CHAPTER XIII

1.4K 25 0
                                    

Louise POV

" Ate louise tara na po ! " yaya sakin nitong si nics awarding ngayon kaya ayokong pumunta  nakakatamad kaya mas gusto ko pang tumambay kaso naman naalala ko bigla na ngayon sya mag i- inquired dun sa  University .

" Okay tara na " tumayo na ako sa pag kaupo ko dito sa sofa ng kwarto ko .

" Ganyan suot mo ate ? " tanong nya , naka short lang kasi ako tsaka t-shirt na black.

" Oo maganda na naman ito ah " aniya ko at tinignan pa ang suot ko sa salamin.

" Kakaiba ka po ate hahaha mag pants kana lang po tsaka t-shirt na white " suggest nya , umiling ako  trip ko itong suot ko tapos pag papalitin nya lang ako. Huminga ako ng malalim at tsaka pinag bigyan ang gusto nya.

" Katamad " bulong ko at lumabas na ng kwarto . Pag ka baba ko ay naka ready na nga talaga sya mag inquire at mas excited pa sya kesa sakin .

" What if sa kanya ko yun isabit " bulong ko at hinawakan ulo ko at nag isip - isip .

Kung nandun naman si Kiera sa kanya ko isasabit pero kung nandun din naman si xai edi kay xai tutal dahil naman sa kanya kung bakit ako nag ka award sya minsan gumagawa ng project ko .

Umalis na nga kami ng condo dahil excited itong kasama ko na makita yung school na pinapasukan ko .

" After ng awarding tsaka kita sasamahan " aniya ko habang patuloy sa pag mamaneho .

" Ate bakit ang liit mo ? " napairap ako sa tanong nyang iyon grabe naman sya maka liit.

" Ewan ko " sagot ko na lang " Mang aasar ka pa ah " dugtong ko pa.

Narinig ko ang mahinang pag tawa nya nag pangiti bigla sakin . Ang ganda kasi ng boses nya idagdag mo pa kapag natawa sya .

Tatlong araw pa lang kaming mag kasama pero magaan na agad loob ko sa kanya . Napaka careless pa nya  siguro ay madaming manliligaw ito . Hindi na ako mag tataka dun kasi maganda sya, sexy, mabait , magalang , mapag alaga tapos magaling pa mag luto oh diba imposibleng wala syang manliligaw.

Pag kadating namin ng university ay agad kaming pumunta sa gym kung saan ginaganap ang awarding at sakto lang pala ang dating namin kasi kakatawag lang sa pangalan ko. Hinanap ko muna si xai pero wala sya hindi sya mahagilap ng mata ko .

Tinawag ulit ang pangalan ko kaya naman itong si nics ay hinila na ako papuntang stage . Nakita ko ang pag silay ng ngiti sa labi nya kaya naman napangiti na lang din ako .

Nag palakpakan lahat ng tao sa loob ng isabit ko  sa ulo ni nics yung medal na meron ako . Pulang pula ang mukha nito at hindi nakapag salita . Pag ka baba namin ng stage ay hinampas nya ako , napangiti na lang ako at hindi nag reklamo sa hampas nyang mahina.
Niyaya ko na sya mag inquire dun sa building ng mga senior high medyo malayo yun kaya need talagang i kotse  na buti na lang malapit lang yung parking lot sa gym .

" Need talagang sumakay pa ate? " tanong ni nics tumango na lang ako at pinaandar na yung sasakyan.

" Ate alam mo po nahihiya po ako kanina " medyo natawa ako sa sinabi nya .

" Ikaw na ang mommy ko " tawang sabi ko sa kanya.

" Wow po ah bata pa po ako hahaha " tumawa kaming dalawa . Biglang naging seryoso ang mukha nya .

" Ate kaibigan mo po ba yung xai ? " tanong nya.

Nawala ang ngiti ko at napalitan ng lungkot at inis ng maalala yung napag usapan namin ng mag asawang Aguirre .

" Oo sya palagi kasama ko at yung tinatawag mong ate kiera she's my ex pero we can still friends naman at naging close pa lalo " tumango tango sya at tumingin sa labas ng bintana.

YOU are The ONE  Where stories live. Discover now