Nicollete POV
After 3 years ago...
Hindi ko akalain na tatagal ng ganito ang sitwasyon ni ate ngayong araw ay pang apat na taon nya na at ngayong araw din na tatanggalin na nila ang aparatos na naka lagay sa katawan ni ate tatanggalin na din nila ang machine na naka konekta dito.
" Ate please gumising kana " aniya ko " papakasalan mo pa ako diba ate naman please gising na college na ako oh nasa legal age na rin ako pwede na tayo mag pakasal please ate gumising kana "
Niyakap ko ang katawan nya na sobrang payat na .
" Ija mahirap man para satin pero kailangan natin tanggapin " aniya ni tita na kakagaling lang sa pag iyak.
" Mommy hindi na ba gigising si dada ? " tanong ni Yxariella .
Ngayon din ang birthday ng mga anak namin oo anak namin naka buo pala kami ni louise ng baby na kinatuwa naman ng pamilya ko at pamilya ni louise akala ko ay magagalit sila pero natuwa pa sila sa nalaman nila .
Nalaman ko lang na buntis ako ng madalas na akong mahilo at halos si louise ang pinag lihian ko umiiyak ako kapag hindi ko sya nakikita at na kikiss sa pisnge . Kaya ng lumabas ang mga anak namin ay parang carbon copy lang sila ng daddy nila .
" No gigising pa si daddy " sinamaan ni Yzekielle ang kakambal nya .
" May sinabi ba akong hindi " pag tataray ng kapatid nito.
" Aalisin na po namin ang machine sa pasyente " aniya ng doctor. Humarang naman ang dalawang bata sa doctor at tinignan ito ng masama.
" Chill kiddos " natatawang sabi ng doctor narinig ko na lang ang bungisngis ng iba na nasa kwarto ni ate. Ako naman ay napangiti na lang sa inasal ng dalawa.
" Don't touch my daddy or else i gonna kill you ! " sigaw ni Yxariella .
" If you touch my daddy I'll gonna cut your little bird! " Yzekielle said.
Nagulat na lang ako sa mga pinag sasabi ng mga anak ko sa doctor na halatang natakot sa dalawang bata.
" Ako nauna " aniya ni Yxariella sa kakambal nya.
" No ako ang nauna ! " sigaw ni Yzekielle at sinuntok ang kapatid nya.
" Hey hey kids stop fighting! " awat sa kanila ni daddy.
Pero hindi nag patinag ang dalawa kaya ako na mismo ang pumagitna sa kanila at tinignan ito ng masama .
" Magiging grounded kayo kapag hindi kayo umayos " banta ko sa dalawa.
" No huwag nyong tanggalin yan ! " sigaw ng dalawa kong anak . Napahawak na lang ako sa ulo ko dahil hindi ko alam kung saan nila namana ang ganyang ugali.
Habang nag uusap ang doctor at si tita ay may nararamdaman akong kamay na pumisil sa butt ko kaya agad kong nilingon si louise at laking gulat ko ng mag mulat ito ng mata .
" She's awake " masayang sabi ko at niyakap si louise pero agad naman akong tinulak ng dalawa chanak at umakyat pa ang mga ito para yakapin ang daddy nila.
" M-mom, d-dad " tawag nito sa magulang nya.
" O my god gising ka na anak ! " yayakap sana si tita sa anak nya pero ang apo nya ay mas lalo pang niyakap ang daddy nila.
" No one's allowed to touch my daddy ! " galit na sigaw ni Yzekielle.
" Tumabi kayong dalawa dyan " aniya ko at binuhat ang mga ito .
Kumuha naman ng tubig si tito at inabot ito kay ate na agad nya namang ininom .
" Mommy sino yang dalawang bata na yan ? " mataray na tanong ni ate sa mommy nya.
YOU ARE READING
YOU are The ONE
RandomWhat if sa kanya ka lang pala mahulog, sa dami-daming babaeng dumating sa buhay mo sya lang pala yung babaeng hinahanap mo at mag paparamdam ng totoong pag mamahal na matagal mo ng gusto.