Chapter 4

736 15 2
                                    

" Good bye Daddy!" nakangiting sabi naman ni Aliyah saka kumaway kay Hans.

Kumaway narin si Hans bilang tugon niya sa bata, naisipan na kasi ni Lalyn na umuwi. Dahil hindi niya kakayaning magtagal doon.

" Aliyah? sabihin mo sa 'kin kapag may nang-away sayo sa school." sabi naman ni Lalyn sa anak nito, habang naglalakad na sila papalabas ng Mall, dala ang pinamili nila.

" I don't want you to worry, Lalyn. I can handle it." sabi naman ni Aliyah, tumigil naman si Lalyn saka pumantay sa anak niya.

" Kahit na, wag kang maglilihim sa'kin. You're still young, Sweetie." sabi naman ni Lalyn, saka hinawakan ang magkabilang pisngi ng anak niya.

" Okay, Lalyn! No more secrets! I love you." napangiti nalang si Lalyn saka hinalikan siya nito sa pisngi.

Ang bilis talaga bumawi ni Aliyah sa kanya, kaya nga minsan hindi niya magawang magalit sa anak niya.

-

" She's a cute little girl." sabi naman ni Krestine, habang naglalakad na sila papalabas sa pinagkainan nila kanina.

" I know." maikling sagot naman ni Hans, habang nakapamulsa.

" Wala kabang planong alamin, kung talagang anak mo rin ang batang yun? Ilang taon na tayong nagsasama, as a friend. Kaya alam kona ang nasa isip mo ngayon." sabi naman ni Krestine alam na niya talaga ang maaaring gawin ni Hans sa mga oras na 'to

" I should need to stay as a stranger for her, you know the reason why I'm doing this, Krestine." sambit naman ni Hans, at agad na pinagbuksan ng pinto ng sasakyan niya si Krestine.

" You shouldn't, Hans. Can you just stop fooling yourself? I know that you want her again. We all have our reasons, Hans. Remember that." sabi naman ni Krestine saka pumaso kotse ni Hans.

Mariin namang napapikit si Hans, dahil sa mga bagay na naglalaro sa isip niya ngayon. Agad naman niyang inihatid si Krestine sa bahay nito, at nagpaalam narin si Hans na uuwi narin.

Naisipan naman ni Hans na puntahan ang bahay nila ni Lalyn. Lahat alam niya kung saan ito nakatira, dahil ilang taon na niyang sinusubaybayan ito.

Tumigil naman siya malayo sa gate ng Bahay, at pinagmasdan ito sa malayo. Nagtagpo naman ang kilay ni Hans, ng may sasakyang tumigil sa tapat ng gate.

Lumabas naman doon ang isang lalaking nakilala na niya, isa rin itong doctor. At lumabas naman sa gate si Lalyn, at saka pinagbuksan siya ni Christian ng pinto ng sasakyan nito.

He clenched his fist, nang makita niyang sumama si Lalyn sa lalaking yun. Pagka-andar naman ng sasakyan ni Christian ay sumunod narin siya nito.

-

" So! pa'no ba'yan, sabi mo babawi ka." sabi naman ni Christian sa kanya habang may ngiti sa labi.

" Oo na, pagkatapos nito dumiritso na tayo sa Hospital, may duty pa tayo ngayong gabi." sabi naman ni Lalyn.

" No problem." sabi naman ni Christian.

Agad naman niyang pinark ang sasakyan niya sa parking lot ng coffee shop, saka unang lumabas para pagbuksan si Lalyn.

" Salamat." sabi naman ni Lalyn sa kanya, tumango lang si Christian.

Sabay naman silang pumasok sa loob ng coffee shop, at umupo sa ay bakanteng upuan at mesa." Ako na ang mag-oorder, ano sayo? sabi naman ni Lalyn.

" Frappuccino para hindi talaga ako antukin ngayong gabi." sabi naman ni Christian.

She nodded at him." Okay!" at naglakad na papunta sa cashier area, saka umorder ng dalawang frappuccino at cup cake.

Seductive Serie's 3 : Lalyn ChengWhere stories live. Discover now