I'm Rose Loraigne Madison, 18 years old, the only princess in the Kingdom of Rockwell. Isa rin ako sa mga nakaligtas sa isang apocalypse na nangyari noon. May nuclear bomb na sumabog sa isang mayamang bansa. Maraming bansa ang naapektuhan, isa na rito ang pinakamalapit sa kaharian naming siyudad na La Ford City. Isa iyong prestihiyoso at mayamang siyudad. Ngunit nakapasok rito ang nga dayuhan na nagdala ng virus na madali namang kumalat sa buong lugar. Ang taong naapektuhan nito ay mamamatay at magiging patay na buhay, in short, corpse/zombie na nabubuhay sa pamamagitan ng pagkain ng utak at laman loob ng isang buhay na tao.
It's been 5 years since that plague emerge in this whole world. Halos kalahati ng populasyon ng mundo ay naubos na at ang mga natitira naman ay nahati sa dalawa, ang mga corpses na pagala-gala sa iba't-ibang lugar o ang mga natitirang tao na maswerteng nakaligtas. Kung tutuusin ang mundo'y naging tila isang malaking hukay na nag-aabang ng mga susunod na ililibing sa lupa nito.
Hindi na bumalik sa normal ang buhay namin. All of us almost lose everything. Pero ako, i'm still holding on to this one last thing, hope. I know this might sound crazy but there's got to be a way to fix this mess and restore humanity. And that's the thing that someone needs to find out.
Nagpatayo si Amang hari ng malaking pader na nagsisilbing harang at proteksyon ng mga nakaligtas na tao. Maraming uninfected ang nakatira dito sa aming kaharian. Marami rin sa nananalagi rito ay ang mga taong nakaligtas mula sa iba't-ibang bansa na naapektuhan ng virus. Bukas puso silang tinanggap ni papa ngunit sinigurado muna na walang ni isa sa kanila ang nagdadala ng virus. Kumpleto sa armas, detector at kagamitan ang aming kaharian.
Sa ngayon, masasabi kong nagiging crowded na ang palasyo. Nagkakaroon na din ng shortage sa supply ng pagkain at gamot. Outside this wall are the zombies waiting for their prey. There's really no escape.
Isang araw, nagpatawag si papa ng isang meeting. Pumili siya ng mga taong ipapadala sa La Ford City upang makakuha ng dagdag na supply ng gamot dahil konti nalang ang natitira nito. 7 ang napili niya at isa rito si Shane, ang bestfriend ko. Siya lang ang nagiisang babae, isa kasi siyang nurse at alam niya ang mga kakailanganing gamot.
"Sasama ho ako"
"Anak masyadong delikado. Dumito ka nalang."
"Pero Dad, magaling ho ako sa sensiya at sumali na din po ako sa trainings di ba. Malaki rin ho ang maitutulong ko sa pagkuha ng mga supply na kinakailanganin nating lahat. I feel so useless dad. Na habang may mga taong naglalakas loob na lumabas sa pader ng palasyo, habang abala kayong lahat na naghahanap ng paraan para mailigtas ang mga natitirang buhay sa mundo, ako? Heto ako, nakaupo at nakatunganga sa loob ng kastilyo."
Tama ang narinig niyo. Mahilig ako sa sensiya at sumali na din ako sa army trainings. Atsaka ayoko din hayaan ang bestfriend ko na pumunta dun na hindi ako kasama. Matatakutin kaya yun. Simula ng mamatay si Mommy five years ago, siya na ang palagi kong kasama, kausap, nagcocomfort sa akin in times na malungkot ako at higit sa lahat parang kapatid na rin ang turingan namin sa isa't-isa since busy palagi si papa sa kaharian. Kaya hindi ko hahayaang may masamang mangyari kay Shane. At Malamang napilitan lang yun si Shane kasi walang dapat tumutol o lumabag sa utos ng hari.
"Dad, plssss??"
"Ano pa bang magagawa ko sadyang napakakulit ng baby ko. Basta mag-iingat ka Rose. Minsan ng nawala sakin ang mama mo, 5 years ago. Kaya this time ayokong pati ang baby ko mapatay ng mga zombies na yun. Ipangako mong babalik kang ligtas!"
"Yes daddy, I will."
Niyakap ako ng mahigpit ni daddy at nakita kong may luhang pumatak sa mata niya. Hindi lang ito para kay Shane, para din to sayo dad at sa lahat ng taong narito ang pagsama ko. Hahanap ako ng paraan para ma-cure at mahinto ang virus na ito.

BINABASA MO ANG
My Zombie Lover
FanfictionA human who fell in love with a zombie? Sounds ridiculous! Isang malaking kahibangan hindi ba? But in my case, living in this world after that apocalypse happened, maybe there's a chance. Can you imagine yourself falling inlove to a corpse? This may...