KAKALAPAG lang ng eroplano sa airport ng America. Pagkababa niya sa eroplano may sumundo sa kaniya para dalhin siya sa hotel na tutuluyan niya.
“ This way, Ma’am.” Magalang na sabi ng sundo niya na isa ring Pilipino.
“ Okay.” Nakangiting sabi ni Lalyn at tinanggal ang suot niyang salamin bago pumasok sa loob ng kotse.
Napatingin siya sa labas ng bintana kung saan maraming mga nagsisitaasang building. Napangiti na lamang siya, agad na naagaw ang pansin niya ng mag-ring ang phone nito. Kinuha niya ito sa loob ng bag at agad na sinagot ng makitang si Grace ang tumatawag.
“ Mommy! Please, bring Daddy back. I miss him already, is he okay now?” boses agad ni Aliyah ang narinig niya pagkasagot niya sa tawag.
Napangiti siya sa sinabi nito, “ yes, sweetie. I miss you, babalik agad ako diyan kasama siya. So, don’t make Tita Grace mad at you , okay?”
“ Yes, Mommy! I love you.”
“ I love you too, Sweetie.”
Pinatay na nito ang tawag at ibinalik ang cellphone sa bag. Napabuntong hininga na lamang siya. Isa sa rason niya kung bakit siya nandito kundi hanapin si Hans. Isang taon na ang lumipas, wala siyang naring na balita mula rito kahit sa Ina ni Hans. Hindi na niya matiis ang pangungulit ni Aliyah na pabalikin si Hans. May isang tao ring tumulak sa kaniya na gawin ito si… Krestine. Naaalala niya ang pinag-usapan nilang dalawa ni Krestine nu’ng nakaraang linggo.
Papasok na sa cafeteria si Lalyn at agad niyang nakilala ang babaeng nakaupo malapit sa may counter areas, si Krestine. Maayos na ito at parang may nagbago ng kunti sa kaniya sa loob ng isang taon.
“ Para saan ang pag-uusapan natin?” sambit ni Lalyn pagkalapit niya sa mesa nito kahit hindi pa siya nakakaupo. Kumukulo na naman ang dugo niya nang maalala niya ang ginawa nito.
“ Lalyn, please hear me out. Ayaw ko ng away, maupo ka muna at mag-usap tayo kahit sandali lang.” sabi nito.
Tinignan ni Lalyn ang upuan bago ito umupo sa harap ni Krestine. Tahimik lang si Lalyn at hinihintay niyang magsalita ito. Ayaw din niya ng away kaya ginagawa niya ito.
“ I’m sorry, alam kong nagalit ka sa ginawa ko. And I regret it, nabulag ako sa galit ko. Minahal ko kasi ang lalaking mahal mo.” Nanginginig ang boses nito. Si Lalyn ay nakikinig lamang sa sinasabi niya, “ una, akala ko okay lang sa akin. Alam ko kasi kung gaano ka kamahal ni Hans. Kahit sa mga araw na nandiyan ako sa tabi niya, ikaw parin ang nasa isip at puso niya. Kahit anong gawin ko, hindi kita mapapalitan.” Tumulo ang luha niya na agad naman nitong pinunasan. Mabuti na lang wala ma siyadong tao sa coffee shop.
Napatitig si Lalyn sa kaniya. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya, maaawa ba siya, masasaktan, o sasaya dahil alam niyang siya talaga ang mahal ni Hans at wala ng iba?
“ Kaya nagawa mo iyon? Kailangan ba talagang manakit para lang mahalin? I’m sorry too, kung hindi ka nagawang mahalin ni Hans. Pero kailangan bang gawin mo iyon? “ nanggigil na sabi ni Lalyn. Nagpipigil lang siya na ibuhos ang galit niya, at ang luha niya na gusto ng kumawala sa mata niya.
“ I thought that is the only way to make him mine. But I was wrong, hindi ko s’ya mapipilit na mahalin ako kahit anong gawin ko. And what was the result? Hindi ko aakalaing ako, ako pa mismo ang dahilan kung bakit kailangan niyang magdusa ulit.”
“ Yes, you are wrong. After one year ngayon mo lang naisipan na humingi ng tawad?“
“ Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na harapin ka at lahat ng pagkakakamali kong nagawa. Kaya please… mapatawad mo sana ako. Nagkamali ako sayo at kay Hans. Hindi ko na maibabalik pa ang nangyari, pero handa akong pagbayaran ang lahat ng nagawa ko.”