ely try mo magmugmog sa C.R baka malinis yang bunganga mo. Kababae mo pa naman na tao. Tsk..."

Hala ka Ely! Nagalit sayo ang crush mo nakakaleche lang.. Ang tanga ko kasi eh! Number one pa naman yun sa pinaka ayaw niya sa babae!

Umuwi na lang kaya ako? Tutal naihatid ko naman siya ng safe and hindi pwedeng magstay ako dito, jusko may konting hiya din naman akong nakatago noh!

Tama uuwi na lang ako tutal wala na rin akong class.

Lumabas ako ng bahay nila Kyungsoo noon pumunta na siya sa kwarto niya para magpahinga. Well ini-snob ako eh magpapaalam sana ako kaso wala eh. Ang laki ng galit parang inagawan ko siya ng pororo na stuffed toy niya.

Edi okay! Payn!

"Ely? Bakit nasa harapan ka nang bahay nila Kyungsoo?"

Minamalas ba ako ngayong araw?! Badtrip na nga si Kyungsoo sa akin tapos makakasalubong ko pa tong madaldal na tao na to?! Ang saya lang ng nakakapakyung buhay ko.

"Ely saan ka pupunta?"

"Sa galaxy sama ka?"

Bara ko kay Baekhyun. Oo tama kayo ng nabasa si Byun Baekhyun nga. Ang walking human radio! Oo ang cute cute niya nga kaso ang daldal.

May makulit na nga akong best friend tapos dadagan pa nang tutang to?! Hay pakshet lang. Sarap yakapin si Sehun sa sobrang badtrip ko.

"Ayst. Bakit ba pag ako ang nangungulit sayo badtrip ka lage?! Bakit pag si Kai o yung ibang members hindi ka nagagalit? Grabe ka Ely, ang unfair mo sobraa...."

Hay nako Baek. Ang cute mo na sana kaso masyado kang madaldal.

"Ang daldal mo kasi, sobrang daldal."

Dry ako kay Baekhyun eh. Halata naman bakit diba? Well madaldal ako pero mas grabe tong Byun Baekhyun na 'to!

"Ay ganon ba? Okay tatahimik na ako."

Hay nako buti na lang naisipan niya pang tumahimik masyado akong badtrip kay Kyungsoo ngayon kaya trip kong mag senti.

Ang nasa imagination ko eh yung parang sa nababasa ko sa mga pocket books. Kapag may sakit yung crush mo aksidente niyang masasabi na may gusto siya sayo, pero it is far from reality talaga.

Ang reality is magsusungit pa sayo ang crush mo. Ang sakit sa bangs grabe.

*grrrrr* (Tunog daw ng tiyan yan pag nagugutom XD pagbigyan nyo lang ako -Author)

"Shet!"

Oo nga pala hindi pa ako nag lunch. 

"Pfffft. HAHAHAHAHAHA!"

Osige tawa ka lang Byun Baekhyun tingnan ko lang kung matawa ka pa sa gagawin ko.

"HAHAHAHAH-ARAY!"

Anong ginawa ko? Well inapakan ko lang naman ang paa ng isang Byun Baekhyun!

"Ang sakit nun Ely!"

"Ang OA mo!"

"Tingnan mo kaya yang sapatos mo, may heels ang sapatos mo eh, kaya masakit! Aray.."

Hala oo nga. Masakit siguro to. Ang tanga ko naman forever -_-

"Sorry, nakalimutan ko na may heels pala sapatos ko. Sorry talaga Baek."

"Okay lang. Sige na sige na, tara samahan mo nalang ako kumain bilang pambawi mo kasi sinaktan mo yung magandang paa ko."

Nahiya naman daw ako sa magandang paa ng baklang to! Pero dibale na nga tutal may kasalan ako at gutom na rin ako,

"Sige."

"Edi pumayag ka din."

Imbes na dapat masa bahay ako ni Kyungsoo tapos inaalagaan siya yung parang mag jowa ay leche lang it turns out na makakasama ko pala yung pinaka madaldal pa! Pakyung buhay -___-

-Next chapter.

BAEKYEOL SA GALLERY *_* ULTIMATE OTP KO SILA EH

BAKIT DI KA CRUSH NI KYUNGSOO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon