" Daddy aalis ka na naman ? " tanong sakin ng anak kong si nix ang tatlo sa panganay namin ng asawa ko.
" Oo madaming naka abang na appointment sakin sa ibang bansa babalik din naman ako " nakita kong lumungkot ang mukha nito .
" Madalang na po tayo nakaka pag bonding, oo nga pala nakakuha na ako ng pwesto dun sa pag tatrabahuhan ko " aniya .
" Sure ka talagang gusto mo ng trabahong yun remember madami ka pang inaasikaso sa company alam mo naman na hindi pa masyado maasahan yung mga kapatid mo " yumuko ito kaya napabuntong hininga na lang ako.
" Gusto ko maranasan yung nararanasan ng ibang tao dad sayo lang po ako nag sabi kasi alam mo pong di papayag si mommy " aniya.
" Daddy si ate binubully na naman ako sa school ! " sigaw ng anak kong si Yzekielle.
" See may mga pag kaisip bata pa yang mga ate mo na sa halip ay sila ang nakakatulong ko " natawa naman si nix at tinignan ang mga ate nya .
Puro dumi at punit ang damit ni Yzekielle at ganun din si Yxariella napaangat ang kilay ko dahil pati yung dalawang babae ay ganun din .
" Anong meron.... What the hell girls! " sigaw ng asawa ko.
Napalunok ako ng laway at halatang lahat kami ay takot kay nics na asawa ko na mommy nila .
" Louise ayusin mo yang mga anak mo ! Lumabas kayong lahat ! " sigaw nito.
" Bakit damay ako ? " inosenteng tanong ko.
" Oo nga mommy bakit damay kami ? " tanong naman ni nix.
" Ginawa ng isa kasalanan ng lahat " lahat kami ay nakasimangot na lumabas paalis na ako lahat lahat ganito pa .
" Gosh kadiri na ako " maarteng sabi ng anak kong bunso. Binatukan naman ito ng kambal nya .
" Daddy oh nanakit sya " napabuntong hininga na lang ako ano ba itong mga anak ko kakainis mabilis akong mamatay dito eh.
" Dad pahiram ako ng baril mo , uunahin ko ng patayin itong apat na ito bago ka mamatay sa high blood dahil sa kanila " aniya ni nix seryoso ang mukha nito na kagaya ng sa mommy nakakatakot kung tutuusin para syang Nicollete version 2 hahahaha kaya nga nix ang binigay ko sa kanya eh.
" Sis mag hulos dili ka " aniya ni Yxariella pero sinamaan lang sya ng tingin ng kapatid nya.
" Stop girls ayusin nyo sarili nyo aalis na ako lahat lahat ganyan pa kayo jusko naman ito ba ipapabaon nyo sakin ah high blood " sermon ko sa kanila.
" Yxariella ikaw pwede ba bawas-bawasan mo yang kamalditahan mo may fiance kana lahat-lahat nambubully ka pa at ikaw Yzekielle pwede ba ayusin mo pag aaral mo madaming nakakarating sakin na mas inuuna mo pambabae mo at ikaw Yecheskel puro ka daw cutting sumbong ng adviser mo at ikaw naman Jaixe gumagaya kapa sa mga ate mo jusko naman iisa lang sa inyo ang matino ganon at ikaw Nix huwag kang masyadong tututok sa trabaho okay bantayan mo yang mga kapatid mo " sermon ko sa kanila.
Nakasimangot ang mga mukha nila na tumingin sakin.
" Mahal mo naman kami daddy " aniya ni Yxariella ang pasimuno ng mga kalokohan .
" Aalis ako kaya alagaan nyo mommy nyo kapag nabalitaan ko na naman na may ginawa kayong kalokohan sa military school na kayo mag aaral lahat kayo "
" Nako daddy suyuin mo na lang si mommy gutom na kami eh " naka simangot na sabi ni Yzekielle.
Akmang kakatok pa lang ako sa pinto ay bumungad agad samin ang mukha ng nag iisang prinsesa namin . Masama itong naka tingin sakin pati na rin sa mga anak namin .
" Mahal " tawag ko dito tinaasan lang nya ako ng kilay.
" Papasok ba kayo o sasarado ko na ito " mataray na aniya ito.
" Si mommy naman ang taray " aniya ng anak naming bunso.
" Mag tigil ka dyan pasok na " napabungisngis na lang kami sa asta ng aking asawa at nag sipasok naman kami .
Masaya kaming kumain habang nag aasaran pa mga anak namin hindi talaga ako nag sisisi na sya ang pinakasalan ko kahit pala isang mafia lord pwede mag karoon ng magandang buhay at tahimik pa lima na ang anak namin lahat sila intersex katulad ko ni wala man lang girl or boy talaga hahahaha aanakan ko pa nga ulit si nics baka sakali mag karoon kami ng anak na babae o lalaki talaga .
YOU ARE READING
YOU are The ONE
RandomWhat if sa kanya ka lang pala mahulog, sa dami-daming babaeng dumating sa buhay mo sya lang pala yung babaeng hinahanap mo at mag paparamdam ng totoong pag mamahal na matagal mo ng gusto.