Third Person's POV
"Naihatid na ang sulat mahal na hari at prinsipe."
"Good! Gawin niyo na ang pinagagawa ko."
Umalis na ang mga lalaking nakasuot ng itim.
"You are really eager to kill your cousin, do you?"
"Afterall, he's already dead. Kaya tatapusin lang natin." He smirk.
Sa kabilang banda, natanggap naman ni Jack ang sulat.
--Meet me at the ice cream parlor shop. Doon na kita hihintayin Jack. See you there!--
"Mom, I have to go."
"Oh saan ka pupunta Jack? Ang aga naman ng lakad mo. Akala ko ba 10 am pa ang lakad niyo ni Rose, eh alas ocho palang ohh."
"Magkikita kami ni Rose sa ice cream shop, ma."
"Ahh ganun ba, sige ingat kayo."
Dali-daling umalis si Jack at nagpunta sa abandonadong shop.
"Rose? Rose?"
Isa-isang naglabasan ang mga lalaking nakasuot ng itim. They have different weapons at tila pinaghandaan nila ang pagdating ng binata.
"Wala dito ang hinahanap mo corpse.", bulyaw ng isa sa kanila.
"Nasaan si Rose, anong ginawa niyo sa kanya?"
"Tama na ang satsat!"
Sinugod siya ng sabay-sabay ng mga ito. Magaling makipaglaban ang binata. Naiilagan din niya ang mga pagtira, suntok at sipa sa kanya ng mga lalaki. He is also good in dealing with those weapons like the katana, daggers and etc.
"Katapusan mo na!" Sigaw nung lalaking sumugod mula sa kanyang likuran.
Abala siya sa pakikipaglaban sa iba kaya hindi niya napansin ang lalaking sumugod sa kanyang likuran. Pinukpok siya ng malaking bato sa likod ng ulo na naging dahilan ng kanyang pagbagsak. At tuluyan na siyang nawalan ng malay.
"Ipasok niyo na yan."
Sinilid siya sa isang kabaong. Dumiretso ang sasakyan patungo sa sementeryo ng Rockwell.
Napansin ng matandang caretaker ang ginawa nilang paghuhukay. Lumapit ito sa direksyon nila.
"Magandang umaga. Maaari ko ho bang malaman kung...."
"Shut up old man! Itikom mo yang bibig mo kung ayaw mo pang mamatay. Wag kang mangialam!" Tinutukan ng baril nung isang lalaki ang kaawa-awang matanda.
"Umalis ka na!" Sigaw nung isa.
Halos kumaripas sa pagtakbo si Manong Robert. They did what King Abaddon and Prince Harris had ordered.
"Nakuha ko ito mula sa kanya." Inilahad ng isa ang isang kwintas na hugis susi ang pendant.
"Itapon mo nalang yan diyan." Inihagis niya ito sa lupa. Matapos gawin ang iniutos sa kanila, agad na nilang nilisan ang kaharian ng Rockwell.
--------
(ROSE POV)"May inilibing ho sila mahal na prinsesa."
"Ano?!"
"Sinubukan ko ho silang tanungin kung taga rito ba sila dahil nakatago ang mukha nila, pero tinutukan nila ako ng baril at binalaang huwag nalang mangialam."
May napansin akong kumikinang na bagay sa lupa sa di kalayuan mula sa aming kinatatayuan. I walked towards that thing. Pinulot ko ito.
"No, it can't be!"

BINABASA MO ANG
My Zombie Lover
FanficA human who fell in love with a zombie? Sounds ridiculous! Isang malaking kahibangan hindi ba? But in my case, living in this world after that apocalypse happened, maybe there's a chance. Can you imagine yourself falling inlove to a corpse? This may...