Chapter 3 - MZL

79 2 0
                                    

--ROSE POV--
Flashback ( 4 years ago)

Biglang nag ring ang cellphone ko.

"Hello?"

" Hi Rose, naaalala mo pa ba ako? Si Jack to, yung kababata mo. Rose sorry kung ngayon lang ako nakatawag sa iyo. "

Totoo ba to?! Si Jack yung kababata ko na nagpunta sa London 8 years ago para dun mag-aral ng highshool.
6 yrs old pa lang ako nun samantalang 11 naman siya. Matalik na magkaibigan ang mga magulang namin at naging close din kami. Binigyan niya pa nga ako ng couple necklace before siya umalis. Nasa akin ang may pendant na puso at sa kanya naman ang susi. I can't explain all the mix emotions I'm feeling right now. Halos maluha-luha na ako nung marinig ko ulit ang boses niya. Ang tagal na naming hindi nagkita. I thought kinalimutan na niya ako. But he didn't. Nangako siya noon na balang araw babalik siya.

"Rose, nagtatampo ka pa rin ba sa akin? Sorry na ohh, it's not my intention to left you. But I just did it for our own good. Promise, babawi ako pag uwi ko jan. Rose mamayang 6:30 pm ang flight ko and 2 hours lang naman ang byahe. Kaya okey lang ba magpasundo sayo?? "

"Whoooo! Jack totoo ba yan, babalik ka na talaga?"

" Oo nga, unless ayaw mo kong sunduin."

"Ano ka ba, susunduin ka namin sa airport. Hindi mo ba kasama sila Tita?"

"Yup, you know my parents, busy palagi sa kumpanya namin."

"Ahh ganun ba so solo flight ka lang pala. Cge Jack, kitakits mamaya. Ingat ka."

"I love you Rose."

-endcall

Hala! Tama ba pagkakarinig ko? Bingi na yata ako. Those three last words. Pero grabe ang saya ko, makikita ko na ulet si Jack. Na miss ko yun.

Tanghali pa lang ng biglang nagmamadaling pumasok sa kwarto ko si papa.

"Anak, wag na wag kang lalabas ng palasyo ha. May pumutok na isang nuclear bomb kagabi at maraming bansa ang naapektuhan ng virus na napakabilis kumalat.
May mga dayuhang infected kaninang umaga na nakapasok sa airport ng La Ford. Marami na ang infected ng virus sa loob nito."

"Pero Dad, may kailangan akong sunduin mamayang gabi sa airport. Plsss?? What about Mom, di ba ngayong gabi din ang uwi niya mula sa New York?"

Isang fashion designer at modelo si mama. May clothing apparel din siya sa New York kaya bibihira lang siyang makauwi rito. Sakto namang ngayong gabi din ang flight niya.

"Cge , pupunta tayo mamayang gabi. Pero magsuot ka ng mask at huwag kang lalayo sa akin."

  It's 9pm. Nagpunta na kami sa airport. Tahimik ang buong siyudad ng La Ford. Nang makarating kami sa aiport, hinarang kami ng mga lalaking nakasuot ng lab gowns at nakatodo balot ng katawan at nakamaskara. Marami ring gaya namin ang nasa labas ng airport, malamang susundo rin ng mga mahal nila sa buhay.

" Your highness, halos lahat ho ng nasa loob ay infected na. Nagsisimula na ang symptoms ng virus at wala na sila sa katinuan. Mas makakabuting lisanin niyo nalang ang lugar na ito."

Lisanin?! Hindi pwede. Kailangan kong makita si Mama at si Jack.
Nang medyo busy silang lahat, pumuslit ako at nakapasok sa loob ng airport. Nakasuot parin ako ng mask. Nakita ko lahat ng tao sa arriving area. May sumusuka ng dugo at yung iba tumutulo ang dugo sa ilong, mata at tenga. Naiiyak na ako sa mga nakikita ko. Hinanap ko si mama at si Jack ngunit hindi ko sila makita. Narinig ko mula sa likuran ang pagtawag ni papa kasama yung mga nakabalot na lalaki. Hinabol nila ako.

My Zombie LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon