Chapter 17

14 0 0
                                    

ROSE POV

"This is bad!"

Binalita sa akin ni Shane ang nangyaring pag-atake sa Timog ng Rockwell. Maraming taong nasaktan at namatay. In this kind of situation, who the heck is the one responsible for that?!

Tinignan ko ang aking relo. It's 3pm. Napaka-unusual naman na hindi ako binisita ni Jack. We were supposed to visit those former corpses in the hospital today.

Nagpunta ako sa bahay nila.
"Good afternoon Tita. Nandito po ba si Jack?"

"Kaninang umaga pa siya umalis Rose matapos niyang matanggap yung note na pinadala mo. I thought he was with you?"

What?! Bigla akong kinabahan. Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Sinong maaaring magpadala ng note kay Jack?

"Rose? Ayos ka lang ba?"

"Tita alam niyo po ba kung ano yung laman nung note?"

"Magkikita daw kayo sa lumang icecream shop. Doon mo siya hihintayin di ba? Rose, ikaw ba ang nagpadala nung note?"

Napatulala ako sa kawalan. Hindi ko na nasagot ang huling tanong ni Tita at tumakbo na ako paalis. This is a trap!

Isang ice-cream parlor lang ang alam kong narito sa Rockwell, ngunit isa na iyong abandonadong shop. Dali-dali Kong pinuntahan ang lugar na iyon. I searched in the whole place, pero hindi ko nahanap si Jack.

I roam in the whole town searching for him ngunit wala pa din. Bumalik ako sa abandonadong shop. Napansin ko ang isang bahay na malapit lang dito. Pinuntahan ko iyon.

"Tao po!" I knocked three times hanggang sa pinagbuksan ako ng pinto ng isang matandang babae.

"Princess Rose, magandang hapon." Nagulat siya ng makita ako at yumuko.

"Magandang hapon din po." I bowed.

"Halika, pasok ho kayo sa aming tahanan mahal na prinsesa."

She offered a cup of tea and bread. Nagpakilala siyang si Mrs. Griffin.

"Mrs. Griffin, Pasensya ho sa abala, at maraming salamat sa pagkaing inalok niyo. I highly appreciated it."

"Naku, walang anuman ho mahal na prinsesa. Ikinagagalak kong naparito ka. Ano po ang aming maipaglilingkod?"

Sinabi ko sa kanya ang pakay ko.

"Naku, patawad mahal na prinsesa ngunit umalis din ako kaninang umaga. Pag-uwi ko ng tanghali, wala akong nakitang lalaki pag daan ko diyan."

"Ahh ganoon po ba. Salamat po."

Naglakad na ako palabas ng pinto ng biglang...

"Ate...."

Tinawag ako ng isang batang lalaki. Nasa 5-7 siguro ang edad niya. And he's cute.

"Pasensya na po mahal na prinsesa. Aaron, magbigay galang ka sa prinsesa." Ani niya.

"Lola narinig ko po ang usapan niyo. And I think it was him."

"Nakita mo si Jack, Aaron?"

"Mahal na prinsesa iniwan ko ho kasi siya kaninang umaga dito sa bahay habang mahimbing pa siyang natutulog."

"Kaya pala nakita niya kanina si Jack. "

"Ang galing nga pong makipaglaban nung lalaking nakasuot ng redhood jacket. Pero pinukpok po siya ng tubo na bakal sa ulo nung isa sa mga lalaking nakasuot ng damit at maskarang itim. Nawalan siya ng malay."

Napatakip ako ng bibig sa gulat. Who the hell were those guys? Alam kong si Jack ang tinutukoy ni Aaron na nakasuot ng red hood jacket.

"Ano ang sunod na nangyari?"

"Dinala nila yung lalaking naka red hood paalis sa lugar na iyon."

Natahimik ako at tuluyan ng tumulo ang mga luha ko.

"Maraming salamat ho Mrs. Griffin at sa iyo din Aaron. Aalis na ho ako."

"Mag-iingat ka palagi hija." Ani Mrs. Griffin.

"Ate, nagpunta sila sa direksyong iyon."

Tinignan ko ang direksyong tinuro ni Aaron. It can't be! Papunta ang daan na iyon sa sementeryo ng palasyo.

"Salamat."

Tumakbo ako papunta sa direksyong tinuro nung bata. Bakit sa sementeryo? Anong plano nilang gawin kay Jack?!

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo hanggang sa narating ko na ang sementeryo. Nagtatakip-silim na. Iilang tao lang ang makikita mo sa paligid.

Nagtanong-tanong ako sa ilan kung namataan ba nila si Jack, ngunit nabigo ako.
I sat under a tree. Medyo nasa dulong parte na ako ng sementeryo. Pinagmasdan ko ang kulay kahel na kalangitan. What should I do? Where can I find him?
Jack, maghintay ka lang, mahahanap din kita.

Umihip ang malakas na hangin. I can feel its coldness as it touches my skin. Medyo dumidilim na din ang paligid. Napatungo ako at tuluyan ng bumagsak ang mga luhang pinipigilan ko.

"Maam,dumidilim na ho. Kakailanganin niyo ho itong flashlight na dala ko."

I raised my head.

"Manong Robert!"

"Mahal na prinsesa, ikinagagalak ko ho kayong makita. Ano hong maipaglilingkod ko?" He bow down as a sign of respect.

"Manong, may hinahanap po ako. Nakapansin ho ba kayo ng isang lalaking nakasuot ng red hood jacket kasama yung mga lalaking nakasuot ng itim? Natatandaan niyo pa po ba siya, si Jack yung kasama ko nung isang araw dito sa sementeryo. Nawawala ho siya manong."

"Patawad mahal na prinsesa pero hindi ko ho nakita rito si Jack. Tanging yung mga lalaking nakasuot ng itim na maskara ang nakita ko kanina."

"Ano hong ginawa nila rito?"

Halos mapatakip ako ng bibig sa sinabi ni Manong.

My Zombie LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon