Louise POV
" Best halika dali " tawag sakin ng kaibigan ko pero hindi ko sya pinansin at tumutok na ulit sa cp ko , nag lalaro kasi ako ng ml tapos mang iistorbo na naman sya sa pag lalaro ko kaya palagi akong lost streak , tuwing nag lalaro ako wala syang ibang ginagawa kundi kulitin ako.
" Best dali na may papakita ako sayo " aniya nito na halatang malapit na mag tampo. Kakadating nya lang kasi sa condo ko at dahil wala naman kaming pasok napag pasyahan ko ng tumambay muna dito at itong kaibigan ko nakakain ata ng pwet ng manok hindi mapakali dahil kanina pa ako nito kinukulit.
" Napaka busy mo naman " may halong tampo na sabi nya " Minsan na nga lang mangulit ayaw pa pansinin " akmang aalis sya at buti na lang tinapos na ng kasama ko yung laro at agad kong binatukan bestfriend ko.
" Aray ko ! " daing nya pero inirapan ko na lang sya.
Nakita kong may hawak itong plastic kaya naman na curious ako sa dala nya.
" Ano yan ? " tanong ko.
" Ahh ito ba siopao ito tsaka ice cream, ako na lang kakain ayaw mo diba " halatang nag tampo ang bruha at kakainin pa yung siopao at ice cream ko.
Tumayo ako at kinuha yung siopao at ice cream sa kanya.
" Akin toh! " pag tataray ko sa kanya.
Lalo syang napasimangot sa ginawa ko , ang cute nya talaga pag ganon.
" Ako bumili nyan eh " nakasimangot nyang sabi .Napangiti na lang ako sa inaasta nya kaya naman binigyan ko sya ng isang halik sa noo.
" Ginawa mo pa akong matanda! " natawa na lang ako , dapat pala sa cheeks napaka demanding kasi nitong babaeng ito .
" Ikaw na nga kiniss nag rereklamo ka pa! " pag tataray ko sa kanya.
Tumabi ako sa kanya at labag sa loob kong hinati yung siopao at binigay sa kanya ang kalahati. Napansin ko naman na napangiti sya kaya napangiti na lang din ako ang cute nya talaga .
Tahimik kaming kumain ng dala nyang siopao ng bigla nyang na open yung about samin ni kiera.
" Pansin ko madalang na lang kayo mag kasama ni kie may problema ba? " tinignan ko sya at napailing na lang kaso makulit talaga itong babaeng ito.
" I know may problema " napairap na lang ako , alam nya naman pala itatanong pa.
" Nag kakalabuan na kami,madalang lang kami mag sama o mag usap hindi na nga kami minsan nakakapag bonding dahil na rin siguro na busy sya at ganun din ako. Kahapon may date sana kami kaso sabi nya may pupuntahan pa sya . Ipapa cancel ko pa sana yung meeting ko kaso wala eh parang ayaw nya ako makasama " sabi ko at yumuko dahil na iiyak na ako kapag naiisip kong mawawala si kie sakin.
" Ahh i see , baka sawa na sya sayo " seryosong sabi ng kaibigan ko.
Napangiti na lang ako ng mapait ,alam kong nakakasawa ugali ko dahil na rin sa pagiging moody ko kaya minsan away bati talaga kami . Hindi na ako mag tataka kung balang araw mag sawa sya pero not now im not ready , mahal na mahal ko sya kahit manhid sya.
" What if gumala na lang tayo " suggest ni bruha.
" Ayoko tinatamad ako gumala " aniya ko at binigay sa kanya yung balat ng ice cream at siopao at dumapa na sabay kuha ulit ng cp.
" Hey kakain mo lang nakadapa kana umayos ka nga! " pinalo pa nya ako kaya naman napaupo ako .
" Dinaig mo pang mommy ko ah " pag tataray ko sa kanya.
" Kuha lang kitang tubig " aniya nito at lumabas na ng kwarto .
Napangiti na lang ako dahil napaka caring nya sakin . Nag basa na lang ako ng i love you ara kahit naman tapos ko na itong basahin ay nakakamiss pa rin bawat laman ng chapter . Favorite ko talaga ang mga patayan or girl love story mas nag eenjoy ako kapag nag babasa ako ng mga ganun kung saan ako nakaka relate .
YOU ARE READING
YOU are The ONE
AcakWhat if sa kanya ka lang pala mahulog, sa dami-daming babaeng dumating sa buhay mo sya lang pala yung babaeng hinahanap mo at mag paparamdam ng totoong pag mamahal na matagal mo ng gusto.
