Chapter 22

59 1 0
                                    

NASA loob siya ngayon ng opisina niya, matapos ng nangyari kahapon medyo hindi na siya nag-iisip kung ano-ano. Haharapin na niya kung ano ang dapat niyang harapin. Kinakagat nito ang hawak niyang ballpen habang nasa laptop ang atensyon. Nakapusod ang kaniyang buhok, at naglagay din siya ng kunting lipstick dahil namumutla na siya. Tinitignan niya ang picture nilang tatlo. Si Aliyah, Hans at siya. Nakahawak si Hans sa bewang niya at si Aliyah ay nasa gitna nilang dalawa. Para silang buong pamilya na masayang nagsasama. Wala ng sasaya pa kung ganoon nga talaga. But somehow she feel so sad, because she all know that she couldn’t give this happiness to her daughter.

Tiniklop niya ang laptop at pinindot ang number ni Hans sa phone niya. Hinintay niyang sagutin ito ni Hans at ilang minute lang ay sinagot na ito.

“ Can we talk, at your office now?” panimula ni Lalyn kahit kinakabahan na siyang sabihin iyon. Narinig niya ang mabigat na paghinga ni Hans sa kabilang linya.

“ I’m busy.” Sagot ni Hans. Sobrang lamig ng boses nito at mukhang wala siya sa mood para kausapin si Lalyn ngayon. Dahil siguro sa nadatnan niya kahapon na magkasama si Christian at Lalyn sa office nito. Nagagalit parin siyang isipin iyon.

“ Kahit ngayon lang, Hans. Marami akong gustong sabihin sayo.”

Bumuntong hininga si Hans sa kabilang linya, “ okay.” Maikling sagot nito bago pinatay ang tawag.

Nagmamadaling lumabas si Lalyn sa office niya at tumungo sa office ni Hans. Pagkarating niya doon kumatok muna siya sa pinto bago pumasok. Pagkapasok niya sa loob wala doon si Hans. Nakita niyang nakabukas ang private room ni Hans sa opisina nito. Sinara niya pabalik ang pinto ng maingat para hindi makagawa ng ingay pagkapasok niya sa loob. Sinilip niya ang nasa loob ng kwarto at nakita niyang nakatayo si Hans sa may bintana ng kwarto niya na nakahawi pa ang mahabang kurtina. Makikita ang buong lugar sa bintanang iyon, kahit ang mga sasakyang dumadaan. May hawak itong champaign.

Hahakbang na sana siya pabalik ng makita niyang lumingon si Hans sa gawi niya pagkaapak nito. Hindi siya makagalaw ng tignan siya ni Hans na nakatagpo ang mga makakapal nitong kilay at nakakunot ang noo nito.

“ Sorry, kung busy ka talaga. Aalis na lang ako.” Sabi ni Lalyn at akmang tatalikod na sana siya ng magsalita si Hans.

“ You want to talk to me? Then say it to me now.” Malamig na pagkakasabi nito at umupo siya sa kama nito na kasya dalawang tao lang.

Napabuga ng hangin si Lalyn bago hinarap si Hans. 

“ About what you saw yesterday at my office, mali ka ng ini-”

“Kung iyan lang pala ang sasabihin mo, kindly get out in my office.” Malamig niyang tinitigan sa mata si Lalyn. Walang emosyon na makikita roon.

“  I’m sorry. Alam kong galit ka, pero gusto kong malaman kung talagang ililipat mo ang custody ng bata sayo dahil … magpapakasal na kayo ni Krestine.” Nag-aalanganin si Lalyn kung itutuloy pa ba niya ang sasabihin niya  o hindi. Tila pumiyok ng kunti ang boses niya, tuwing naiisip niya ang sinabi ni Krestine sa kaniya.

“ Do I look like a damn stupid?” sabi nito at tinuro ang sarili.

“ No, Hans. I just want to know the truth.” Mahinahong sabi ni Lalyn.

Nakita niyang napatawa ng pagak si Hans, “ how could you say that to me? How? Wala ka bang tiwala sa akin?” natatawang sabi ni Hans at tumayo ito sa kinatatayuan niya.

“ Mayro’n…” pumitok-pitok si Lalyn dahil sa ginawang paglapit ni Hans sa kaniya, “ kaya nga lang, hindi mo ako masisi dahil kay Krestine mismo nanggaling na ikakasal na kayo.” 

Seductive Serie's 3 : Lalyn ChengWhere stories live. Discover now