Nicollete POV
After ng nangyari samin ni ate one week ago ay todo kulit sya sakin ngayon walang araw na hindi nya ako sinasama sa mga lakad nya at ngayon ay may lakad na naman kami 4:00 palang ng umaga ay gising na sya at pati ako . Pagod kaya ako sa study daming pinapagawa ng mga teachers namin. At dalawang araw na ang nakalipas ng sinabi ko kay nathan na tigilan nya ako dahil nahuli ko syang may babae sa mall . Buti na lang at hindi ko sinabi yun kay ate dahil kasama ko sya nung araw na yun.
Kaya naman hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tinitigilan ni nathan . Bahala pa sya sa buhay nya naka focus ako sa study ko .Tsaka nanliligaw na rin si ate wala akong magawa dahil sinasabihan nya akong unfair kasi si nathan pinayagan ko sya hindi kaya naman pinayagan ko na rin sya tsaka crush ko naman si ate slight nga lang crush lang naman yun dahil napaka protective nya at sobrang alaga nya kaso may pag ka immature naman minsan.
Nagulat ako ng may yumakap sakin mula sa likod . Walang iba kundi si ate louise napaka clingy nya . Hindi na rin naman ako naiilang sa kanya kahit papaano nasanay na ako.
" Ready kana ba baby don't worry malapit lapit lang yun makaka kita ka ng kotseng lumilipad " malambing na sabi nya .
" Ate need ba talaga natin puntahan yan ? " tanong ko .
" Oo kaya tara na " aniya nya .
Hindi pa ako nakaka oo ay hinila nya na ako nasa baba na kasi ang mga dadalhin namin .
Pag kasakay namin sa kotse ay may mga bodyguard din na sumakay na sa kani kanilang sasakyan mag babantay daw kasi sila sa malalayo para safe daw . Kahit naman wala sila pakiramdam ko safe na ako kapag si ate louise ang kasama ko noh .
Nasa kalagitnaan kami ng biyahe at medyo inaantok ako kaya sinabi na lang ni ate na matulog na lang muna ako kaso ayoko .
" Ready kana kumapit ka okay " after nyang sabihin yun ay nag over speed sya at sisigaw sana ako kaso mauubusan ako ng hininga.
" Wooohhhh ang saya ! " sigaw ni ate halata naman na enjoy na enjoy sya sa ginagawa nya.
" Ate baka mabangga tayo slow down po " aniya ko.
" Just trust me baby okay hindi tayo pwedeng mag pa tumpik tumpik pa " masayang sabi nya .
After ng mahabang byahe ay naka rating na kami sa bungad ng bundok at niyaya nya na ako umakyat dun . Dala ng mga tauhan nya ang bag namin kaya hindi kami medyo hirap pero may dala rin naman si ate louise na bag na nasa harap nya .
Hawak hawak nya ang kamay ko at hindi nya yun binibitawan muntik pa nga syang matisod kaya tinawanan ko sya.
" Dahan dahan po kasi ate " sabi ko at tinawanan sya . Sumimangot sya na mas lalong nag pa cute sa kanya .
" Oo na nag dadahan dahan naman sadyang matirik lang tong bundok " sinisi pa yung bundok grabe talaga sya .
Inalalayan nya ako palagi kapag may mga daan na mahirap hakbangan . Nakakapagod talaga umakyat ng bundok malapit na rin mag 5:30 am kaya mas binilisan pa namin . 1 hour lang kasi yung byahe grabe ba naman patakbuhin yung kotse nya porket bago .
" Ate bakit ngayon mo lang naisipan mag ganito? " tanong ko .
" Hindi ah remember nung natalo kita sa basketball sa fun world sabi ko sasamahan moko sa bundok " sagot nya. Oo nga pala bakit ko ba naka limutan yun .
" Oo nga pala sorry nakalimutan ko " aniya ko .
" Ayos lang tsaka busy tayo right tsaka naiintindihan ko na need mo mag spend ng time sa family at friends mo " aniya nya. Medyo sumungit ang boses nya .
" Oh bakit ang sungit? " tanong ko .
" Kasi naman sumingit pa yang nathan na yan buti na lang pinatigil mo na sya " kaya naman pala naiinis kasi naisip si nathan . Hindi lang naman kasi si nathan yung may gustong manligaw madami pa sila .
Bago mag sumapit ang 6:00 am ay nakarating na kami sa tuktok ng bundok . Sobrang ganda kahit medyo madalim pa.
"Paki ayos ng mga gamit after nyan kumalat na kayo " rinig kong utos ni ate sa tauhan nya.
Niyaya nya akong umupo sa may isang tabi kung saan makikita mula dito ang dagat at munting mga bahay na nasa ibaba. Unti-unti na rin sumisilip ang araw na kinamangha ko.
" You like it ? " tanong ni ate . Kaya naman lumingon ako sa kanya .
" Yes ate i like it " aniya ko at hinilig ko ang ulo ko sa ulo nya .
" That's my surprise for you baby " malambing nyang sabi .
Hinawakan nya ang pisnge ko at pinaharap ang mukha ko sa kanya . Ang lakas ng tibok ng puso ko daig pang hinahabol ng kabayo sa daan . Napapikit na lang ako ng mag lapat ang labi naming dalawa . Ang lambot ng labi nya. Aminado akong nagugustuhan ko rin ang mga halik nya . Kakainis lang bakit kasi hindi ako makaiwas kapag hinahalikan nya ako , parang gustong gusto pa ng katawan ko.
Natapos ang halikan namin ni ate at hindi na naman ako masyado naiilang kasi minsan ay ginagawa nya rin ito kapag kami lang ang nasa bahay or sa kotse bigla bigla syang ng hahalik kaya nakakatikim sya ng hampas sakin.
" You're the one who made me feel love that I couldn't find in others " aniya ni ate . Naka titig sya sakin kaya naman nag init ang mukha ko. " Thank you for giving me a chance to court you and prove that I love you so much and how serious I am about you"
Wow ah ganito pala ang isang alfonzo sobrang seryso .
" Hindi ko man maibalik yung pag mamahal mo ate but thank you for making me happy everyday " aniya ko. Ano ba yan ! Pati ako napapa english na kakainis talaga si ate.
Hinawakan nya kamay ko at hinalikan yun.
" Handa ako sa lahat . Tsaka nga pala malapit na ang laban ng basketball team ng university natin kaya manood ka malay mo nandun ako " hindi nya tinigilan kamay ko at hinalik halikan nya talaga yun . Ang swerte ng magiging jowa nya kaso hindi ako yun . Ayokong paasahin si ate pero crush ko naman sya . Nag babaka sakali ako na mawala feelings ko sa kanya bilang crush kundi baka mamaya malaman ni mommy lagot ako dun sasabog yun sa galit.
" Masaya akong ikaw ang naka sama ko dito Nicollete " nakangiting sabi ni ate.
" Ako din ate thank you so much " aniya.
Sa totoo lang hindi naman talaga masama ang mag mahal lalo na kung hindi galing sa awa . Siguro balang araw at hindi pa ngayon.
Ninakawan ulit ako ni ate ng halik kaya nahampas ko sya na kinasimangot nya. Ang cute talaga ng ate ko.
YOU ARE READING
YOU are The ONE
RandomWhat if sa kanya ka lang pala mahulog, sa dami-daming babaeng dumating sa buhay mo sya lang pala yung babaeng hinahanap mo at mag paparamdam ng totoong pag mamahal na matagal mo ng gusto.