NAG-EMPAKE na ng damit si Lalyn para sa lakad nila bukas ni Hans sa America. Hindi niya aakalaing papayag siya na sumama nito. Alam narin ng kapatid niyang si Grace na aalis siya bukas, isasama naman ng kapatid niya si Aliyah sa Cavity kaya walang problema. Kunti lang ang damit na inilagay niya sa maleta, dahil hindi naman sila doon magtatagal.
" Ikaw na ang bahala kay Aliyah." Sabi nito sa kapatid niya.
Tumango naman si Grace, " sigurado kang okay lang na kasama mo siya? Baka mailang ka lang." Sabi niya.
Ngumiti siya ng tipid, " kahit ayaw ko. Pero kailangan. Babalik din naman kami agad." Sabi niya at sinara na ang maleta nito.
" Si Aliyah- magpaalam ka muna sa kaniya bago umalis."
Tumango siya sa kaniya. Kinaumagahan alas-singko na ng umaga ng magising siya, naligo agad ito at nagbihis ng damit. Ibinaba niya na ang maleta nito para ihanda sa pag-alis niya ngayong araw. Nagsuot ito ng simpleng damit na pambiyahe. Wala namang dapat artehan doon, trabaho lang wala ng iba.
Kumain muna siya, pagkatapos niyang kumain nagtimpla siya ng gatas para kay Aliyah. Pumasok ito sa loob ng kwarto ng kaniyang anak, at natutulog pa ito ng tignan niya. Napangiti siya, at naglakad papalapit sa kama niya. Umupo siya doon, at mahinang pinisil ang pisngi ng anak niya.
" Aliyah, wake up." Sambit niya sa mahinang tono.
Pumungas-pungas siya ng imulat nito ang mata niya. Nag-inat siya ng katawan at kinusot ang mata niya.
" Mommy! Good morning." Niyakap niya agad si Lalyn at hinalikan siya sa pisngi.
" Masarap ba ang tulog mo?"
" Yes, but you wake me. Hindi natapos ang panaginip ko." Nakangusong sabi niya.
" What did you dream?"
" I dream that Daddy will be with us. We all happy together!" Halata sa mukha niya ang galak at saya kahit panaginip lang.
" That's a good dream, Sweetie." Sambit nito at hinalikan si Aliyah sa pisngi.
" I wish, we could be with Dad."
Ngumiti ito sa kaniya. Pasensya na talaga, hindi ko maibibigay ang wish mo anak. Please, forgive me. Nandito naman ako, kukunin ka lang niya sa akin. Ayaw ko kitang mawala sa akin. Ipagdadamot kita, kahit lahat ng mayro'n ako ay mawala basta hindi lang ikaw ang mawala. Aniya sa kaniyang sarili.
Ibinigay nito kay Aliyah ang isang baso ng gatas, agad itong ininom.
" Aalis na muna si Mama. Sasama ka muna kay Tita Grace mo." Aniya.
" Pasalubong ko." Sambit nito sa Mama niya.
Napangiti na lamang si Lalyn, dahil kapag alam niyang aalis ito hihingi agad iyan ng pasalubong kay Lalyn. Tumango si Lalyn at tumayo na. Pumasok sa loob si Grace para paliguan si Aliyah. Lumabas na si Lalyn at nagpaalam na aalis na. Nakatanggap siya ng text message galing kay Hans at sinabi nitong nasa labas na siya ng bahay nito.
Hinila na niya ang maleta nito and she wear some sunglasses. Pagkalabas niya ng gate ng bahay, nandoon sa loob ng kotse niya si Hans. At hindi niya aakalaing kasama pala nila si Krestine.
" Lalyn, get in!" Sabi ni Krestine na nasa tabi ni Hans nakaupo.
Ngumiti siya at tumango. Bago ito pumasok pumunta muna ito sa likod, para ilagay sa trunk ang maleta niya.
" Ako na." Lumabas pala siya at inagaw kay Lalyn ang maleta niya at binuksan ang likod ng kotse niya saka inilagay ang maleta niya doon.
" Salamat."