Louise POV
Ito yung araw na pinaka hihintay ko hinang hina na ako tinignan ko si nics na natutulog mabuti na lang at wala s'yang masyadong pasa . Maya-maya pa ay pumasok na ang mga lalaki kasama nito si mishi at si nathan lalo na yung peter .
" Gising kana pala mabuti naman " aniya ni peter at binigyan na naman ako ng suntok gigil na gigil ito sakin.
" Hey huwag mo syang masyadong baldahin mag papakasal pa kami " maarteng sabi sa kanya ni mishi.
Gising na si nics at nakita kong maiiyak na naman sya dahil sa kalagayan ko . Nginitian ko sya pero agad ding nawala dahil sinuntok na naman ako. Pinigilan na sya nila nathan at pinalabas na ito. Sumama na rin sa kanya si nathan na nakangisi pa .
Tumingin ako kay nics at nginitian ito nakita ko naman ang pag hikbi nya.
" Mahal kita Nicollete kaya handa akong... " hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng sikmuraan ako ng mga armadong lalaki .
" TAMA NA PLEASE ! Ate im sorry wala akong magawa " umiwas ako ng tingin ng makita ko syang umiiyak . Wala akong magawa para iligtas sya sa mga taong ito . Hindi ko mailabas ang tunay na ako ayokong matakot sya sakin.
" Tama lang pala na dinukot namin sya bilang kahinaan mo HAHAHAHA " sinikmuraan na naman ako kaya napa suka ako ng dugo .
Lumapit si Mishi kay nics at hinawakan ito sa mag kabilang pisnge .
" Maganda pala sya kaya pala ayaw mo sakin pwes ito ang bagay sa kanya ! " inis na sabi ni mishi at sinampal ng malakas si nics .
" Ano ba Mish tama na huwag mong idamay si nics dito ! " sigaw ko kahit na hinang- hina ako ay may lakas pa rin akong sumigaw . Pumiglas ako sa lubid na naka tali sakin ramdam ko na lumuluwag ito medyo natawa ako sa loob-loob ko .
" Hayaan nyo muna mga yan bantayan nyo sila ng maigi " aniya ni mishi " bago ito umalis ay tumingin pa ito ng malagkit sakin . Maganda ka sanang bruha ka malandi ka lang.
Umalis na silang lahat at kami na lang ni nics ang naiwan . Nakatali din sya sa isang poste ng bakal .
Huminga ako ng malalim at tinignan sya naka tingin din ito sakin ng bumuhos na naman ang luha nya kaya napa iwas ako ng tingin . Wala ako sa tabi nya para punasan yun at nasasaktan ako kapag umiiyak sya.
" S-sorry ate ng d-dahil sakin nasaktan ka " hirapang sabi nito dahil sa pag iyak.
" Shhh tahan na ayos lang ako malayo sa bituka " pilit kong hindi mautal para hindi sya mag alala sakin nahihirapan na rin ako huminga dahil siguro sa pag sikmura at pag suntok ng tauhan ni mishi sakin .
" Listen to me Nicollete mahal kita mahal na mahal kita kaya kahit anong mangyari sakin huwag mong sisisihin sarili mo . Kapag bumalik sila mamaya ipikit mo ang sarili mo huwag kang mumulat hanggat wala akong sinasabi okay " aniya ko.
"O-opo ate " mahinang sabi nya .
Mga ilang minuto pa ay bumalik ang dalawang lalaki nag dala ito ng pag kain .
" Paano sila kakain kung naka tali sila ? " tanong ng isa .
" Ito ilapit mo dyan kay louise " aniya ng isa at kinalas ang tali ni nics pero itinali naman ang isang kamay nito.
Mag kalapit na kami ngayon at kitang kita na ng mga mata ko ang sampal sa kanya ni mishi bwisit talaga sya! Humanda sya sakin kapag naka takas ako .
" Subuan mo na lang sya tara na pare " aniya nito at umalis na sila ng kasama nya.
" Ate " aniya ni nics at hinawakan ang mukha ko. Napangiti na lang ako.
" Ayos lang ako sige na kumain kana " aniya ko at tumingin sa basag na binata nitong kwarto . " Hindi tayo lalasunin ni mishi kaya kainin mo na yan "
YOU ARE READING
YOU are The ONE
RastgeleWhat if sa kanya ka lang pala mahulog, sa dami-daming babaeng dumating sa buhay mo sya lang pala yung babaeng hinahanap mo at mag paparamdam ng totoong pag mamahal na matagal mo ng gusto.