Nicollete POV
Nakarating kami sa rest house ni ate na malapit sa dagat na favorite place naming dalawa .
Tuwang-tuwa talaga sya kapag nakakayakap sya sakin . Buti na lang at may kasambahay sila dito at sila na ang nag handa ng makakain namin. Cooking si ate pero mas gusto nya daw na ako ang mag luto at para matikman lahat ng niluluto ko .
" Nanay Sy mamaya po paki sabi sa iba na ipag handa po kami ng table dun sa may tabi ng dagat dito po kami tutulog ngayon " magalang pala sya akala ko hindi eh charr.
" Masusunod ija basta kumain lang kayo ng kumain dyan . Ano mo nga sya ija girlfriend mo ba sya kasi sabi mo sakin dati diba ang dadalhin mo lang dito ay yung gusto mo maging asawa ? " bigla akong nasamid sa pag inom ko at takang tumingin kay ate louise .
" Nasabi ko po ba yun nanay parang hindi " hindi talaga sya marunong mag sinungaling minsan halata sa kanya ang pamumula at parang humahanap pa ng idudugtong sa sasabihin nya.
" Step sister nya po ako " ako na ang sumagot , napangiti na lang si aling sy sa sagot ko .
" Ayy ganun ba hala pag pasensyahan mo na ako ija " nginitian ko lang si aling sy .
Umalis na ito matapos nyang humingi ng pasensya tahimik namang kumakain si ate louise at parang ayaw nya mag pa istorbo dahil sarap na sarap sya sa pag kain nya.
" Ate dito talaga tayo tutulog may pasok kaya ako " nginitian nya lang ako at may pina kitang text sakin . Nakalagay lang naman dun ay excuse ako yun kasi sabi ng adviser ko kaya sinamaan ko si ate ng tingin .
" Dami mo talagang kalokohan ate " natawa lang sya sa sinabi ko at tumayo na sya . Tapos na kasi sya kumain ako naman patapos pa lang mabagal lang talaga ako kumain tsaka kakaunti lang kinakain ni ate kaya mabilis syang natatapos.
After kumain ay niyaya naman ako ni ate gumala . Hawak - hawak nya kamay ko at parang ayaw na nya bitawan . Napangiti na lang ako may side din kasi sakin na ayaw kong bitawan nya kamay ko.
" Huwag mo nga papahawak kamay mo sa nathan na yun mamaya mag ka virus ka " natawa ako sa sinabi nyang yun sa dami talagang sasabihin ganun pa .
Nakaupo kami ngayon sa ilalalim ng puno sumasakit daw tiyan nya kasi nga matakaw sya . Namula ang mukha ko ng halikan nya ang kamay mo i know is not a first na hinalikan nya kamay ko pero kasi naaalala ko na naman yung kiss na nangyari samin . Kinuha nya first kiss ko na matagal ko ng iniingatan .
" Kapag hinawakan pa ito ni nathan hindi na tayo bati " parang bata nyang sabi . Nginitian ko sya tsaka isinandal ang ulo ko sa may balikat nya.
" Mamaya lulubog na ang araw kaya dun tayo sa may tabing dagat may ini hahanda lang sila nanay " nag taka naman ako sa sinabi nya . Siguro kalokohan na naman yun .
Gumilid sya ng pwesto para yakapin ako at siniksik nya naman ang mukha nya sa may leeg ko kaya naman medyo nakikiliti ako . Bakit ba napaka clingy nya tapos minsan naman napaka topakin, kaya minsan hindi ko sya maintindihan dahil pabago bago rin ang mood nya.
Ang lakas ng tibok ng puso ko pakiramdam ko mawawalan ako ng hininga sa sobrang bilis ng pag pintig nito amg weird lang kasi hindi ko ito maramdaman kay nathan pero kapag kay ate louise halos lagi lagi ko itong nararamdaman. Napa singhap ako ng hangin ng maramdam ko ang mainit nyang hininga at pag lapat ng labi nya sa balat ko . Itinulak ko sya ng konti at tinignan nya naman ako ng seryoso napatingin din ako sa kanya ang ganda pala ng mata nya sa malapitan dark brown .
" Singkit ang ganda ng mata mo " aniya nya mata ko daw eh sa labi ko sya naka tingin .
" Ate naman bola ka " pabiro ko syang tinulak pero ang totoo naiilang na nahihiya ako .
Nasa harap kami ngayon ng dagat at pinapanood ang sunset nag lagay pala sila ng soundtrip dito at meron din konting pag kain kaya pala .
Nag taka ako ng tumayo sya at inilahad nya ang kamay nya sakin bigla naman tumugtog ang kantang " Every woman in the world by Air Supply "
" Pwede ko bang maisayaw ang prinsesa ko ? " Nakangiting tanong nya . Nag init ang mukha ko at inabot ko ang kamay ko sa kanya .
LOUISE POV
Pag ka abot ni nics ng kamay nya sakin ay inilagay ko agad ang mga kamay nya sa batok ko at hinawakan ko naman ang mag kabilang beywang nya . Masaya akong nagagawa ko ito sa kanya hindi ko na muna iisipin si tita at ang utos nya , tao din lang naman ako na may puso at may nararamdaman.
" Ang seryoso mo po " sita nya sakin pero nginitian ko lang sya. " Bakit ganito ka kasweet sakin ate ? "
" Kasi kapatid kita " i know na hindi sapat na sagot yun para sa kanya .
" Kapatid . Ang sweet mo palang ate kung ganun tapos yung background music ang sweet din " namula ang mukha ko dahil sa sinabi nyang yun . Nakakainis talaga sya alam nyang hindi ako marunong mag sinungaling sino ba naman kasi ako para gustuhin nya.
After namin mag enjoy sa tabi ng dagat. Nakahiga naman kami ngayon ss kwarto at pagod na pagod iisang kwarto lang naman tinutulugan namin at mag katabi pa kami . Naka talikod sya sakin at mukhang may ka chat na naman sya .
Tumayo ako at kinuha ang laptop ko at dumapa sa kama nakita kong online si xai kaya naman ni chat ko sya . Nag try din akong tawagan sya kaso pinatay nya yun at nag off bigla . Napairap ako ng mag earphone si nics at dahil naka isip ako ng kalokohan ay tinawagan ko sya . Tumingin sya sakin at natawa na lang ako sa tingin nya na nag tataka .
" Ate bakit po ? " tanong nya .
" Masyado ka pong busy dapat ine enjoy natin itong gabing ito na tayo lang dalawa " aniya ko.
" Palagi naman tayong mag kasama sa gabi ate tsaka mag c call daw po kaibigan ko kaya nga ako nag earphone " inirapan ko sya at inilagay na lang sa tabi yung laptop ko at lumapit sa kanya at niyakap sya .
" Ate nakakailang ka po . Seryoso yan " automatic na napalayo ako sa kanya . Nasaktan ako pero hindi ko yun ipinahalata .
" Ahh antok na ako " nasabi ko na lang at humiga na patalikod sa kanya. " Good night janixen "
Huling salitang binitawan ko bago ako lamunin ng antok.
YOU ARE READING
YOU are The ONE
RandomWhat if sa kanya ka lang pala mahulog, sa dami-daming babaeng dumating sa buhay mo sya lang pala yung babaeng hinahanap mo at mag paparamdam ng totoong pag mamahal na matagal mo ng gusto.