PAGKATAPOS mangyari iyon hindi na nagpakita si Krestine, bumalik si Hans at hinatid sila pauwi. Iniwasan ni Lalyn na hi ndi na magtanong tungkol sa kanilang dalawa ni Krestine. Mukha kasing ayaw din ni Hans na pag-usapan ang nangyari.
‘ ‘I’ll call you later.’ ’ Sabi ni Hans at pinagbuksan siya ng pinto si Aliyah naman ay karga ni Lalyn dahil nakatulog habang nasa biyahe sila.
‘ ‘ Okay.’ ’ maikli ng sagot ni Lalyn at tipid na ngumiti bago lumakad papunta sa gate ng bahay.
Bago pa man makapasok si Lalyn sa gate, bigla na lamang nagsalita si Hans habang nakatalikod siya nito.
‘ ‘ I promised. Magsasama din tayo, for now I need to finish this problem para makasama ko na kayo ng matagal.’ ’
Kahit hindi tignan ni Lalyn ang mukha ngayon ni Hans alam niya may halong lungkot ito at pagkasabik na makasama siya na walang iniisip na problema.
‘ ‘ Maghihintay lang ako.’ ’ Sagot ni Lalyn na nakatalikod at saka l ang pumasok sa loob karga si Aliyah.
Tulad ng si nabi niya Hans tumawag nga ito sa kaniya at kinamusta si Aliyah.
Saglit lamang iyon dahil pinatay
nani Hans ang linya ng tawag. Kinaumagahan nagbi hi s ng kurti na si Lalyn sa kwarto niya at bedsheet ng kama. Naglinis sa buong bahay dahil wala ngayon ang kapatid niya.
Si Aliyah naman ay pumasok sa eskwelahan tapos na niya itong maihatid. Mamayang gabi pa ang duty niya, dahil ma mayang gabi rin uuwi si Grace na magbabantay kay Aliyah.
Napatigil siya sa kaniyang ginagawa ng makarinig siya ng sunod-sunod na door bell. Bumaga agad siya, kahit
nagtataka siya kung sino ito dahil wala naman s'yang inaasahan na bisita sa araw na ito.
‘ ‘ Sin-’ ’ naputol ang sasabihin niya ng makita niya kung sino ang kanina pa nagdo-door bell sa labas ng gate.
‘ ‘ K-Krestine?’ ’ nakakunot noo na sambit niya na may halong pagkagulat ang boses niya. ‘ ‘ anong ginaga wa
mo dito?’ ’ tanong ni Lalyn ng buksan niya na ang gate at kaharap si Krestine na tila kanina pa naiinip.
Napahawak sa pisngi si Lalyn at hindi niya inaasahan ang pagsampal ni Krestine sa kaniya.
‘ ‘ Para 'yan sa ginawa mong pananakit sa kaniya. Kapal ng mukha mo, you!Bitch! Wala ka bang kahihiyan hah?’ ’
Ginantihan ng sampal ni Lalyn si Krestine at akmang tumagilid ang mukha ni Krestine sa pagsampal ni Lalyn.
Babawi sana si Krestine para sampalin ulit si Lalyn ng mahawakan ni Lalyn ang kamay niya.
‘ ‘ Wala kang karapatan na sabihin 'yan sa akin. Wala kana du'n kung gusto ko siyang balikan. Oo! Tama ka
sinaktan ko s'ya, at hindi ibig sabihin na hindi ko na siya mahal.’ ’ marahas na binitawan ni Lalyn ang kamay ni Krestine na pinanggigilan niya.
‘ ‘ Hindi ka talaga mahal ni Hans. Ang gusto lang niya ay mapasakanya ang anak ni n'yong dalawa. Iyan!
Basahin mo para magising ka sa kahibangan mo. Basura ka lang para sa kaniya.’ ’
Hindi na nakayanan ni Lalyn, muling lumapat ang kamay niya sa pisngi nito ng ihampas ni Krestine sa kaniya ang napakaraming papel na may sulat.
Hindi na niya kayang magtimpi pa, dahil lang sa sinabi ni Krestine sa kaniya hindi na niya napigilan ang