Louise POV
Hindi ko alam ang gagawin ko kung hahalikan ko ba sya o hindi kasi naman inaakit ako ng malalambot nyang labi kaya makalipas nag ilang segundo ay nilapat ko na ang labi ko sa malambot nyang labi nag tagal yun ng ilang segundo bago nya ako itulak at mag paalam na mag aayos na sya.
Nakita ko na syang bumaba at nakapants na sya . Walang may balak na mag salita saming dalawa hanggang sa makarating kami ng kotse . Dinala ko na lang sya sa isang restaurant na malapit sa bahay nila .
Hindi ko na kaya ang katahimikan dito sa loob kaya naman nag salita na ako." Im sorry hindi ko dapat ginawa yun " mahinahong sabi ko.
" Dapat talaga. Yahh your stole my first kiss " reklamo nya at humarap na sya sa may bintana. Kahit anong kulit ko sa kanya ay hindi nya ako pinapansin. Napangiti na lang ako dahil kahit alam kong inis sya sakin ay kinakausap nya pa rin ako.
Nakarating kami sa isang japanese restaurant hinawakan ko ang kamay nya at hindi naman sya nag reklamo kahit na hinalikan ko sya. Mali yun dahil may girlfriend ako hays bwisit bakit kasi ang lambot ng labi nya tapos kapag tinitignan ko yun para akong inaakit kakainis.
Konti lang ang inorder namin pag kain kasi alam kong kakain pa rin sya dun sa bahay nila makikikain na rin ako kahit mabilis akong mabusog . Kakausapin ko na rin si tita about sa pananaw nya sa mga katulad ko.
Habang kumakain kami ay pasimple akong sumusulyap kay nics napaka tahimik nyang kumain sobrang hinhin nya .
" Ate malapit na yung event wala ka bang sasalihan na sport ? " tanong nito sakin.
Buti na pa alala nya sakin yang sport na yan baka nga mapanood nya na ako mag laro kasi kukunin na ako ng coach ko baka daw ipabagsak nya ako sa isang subject ang sama ng ugali diba . Ako lang naman ang isang babae sa team namin kasali din naman ako sa team ng girls .
Kaya lang naman ako nag sali sa dalawang team ay para tumaas ang grades ko ." Di ko alam . Ikaw ba ? " Bahagya syang umiling ibig sabihin lang nun ayaw nya.
" Sumali kana ate sayang grades din yun " pilit nya sakin . Sya nga hindi sumasali tapos pipilitin nya ako naks kababait talaga eh .
" Osige sasali na ako . Tara na punta tayong mall dali " yaya ko sa kanya .
" Ayaw ko ate kakapagod po kaya " napasimangot na lang ako at tumango . Hindi nakawala ang pasimpleng pag ngiti nito sakin na kinabilis na naman ng heart beat ng puso ko .
" Sige na nga payag na ako ayaw ko manuyo hindi ako marunong " natatawang sabi nya kaya naman halos mapatalon ako sa tuwa .
Masaya akong lumabas ng restaurant habang hawak ang kamay nya walang kupas ang lambot ng palad sobrang sarap sa kamay at parang ayaw ko na iyon bitawan .
Mabilis kong pinaandar ang kotse papuntang mall gusto ko kasing makalaban sya sa basketball at sa ibang laro makikipag pustahan ako sa kanya hahaha.
Mga ilang minuto pa ay nakarating na kami sa mall agad agad ko naman syang hinila dahil sa sobrang excitement na nararamdaman ko .
" Hindi naman po halatang excited ka ano po " natatawang sabi nya
Agad agad naman akong nag pa palit ng token at binigyan sya.
" Sobra hahaha . Ganito if matalo moko gagawin ko lahat ng gusto mo at ibibigay mga gusto mo pero kapag ako ang nanalo sasama ka sakin sa bundok ng September 24 then ibibili moko ng dalawang sports car " tinitigan nya muna ako na parang nag dadalawang isip pa .
" Sige payag ako" aniya .
Nag start na kami at dahil gusto kong manalo ay nag focus lang ako sa pag shoot ng bola medyo lamang sya sakin pero dahil sa gusto kong manalo ay hinabol ko ang score nya at tagumpay naman ako .
YOU ARE READING
YOU are The ONE
RandomWhat if sa kanya ka lang pala mahulog, sa dami-daming babaeng dumating sa buhay mo sya lang pala yung babaeng hinahanap mo at mag paparamdam ng totoong pag mamahal na matagal mo ng gusto.