Chapter 6 - MZL

60 1 0
                                    

Isang linggo na rin mula ng magkausap kami ni Kyle. Palagi na siyang nasa palasyo at binibisita ako. My dad told me about sa papalapit na wedding na plano nila ni King Phillip to merge the two kingdoms. I don't want to marry him because hindi ko siya mahal. Bigla kong naalala si J. I missed him so much. Kaya nung gumabi na, i decided to escape. Lalayo ako sa lugar na ito dahil ayaw kong makasal nu.
Lumabas ako sa palasyo at nagtungo sa garden namin. Dapat makalabas ako ng hindi napapansin ng mga kawal ng kaharian. Ginamit ko ang underground tunnel na ginagamit namin noon ni Jack everytime tumatakas kami sa palasyo. Nadiskubre namin ito noon at kaming dalawa lang ang nakakaalam. Ang tunnel na ito ay papalabas ng palasyo. Nakita ko agad ang ferrari na sinakyan ko pauwi rito. Pinatakbo ko ito ng mabilis at agad namang nakarating sa La Ford. Dumiretso ako agad sa airport dala ang sasakyan ko, hinahabol na nga ako ng mga bonies. Shit! Paano na to?! Sinubukan kong iligaw at lituhin sila at nagawa ko naman. Nang makarating ako sa eroplano, laking gulat ko ng wala siya roon. Tama, malamang nandun parin siya sa mall. Pinaandar ko na ang sasakyan ko at mabilis na nagpunta sa mall. Naging maingat ako sa mga galaw ko dahil maaaring malanghap ng mga zombie ang presence ko. Hindi ako nagkamali. Mula sa di kalayuan, ay nakita kong nakaupo parin si J sa labas ng quantuum. Papalapit na sana ako sa kanya ng may biglang dumamba sa akin, Isang wild na corpse. Nakahiga kami sa sahig habang nasa ibabaw ko siya. Nasa 20's na siguro ang edad niya. Nakita ko sa leeg niya ang isang kwintas na hugis susi. JACK! Siya nga. Tumulo na ang luha ko, hindi ko inakalang nawala na siya sa katinuan. Akala ko may pag-asang buhay pa siya at maayos pa ang lagay niya. Hinihintay ko nalang ang pagkagat niya sa akin. Okey na rin naman kung si Jack ang mismong papatay sa akin. Ngunit nagulat ako ng may biglang humila sa kanya sa ibabaw ko. Pinagmasdan ko si J na pinapatay ang lalaking pinakamamahal ko. Pinukpok niya ito ng fire distinguisher sa ulo hanggang sa magkalasog-lasog ang utak nito.

"Rose, ayos ka lang ba?"

"Wag mo kong hawakan. Pinatay mo siya! Pinatay mo ang lalaking pinakamamahal ko, si Jack."

Nagsimula na akong umiyak at humagulhol. Alam ko namang iniligtas lang ako ni J. Pero si Jack yun, ang lalaking hinintay ko at hinanap ko sa loob ng mahabang panahon.

"Pero .. ako si.. Jack..."

Halos mahulog ako sa kinatatayuan ko sa sinabi niya. Gusto niya pang palitan si Jack sa buhay ko.

"Ano ka patawa? Ikaw? Si Jack! Stop saying nonsense J. Dahil kahit kailan hinding hindi ka magiging si Jack!!!"

Tumakbo ako palayo sa lugar na yun at nagpunta kung saan nakaparada ang ferrari na sinakyan ko. Babalik na ako ng palasyo. Hindi paman ako nakakarating sa kotse ko ay sinalubong na ako ng daan-daang grupo ng corpse. Nakatitig lang sila sa akin. Natatakot ako. Siguro oras na ng kamatayan ko. Napaupo nalang ako sa tuhod ko at nagsimulang umiyak. Nakatitig pa rin silang lahat sa akin. Napansin ko nalang na may nag tap ng shoulder ko. Nang tumingala ako, nakita ko si J, at ang sincere niyang mga mata. Nakita ko ding malungkot siya. Tinayo niya ako at sinakay sa likod niya. Piggy back ride, ganito ang ginagawa sa akin noon ni Jack. Pero ewan ko ba, gulong gulo na ang isip ko. Kailangan ko munang makauwi. Tinitigan lang kami ng mga zombies. Walang niisa sa kanila ang nag wild at nagtangkang sulungin ako at gawing dinner ang brain ko. Nakarating na ako sa ferrari ko at binaba na ako ni J.

"Aalis na ako."

Tumango lang siya. Sumakay na ako sa kotse at nagbalik sa palasyo.

----- J POV -----

"Aalis na ako."

Tuluyan ng umalis ang babaeng pinakamamahal ko. Hindi ko na siya pinilit na maniwala sa akin dahil alam kong naguguluhan na siya. Nagbalik na ang ilan sa aking alaala ngunit hindi pa lahat. At Nagkamali siya, susi nga ang pendant nung kwintas na suot ng zombie na pinatay ko pero hindi iyon ang kapares ng kwintas na nasa kanya.

My Zombie LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon