Nagising nalang si Lalyn na nasa higaan ni Hans, agad bumalikwas ng bangon at ipinulupot sa katawan niya ang kumot. Muling sumagi sa isip niya ang nangyari kagabi, may nangyari sa kanila at pumayag siyang gawin iyon ni Hans.
Biglang bumukas ang pinto ng banyo na ikinagulat ni Lalyn. Nabaling ang atensiyon niya sa bagong ligo na si Hans na kakalabas pa lang galing banyo.
" A-aalis na ako." nauutal na sabi ni Lalyn kay Hans.
Kukunin niya sana ang damit niya kaso wala na ito, " Mommy Lalyn! I'm here." narinig ni Lalyn ang boses ng anak niya sa kabilang kuwarto kung saan siya nag-stay.
" Suotin mo 'yan bago ka lumabas." sabi ni Hans kay Lalyn at tinapon sa kama ang kaniyang t-shirt sapat na para tabunan ang katawan ni Lalyn.
Matapos ihagis ni Hans ang damit, lumabas ito para aliwin ang anak ni Lalyn at tsaka hindi nila mapansin ang paglabas ni Lalyn. Mabilis na sinuot ni Lalyn ang t-shirt ni Hans bago lumabas. Pagkalabas niya wala na sa labas ang anak niya at ang kapatid ni Lalyn na si Grace.
Bumalik si Lalyn sa kaniyang kuwarto, para magbihis ulit ng panibagong damit bago uli lumabas para puntahan ang kaniyang anak. Nag-eenjoy na nadatnan ni Lalyn ang mag-ama na naglalaro ng volleyball.
Nakisali na rin si Grace at si Krestine sa kanila" Lalyn? Ang aga mo yata gumising." muntik nang mapatalon si Lalyn nang biglang sumulpot sa kanyang likuran si Christian at mukhang bagong gising.
" Naisipan ko lang, saan ang punta mo?" tanong ni Lalyn kay Christian.
" Magka-kape, hung-over dahil naparami ang inom ko kagabi." natawa nalang si Lalyn kay Christian, " samahan mo ako mag-coffee, my treat." napatingin si Lalyn sa gawi nila ni Hans at nakita niya itong nakatingin sa kanila ni Christian nang masama.
" A-ano kailangan kong bantayan si Aliyah, pasensiya kana kung hindi kita masasamahan." sabi ni Lalyn, dahil ayaw niyang magka-problema siya dahil lang sa pagsama niya kay Christian.
" No worries, sa susunod nalang. Iwan muna kita, " nakangiting paalam ni Christian bago umalis para bumili ng kape.
" Mommy Lalyn! Where have you been? I didn't see you. when i got to your room." sabi ni Aliyah nang matapos na sila sa paglalaro at siya agad ang nilapitan nito.
" I- i'm inside the bathroom, changing my clothes." nakangiting sagot ni Lalyn sa kaniyang anak.
" Okay! Mommy Lalyn, daddy Hans teach how to play volleyball." masayang sabi ni Aliyah kay Lalyn.
" Really? You know how to play now?"
Tumango naman si Aliyah," Yes! Daddy Hans? Can i already play volleyball because you teach me already right?" tanong ni Aliyah kay Hans habang umiinom ng tubig na inabot sa kaniya ni Krestine.
" Yes, Honey. As long as i'm here to guide you." Tumalon-talon pa si Aliyah sa sobrang saya nito.
Hindi magawang tignan ni Lalyn si Hans, dahil na rin sa hiya niya sa nangyari kagabi. Kahit alam niyang wala siyang dapat ikahiya, pakiramdam niya kasi may pinagtaksilan siya, pakiramdam niya may nasasaktan.
Nakita kasi nito ang minsang pilit na ngiti ni Krestine sa kanila, hindi niya pa alam kung ano ba talaga ang totoong relasyon nilang dalawa ni Hans at bakit ginagawa ito ni Hans kung nandidito si Krestine.
" Lalyn gusto mo sumabay sa 'min kumain ng agahan, isama mo na rin ang kapatid mo." anyaya ni Krestine sa kanila ni Lalyn.
Nagdadalawang isip si Lalyn kung papayag ba siya o hindi. Lalo na't hindi siya komportable kay Hans na malapit lang niya.