" Clear!." sambit naman nito, habang itinapat ang Defibrillator sa dibdib ng pasyenteng, inooperahan nila.Dahil naging straight na ang line, sa ECG machine. Halata narin ang tensiyon sa loob ng operation room.
" Clear!" sambit naman nito, at muling itinapat ang Defibrillator sa dibdib nito.
" Heart rate normal now, congratulation Doctor Cheng." nakahinga naman ito ng maluwag, dahil naging normal ulit ang heart rate ng pasyente.
" Our operation are successfully done." sabi naman niya, saka nakangiting nakatingin sa mga assistant niyang Nurse at ang kasama niya pang isang Doktor.
Nahirapan din siya sa naging takbo ng operasyon, inaakala niyang hindi na talaga ito aabot. Agad naman niyang hinubad ang Lab Coat para sa operasyon, at ang mask, saka naglakad na palabas.
Pagkalabas niya sa operating room ay agad na sumalubong sa kanya ang pamilya ng pasyente.
" Doc? kamusta ang asawa ko?" tanong naman ng ginang sa kanya.
" As for now, stable na ang kalagayan niya, pero kailangan niya paring mag-undergo ng another test, o-obserbahan pa namin siya. " sabi naman nito, sa asawa ng pasyente.
" Salamat po Doc." sabi naman nito sa kanya, ngumiti lang siya.
" Salamat sa Mister niyo po, dahil lumalaban siya para mabuhay, kaya naging successful ang operasyon namin ." sabi naman niya, saka hinawakan ang kamay ng ginang.
Tumango lang ito sa kanya, sumunod namang lumabas ang isa pang Doktor na kasama niya sa loob, si Christian.
" Mukhang may pakain ka mamaya, doktora." nakangiting sabi naman ni Christian, habang sinasabayan siya nitong maglakad papunta sa opisina niya.
" This is not the time to celebrate, Christian. May buhay pa tayong dapat alalahanin." sabi naman niya, na may ngiti sa labi.
" You really not going to eat with me? Nagseselos tuloy ako sa mga pasyente mo." nagkukunwaring nagtatampo naman si Christian sa kanya, hinampas lang niya ang braso nito.
" Baliw! mamaya libre kita ng Lunch." sabi naman nito.
" Sinabi mo yan hah? wala nang bawian." sabi naman nito, natawa nalang si Lalyn dahil sa inasta niya.
" Oo, kaya bumalik kana sa trabaho mo." sabi naman niya, saka tinulak paalis si Christian.
Kinindatan pa siya nito bago umalis. Matagal narin kasing nanliligaw sa kanya si Christian, pero hindi parin niya ito sinasagot.
Sinuot naman niya ang white coat niya, saka umupo sa swivel chair nito. Napatingin naman siya sa picture niya, kasama ang bagong kasal na kaibigan niya.
Saksi siya sa pagmamahalan ng dalawang to, inaakala niya na tuluyan na nga itong hindi magkaka-balikan.
" Lalyn! surprise!" nabigla naman si Lalyn, nang biglang bumukas ang pinto ng opisina niya, at pumasok doon ang batang babae na limang taong gulang na.
" Pasensiya kana, Lalyn. Sobrang kulit talaga ni Aliyah." sabi naman ng kapatid niyang babae, agad namang tumakbo papalapit sa kanya si Aliyah at niyakap ang Ina nito.
" Aliyah? did I told you, na hindi ka pwedeng pumunta dito, unless if I told you to come here." sabi naman ni Lalyn, saka binuhat ang makulit na si Aliyah, saka ipina-upo sa table niya.
" But! I miss you, Lalyn. I want to see you, and I want you to go home early." nakanguso pang sabi nito sa Ina niya, napangiti nalang si Lalyn.
Hindi talaga siya tinatawag nito na mommy, dahil ginagaya niya ang kapatid ni Lalyn na tinatawag lang siya sa pangalan nito.