Chapter 7 - MZL

72 1 0
                                    

(Thank you sa mga readers ng story na ito kahit bago pa lang. Keep reading, free to leave comments and suggestions din po pala. Love, love, love.
--Avril_Pendleton--)

----J POV----
Nakarating na ako sa labas ng mataas na pader ng Rockwell Palace. Maraming guardiya sa labas at mahigpit ang seguridad. Nagtago ako sa likod ng isang kahoy at nag-isip ng paraan para makapasok sa loob. May bigla akong naalala.

"Jack tara mamasyal tayo." Pangungulit ng isang batang babae. She looks like the child version of Rose.

" Paano naman tayo makakalabas dito? Bantay sarado itong palasyo at baka hindi rin pumayag ang papa mo." Sagot naman nung batang lalaki na mas nakatatanda sa kanya ng ilang taon. I think this boy is me.

"Sige na, may alam akong pwede nating gamiting palabas ng palasyo para makatakas."

Hinigit ng batang babae ang kamay nung batang ako.  Dinala niya ako sa napakalawak na hardin ng palasyo. Puno ito ng mga bulaklak at bermuda. Nagpunta kami sa isang sulok ng hardin at tinanggal niya ang lupang may bermuda sa ibabaw nito. Isa iyong tunnel at ginamit namin iyon papalabas ng palasyo.

Hinanap ko yung parte na nilabasan namin noon. Maswerte namang nahanap ko iyon sa ilalim ng isang puno at natatabunan pa ito ng mga damo at patay na dahon. Pumasok na ako sa loob ng tunnel at nakalabas naman sa hardin ng palasyo. Kay ganda parin nito at walang pinagbago. Nahagilap agad ng mata ko ang isang napakagandang babaeng nakatayo sa isang balkonahe kasama ang isang lalaki at hindi ako maaaring magkamali dahil alam kong si Rose yun, ngunit sino ang kasama niya? Biglang nag-init ang dugo ko at napatikom ko nalang ang kamao ko.

--- ROSE POV ---

Nakatulog ako matapos kong maiyak. Gabi na ng imulat ko ang aking mga mata.  Pumasok si Kyle sa kwarto ko para magpaalam na babalik muna siya sa kaharian nila for some important matters. Lumabas muna kami sa balkonahe para makalanghap ng sariwang hangin at doon nag-usap. We just talked about our kingdoms or should I say he's just the one talking. Wala akong gana.

"Rose, are you okay? Kanina ka pa kasi walang imik. At napansin ko ding namamaga ang mata mo. Did you cry? Is there something that's bothering you?" He asked.

"It's none of your business." Walang ganang sagot ko. Napakarude naman yata ng sagot ko. Halata namang nabigla siya sa sinabi ko.

"What I mean is, I'm fine. Masama lang ang pakiramdam ko." Well, this answer sounds better.

  Maya-maya din ay umalis na siya. Napatingin ako sa kalangitan at bigla na namang umagos ang mga luha mula sa aking mga mata. Nadako ang tingin ko sa baba ng aking kwarto, sa hardin ng palasyo. Napako ang tingin ko sa pigura ng isang lalaking nakatitig sa akin mula sa di kalayuan. Naglakad siya papalapit sa akin at halos maiyak ako ng mapagtanto ko na si J/Jack pala iyon.

Mula sa balkonahe ay bumaba ako agad gamit ang mga vines sa gilid ng bintana ko.

"JACK!"

Niyakap ko siya agad at niyakap niya rin ako.

"Paano ka nakapasok? "

"Sa..tunnel.."

"Jack, alam mo ba kung gaano kadelikado ang ginawa mo.If they found you, they will immediately shoot a bullet in your head. Halika, umakyat ka sa kwarto ko."

Buti at wala ngayon si daddy. Nagdaan kami sa fire exit na malapit lang sa kwarto ko. Wala ring masyadong guardiya ngayon sa palasyo dahil sa pinagkakaabalahang pagpaplano nila papa. Pagpasok sa kwarto ko ay agad akong niyakap muli ni Jack.

My Zombie LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon