Umiinom naman ng kape si Lalyn, para hindi siya antokin. Dahil kailangan niyang mag overnight sa pagtatrabaho sa hospital.
" Lalyn? Kumain kana ba?" pumasok naman sa loob ng office niya si Christian.
She smile." Yes, tapos na akong kumain." she pushed for a while and swallowed the coffee." Ikaw?"
" Still not eating… I call a delivery, for my food." he said, with a smile.
" Hindi kaba uuwi?" tanong naman ni Lalyn sa kanya.
" Nope! I just need to change my schedule in night." sabi naman ni Christian, she nodded.
" Me too, gusto mo ng kape?" sambit naman ni Lalyn, saka iniangat ang isang tasa na hawak niya.
" Mag-oorder nalang ako sa coffee shop, inaantok narin kasi ako. Sige… alis muna ako" paalam naman sa kanya ni Christian saka ito umalis.
Inubos naman ni Lalyn ang natirang kape sa tasa, saka ipinaikot ang swivel chair nito at bahagyang ipinikit ang mata.
Ilang sandali lang ay may kumatok sa pinto ng office niya." Doc Lyn? may emergency po sa isang pasyente sa Ward A-4, si Doc Christian po yung tumingin sa pasyente kanina pero hindi kopo siya mahanap." sabi naman ng isang Nurse sa kanya.
" Okay, hintayin mo ako doon." sabi naman ni Lalyn saka dali-daling, kinuha ang gamit niya at tumakbo papunta sa Ward A-4.
" Doc! tulungan niyo po yung anak ko" umiiyak na sabi naman ng isang Ina.
Nangingisay kasi ang bata, dahil siguro sa mataas na lagnat." Anong oras huli siyang pina-inom ng gamot para sa lagnat?" tanong naman ni Lalyn sa isang Nurse.
" Hindi kopo alam Doc Lyn si Doc Christian kasi ang nag-assist sa batang ito kanina." sabi naman ng Nurse.
Hindi nalang ulit nagsalita pa si Lalyn, at dali-daling nilapitan ang bata na kino-convulsion.
" Mommy? kami na ang bahala sa kanya, relax lang kayo, Okay?" sambit naman ni Lalyn at sinusubukang pakalmahin ang Ina ng bata.
Tsinek naman ni Lalyn ang mata nito, saka ang heartbeat ng bata. Ilang sandali lang ay dumating narin si Christian, at siya na ang nag-asikaso sa bata.
" Christian? ano bang sakit ng bata?" tanong naman ni Lalyn, matapos na nilang ayusin ang nangyari kanina.
" My infection sa dugo niya, kanina ko lang na-test ang dugo nito. Siguro tumaas na naman ang lagnat nito, kaya nagka-ganun. I already inject the medicine to him, para humupa narin yung lagnat niya." sabi naman ni Christian.
" Buti nalang, tinawag ako ng Nurse kanina. Kung hindi baka yung Ina na ang maabutan kong nakahiga sa sahig." sabi naman ni Lalyn, dahil talagang natataranta na ang Ina ng bata.
Ganun naman ang Ina, kapag ang anak na nila ang nasa ganoong sitwasyon, parang nawawala na sila sa tamang pag-iisip. Tulad ng nangyari kay Lalyn kanina, nung malaman niyang nawawala si Aliyah.
" Yeah… kakain muna ako." sabi naman ni Christian saka naghiwalay na sila ng destinasyon, pupunta kasi si Christian sa canteen ng hospital para doon kumain, dahil dumating narin ang ini-order nitong pagkain.
Naisipan naman ni Lalyn na puntahan ang mga pasyente niya para tignan ang kalagayan nito. Para narin hindi siya antokin.
" Hi! miss, pwede magtanong?" sabi naman ng isang babae sa kanya, ng makasalubong niya ito sa daan.
Halatang mayaman ito,at masasabi din niyang maganda ang hubog ng katawan nito." Ano yun?" sambit naman niya.
" Pwede mo bang ituro sa 'kin kung saan ang office ng bagong may-ari ng hospital na ito?" sabi naman nito sa kanya.