Chapter 8 - MZL

58 0 0
                                    

Sumakay na kami agad ni Jack sa nakaparada kong ferrari. Ako na ang nagdrive at pinatakbo ko ito ng pagkabilis-bilis. Nakita ko mula sa likuran ang malalaking sasakyang pandigma nila papa na nakasunod sa amin. Ito na malamang ang oras ng pagsalakay nila.

Dumiretso na kami sa airport at nadatnan namin ang lahat ng mga corpse na magkakahawak kamay na animo'y nagkakaintindihan . Libo-libo ang dami nila. Sinalubong kami ng namumuno sa lahat ng corpse.

"Handa na kami. Ingatan mo siya tol. At salamat sa inyong dalawa, you made the cure. Love conquers everything. Lalaban din kami."

Ha? Tama ba tong nakikita at naririnig ko. They can talk and feel.

"Mag-ingat kayo Steve."

"Oo tol, alagaan at protektahan mo yang si Rose.", at ngumiti siya sa akin.

"Rose, Tara na!"

Kitang kita ko ang dami ng bonies na papaakyat na sa building Nato. Dumaan kami ni Jack sa overpass at nagtungo sa isang 5-star hotel. Ang daming bonies na humahabol sa amin, malamang naamoy na nila kami.
Nakarating na kami sa rooftop ng hotel at hindi kami nagkamali, ang daming bonies na naghihintay sa aming pagdating.

--Third Person POV--

Sinalakay na ng panig nila King Charles ang La Ford. Labag man sa kalooban nito ang pagsama ng kanyang anak sa isang corpse, Kahit papaanoy may tiwala pa din siya Kay Jack na hindi nito pababayaan ang prinsesa sa kabila ng kanyang kalagayan.
Halos mapaatras ang mga sundalo sa nakita ng kanilang dalawang mga Mata. Nilalabanan ng mga corpse ang mga bonies na kung tutuusin ay Kalahati lamang ang bilang ng mga corpse sa dami ng bonies. Biglaan ang ginawang pagsalakay ng mga bonies. At sa tulong ng mga corpse ay nakaligtas ang isang grupo ng mga sundalo. Pinagtulungan nilang mapatay at maubos ang mga bonies sa abot ng kanilang makakaya.

--Rose POV--

Napapalibutan na kami ng napakaraming bonies. Hawak hawak ko parin ang kamay ni Jack. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Rose, do you trust me?"

"Yes Jack. Is this gonna be the end of our life?"

"No! You must live. I'll keep you safe."

With that, tumalon na si Jack mula sa rooftop ng isang 50-storey na building ng hotel. Nasa ibabaw niya ako. I can feel his warmth, he's hugging my body for support. Hindi ko alam kung ano ang maaaring bagsakan namin. Ewan kung anong pumasok sa kokote nito at tumalon siya bigla. But one thing is for sure. He saved me again. Pinikit ko na ang mata ko at naghanda sa maaari naming bagsakan.

"I love you Rose."

At tuluyan na kaming bumagsak sa ilalim ng 10 feet na pool ng hotel. Walang masyadong impact ang pagbagsak ko sa tubig dahil nakapaibabaw ako kay Jack. Agad akong nakaahon at naghabol ng hininga. Buti nalang marunong akong lumangoy. Agad hinanap ng mata ko si Jack sa paligid ngunit walang Jack na nakaahon mula sa pool. Sinisid ko ang malalim na tubig ng pool. At doon ko nakita sa ilalim ang walang malay na katawan ni Jack. Nang makaahon kami,agad ko siyang inalog-alog.

My Zombie LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon