Naging malapit na kami sa isa'-isa. I feel comfortable with him. It's been a month. At For sure, nag-aalala na rin si papa. Kailangan ko na talaga munang umuwi. Kaya kahit labag man sa kalooban ko, kailangan kong matakasan si J.
"Taaaa...raaa."
"Ha, saan tayo?"
"Maaa.maaaaa.maaaas..yal."
Tama! Ito na ang oras ko para makatakas. Desperada na ako kaya hindi ko na alintana kung ano pamang panganib ang masasalubong ko. Pinahiran niya ulet ako ng dugo para hindi maamoy ng ibang zombies.
Una nagpunta muna kami sa amusement park. May nakikita pa akong mga batang corpse dito. Nakahawak lang ako sa kamay ni J. Gusto ko munang lasapin ang huling sandaling kasama ko siya. Halos pinagtitinginan na kami ng mga zombies sa paligid namin kaya mas hinigpitan ko pa ang paghawak sa kamay niya. Nakakakilabot kaya sila. Naglaro kami sa playground, namiss ko ito sobra. Then, dumiretso na kami sa isang mall. Naglibot-libot. Nagsukat ng mga damit. At lastly naglaro sa Quantuum, isang gamezone sa mall na ito. Nakaupo kami ngayon sa isang bench sa labas ng quantuum. Nagpaalam ako kay J na pupunta muna ako sa CR.
"Ahhh, J, punta muna ako ng CR ha."
Akmang tatayo na siya pero pinigilan ko siya.
"J, wag mong sasabihin na sasama ka sa CR? Dito ka lang."
Sa tingin ko'y nainitindihan niya naman. Tumalikod na ako sa kanya at naglakad paalis. Narinig ko ang huling sinabi niya.
"Rrrose, hiiii..hiin..tayin kkkita diitooo.."
At doon ko siya tuluyang iniwan. Nagsi-agos na ang mga luha sa aking mga mata. Patawad J.
Nagpunta ako sa parking lot at naghanap ng magagamit na sasakyan. Ang daming zombies sa paligid. Makikita rito ang 2 uri ng zombies, ang corpse at bonies. Papalapit na sana sa akin ang 5 bonies, buti nalang at nakapasok ako diretso sa isang ferrari na sasakyan at pinatakbo ko ito ng pagkabilis-bilis. Nakalabas na ako ng siyudad at tumungo na sa aming kaharian.
Sinalubong ako ng 5 kawal sa labas ng pader.
"Prinsesa Rose, ikaw ba iyan?"
"Oo kuya ako to. Wag kayong mag-alala at okey lang ako."
Lumabas si papa. Na-miss ko siya.
"Kailangan parin nating makasigurado. "
Ginamitan ako ng detector ng 2 kawal at lumabas na negative ako mula sa virus. Biglang ngumiti si Papa at niyakap ako.
"Baby, alam mo bang nag-alala ako ng sobra sayo. Ngunit hindi ako nawalan ng pag-asa na babalik kang ligtas."
" papa, nagpromise ako diba."
Pumasok na kami sa loob ng palasyo. Sa tingin ko, kahit papaano'y tama din naman na umuwi na ako para hindi na mag-alala si papa at maging malungkot, at least alam na niyang ligtas ako. Pero si J, kamusta na kaya yun?!
Sinalubong ako ng besty ko sa loob ng palasyo.
"Bes!!!"
Halos maiyak-iyak siyang tumakbo papalapit sa akin.
"Bes na miss kita. Ilang linggo ka ring nawala. Akala ko wala na talaga ang bestfriend ko." Ani niya.
Niyakap ko din si Shane. Nakakamiss din kaya tong babaeng to. Umakyat na ako sa kwarto ko at nag-ayos ng sarili ko. Nakakapagod, lumalalim narin ang gabi at kailangan ko ng matulog.
Nahiga lang ako sa kama. Pinikit ko na ang mata ko. Ngunit napadilat akong bigla ng makita ang malungkot na mukha ni J. Umupo nalang ako sa kama ko at niyakap ang binti ko. Suot ko pa rin ang kwintas na bigay noon ni Jack, tinitigan ko lang iyon.

BINABASA MO ANG
My Zombie Lover
FanfictionA human who fell in love with a zombie? Sounds ridiculous! Isang malaking kahibangan hindi ba? But in my case, living in this world after that apocalypse happened, maybe there's a chance. Can you imagine yourself falling inlove to a corpse? This may...