Chapter 17

61 0 0
                                    

NAUNANG lumabas si Hans ng makitang si Krestine pala ang nagmamaneho sa sasakyan na paparating at bumusina. Hindi nito napansin si Lalyn na nasa loob ng kotse ni Hans. Sinilip ni Lalyn ang labas ng bintana, mabuti na lang tinted glass, hindi makikita ang nasa loob ng kotse.

Nakita niyang nag-uusap ang dalawa. Napabuntong hininga na lamang si Lalyn, paano niya sasabihin kay Krestine? Pakiramdam niya kasi na may dapat siyang sabihin kay Krestine. Sa ilang panahon na wala siya sa tabi ni Hans, nandiyan naman si Krestine. Kaya mahirap para sa kaniya ito. Paano naman ang nararamdaman niya kay Hans? Isasantabi na lang  ba niya ito?

Nang makita niyang wala na ang dalawa dahil pumasok na ito sa loob ng elevator. Pagkalabas niya inayos muna niya ang gusot nitong damit, hindi muna siya babalik sa room niya. Kailangan niya munang mapag-isa at mag-isip ng mabuti kung tama ba itong ginagawa niya. Dinala siya ng kaniyang paa sa malapit na bar. Um-order agad siya ng drinks.

"Here's your tequila, Ma'am." Nakangiting inabot ng bartender sa kaniya ang isang baso ng tequila.

"Thank you." Sambit nito at walang pagdalawang isip na nilagok ang laman ng basong hawak niya.

Um-order pa siya ng dalawa, hanggang sa umabot ng lima. Kaya nanlalabo na ang paningin niya, may lalaking umupo sa harapan niya at may dala itong champaign.

"Mind if I sit here, milady?" Sabi ng lalaking may kulay brown na buhok at sobrang tangos ng ilong nito. 

" I don't mind…" lasing na sabi nito at nilagok ang pang-anim na baso niya ng tequila. Ayaw niya pa bumalik sa hotel, dahil makikita lang niya doon si Hans. At matutukso na naman siya. Pinipilit niyang hindi ito tama, dahil may masasaktan.

Nakipag-cheers siya sa lalaking kaharap niya. Wala na siyang pakialam kung sino ito, ang alam niya lang ay ang uminom at magpakalasing. Ngayon lang siya maglalasing ng ganito. Ibinaba na nito ang hawak niyang baso ng marinig niyang nagsisimulang lumakas ang tugtog, at may iilan narin ang sumasayaw sa gitna ng bar. Tatayo na sana siya ng hawakan siya ng lalaking nakaupo sa harap niya.

"Where are you going? Let's drink!" Sambit nito.

"Get your hands off me, you dirty dick!" Nagiging bastos na yata ang boses niya. Ayaw niya kasi ang basta hawakan, kahit hindi naman sila close o kakilala. Nandidiri siya.

Wala lang sa kaniya ang lumalabas sa bibig niya. Walang filter ang mga salitang lumalaba sa bibig niya, lalo na kapag lasing na talaga. Binitawan siya ng lalaki at hinayaan siyang umalis. Muntik pa siyang matapilok, mabuti na nagawa niyang bumabalanse ulit. Hinahayaan niya lang na ang alak ang kumontrol sa katawan niya. Wala siyang pake kung ano ang masasabi sa mga taong nandito, tutal this is America! Walang malaswa sa tingin nila, may iilan ngang naghahalikan at nagkakahawakan sa mga pribadong parte ng katawan nila. Nakakaakit siyang sumayaw dahil sa hapit nitong suot na bestidang pula. Dahil sa maganda niyang katawan maraming lalaking Amerikano ang nagsisilapitan sa kaniya.

"You're beautiful, lady." Sabi ng isang lalaki na matangkad sa kaniya, na magkasing tangkad ni Hans.

Hindi niya ito pinansin, sumayaw lang siya ng sumayaw. Matagal na niya itong hindi ginagawa. Simula ng magkaanak siya, hindi na niya hilig ang gumawa ng mga bagay na dati ay nagagawa niya. Pero ngayon, nandito siya. Parang iniisip niya na iba na siya, iba na talaga. Nababaliw na siya kung ano nga ba, ang tamang gawin. Para makalimutan ang nangyari, lalo na ang puso niya na ang hirap dektahan na sana hindi na ulit mahuhulog sa lalaking minahal niya noon. Dahil wala na siyang karapatan pa na magmahal, sakit lang ang dulot niya sa iba.

Biglang nag-ring ang phone niya at nakita niya sa screen ang pangalan ng tumatawag. Sinagot niya ito.

"H-Hello, d-don't call me. Just s..tay with, Krestine. Okay? Kalimutan mo na ang nangyari kanina-" naputol ang sasabihin niya ng may biglang humablot sa cellphone niya.

Seductive Serie's 3 : Lalyn ChengWhere stories live. Discover now