TWO days have past, nang makauwi sila galing sa Isla Helena. Naging maayos ang takbo ng araw, dahil nakabalik na siya sa hospital. Pinababalik na siya ng Director ng Hospital, papunta siya ngayon sa office ni Hans para kausapin ang tungkol sa desisyon nitong pabalikin siya.
Kumatok muna siya , “ Come in.” Sagot ni Hans sa loob ng office of Director.
She cleared her thought, bago pumasok sa loob. Nakita niyang may binabasang papel si Hans. Nagkalat ang mga iyon sa table niya. Nakasuot din ito ng white coat, dahil nag-aral din ito sa pagiging Doctor nu’ng nasa America ito. Kamakailan lang din nalaman ni Lalyn ang tungkol doon.
“ Good morning, Director.” Magalang na sabi ni Lalyn sa kaniya. Kahit may nakaraan na sila at kilala niya na si Hans. Hindi pa rin niya hahayaang maapektuhan ang trabaho niya sa personal niyang buhay.
“ Cut that, you can call me whatever you want. Tell me, why are you here?”
Bumuntong hininga si Lalyn, “ magkaiba ang posisyon nating dalawa. Nandito ako para sabihin sa ‘yo na... hindi mo sana ako pinabalik pa dito. “ sabi nito.
Hans stop what he doing, “ you should say, thank you.” Nakangising sabi nito.
Iniwas ni Lalyn ang tingin niya kay Hans. Dahil ayaw niyang tignan ito ng matagal, lalo na kapag ngumingisi ito.
“ Hindi ko alam kong dapat pa ba akong magpasalamat sa ‘yo. I don’t know, what are you planning to do.” Matapang na sabi ni Lalyn.
He chuckled, “ planning to do? Natatakot ka ba, sa ‘kin?” kunot noo na tanong ni Hans sa kaniya. Tumayo ito at naglakad papalapit sa kaniya.
“ Hindi ako natatakot sa ‘yo. Sinabi ko na sa ‘yo, hindi mo makukuha sa ‘kin si Aliyah.” Madiing sabi niya. Akmang tatalikuran niya sana ito ng hablutin ni Hans ang kamay niya.
“ May karapatan ako sa kaniya. Hindi mo siya kayang ilayo sa ‘kin. “ mapanghamon na sabi ni Hans. Nakipag tagisan ng tingin si Lalyn sa kaniya, at tinulak ito papalayo..
“ Subukan mo. “ sambit ni Lalyn bago niya binuksan ang pinto at lumabas.
Napabuga siya ng hangin at napahawak sa dibdib niya. Hindi magkamayaw ang kabang nararamdaman niya. Aminado siyang natatakot siya sa pwedeng gawin ni Hans para kunin si Aliyah sa kaniya.
Wala sa sarili siyang naglalakad sa hall way ng hospital. Alam niyang darating ang araw, kailangan niyang ipaalam sa lahat na si Hans ang Ama ng anak niya. At malalaman nila na may relasyon silang dalawa dati pa.
“ Lalyn! “ napatingin si Lalyn ng may tumawag sa pangalan niya. Nakita niyang tumakbo palapit si Christian sa kaniya.
“ Christian, akala ko ba pang-gabi kana ngayon? Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Lalyn sa kaniya.
Ngumiti naman si Christian, “ na-excite akong makita kang makita na suot ang doctor coat mo. “ sabi nito.
Natawa si Lalyn sa sinabi nito, “ baliw ka ba? Nagpunta ka lang dito para sabihin iyan sa ‘kin?” hindi makapaniwalang sabi nito.
“ Oo, bakit may problema ba? Actually, gusto sana kitang yayain mag-dinner mamaya. Para sa celebration sa pagbabalik mo.”
“ Nagbibiro ka ba? “
“ Hindi ako nagbibiro, lahat ng doctor sa department na tin na-invite ko na. So, are you free?”
Tumango nalang si Lalyn, dahil hindi niya magawang tanggihan si Christian kapag ito na ang nagyaya sa kaniya. Napapaisip siya minsan, bakit hindi niya hayaang papasukin sa puso niya si Christian? Mabait, gwapo at mapagmahal na lalaki. Ayaw niya lang na, maputol ang pagkakaibigan nilang dalawa.