Pagkarating nila sa Isla Helena ay sabay na silang bumaba sa yate. Si Lalyn naman ay gusto na niyang kunin ang anak niya kay Hans.
" Aliyah? gusto mo ba mamasyal kasama ang daddy Hans mo?" narinig naman ni Lalyn ang malambing na boses ni Krestine kay Aliyah.
" Yes! but pwede ba isama natin si Tito Christian at si Lalyn?" Sabi naman ni Aliyah haang buhat pa rin ni Hans ito.
Napatingin naman si Krestine kay Lalyn na kanina lang nakikinig sa usapan nila.
" Pwede ba namin isama si Lalyn sa pamamasyal? pwede naman kayong sumama para mas enjoy." nakangiting sabi naman ni Krestine kay Lalyn.
Hindi naman makapagsalita si Lalyn, dahil ayaw naman niyang sumama.
" Maybe, later… family bonding namin ito ng anak ko." sabi naman ni Lalyn saka nilapitan si Aliyah.
" Lalyn? are you mad at me?" nakangusong sabi naman ni Aliyah nang kunin na ito sa pagkaka-buhat ni Hans.
" No, sweetie. Let them rest, sweetie and you to." sabi naman ni Lalyn saka tinignan si Hans para ibigay na ang anak niya.
" But i'm not tired, i want to be with daddy Hans. Please…"
Napayuko nalang si Lalyn dahil ayaw niyang tanggihan ang anak nito. Pero ayaw niyang maging malapit ang loob ni Aliyah kay Hans.
" Lalyn, pagbigyan muna kami. Para na rin may alam na ako sa pag-aalaga ng bata if darating ang panahon na magkakaanak kami." Lumapit na rin si Krestine sa kanila.
Pakiramdam niya ngayon siya pa ang pumipigil sa kasiyahan ng anak niya. " Pwede ka namang sumama sa 'min." dagdag pa ni Krestine.
" Magbibihis ka muna bago ka sumama sa kanila." sabi naman ni Lalyn sa anak nito, hindi naman mapigilan ni Aliyah na maging masaya at mas lumawak pa ang ngiti.
" Really? Lalyn, thank you!" hinalikan pa nito si Lalyn nang kunin ito ni Lalyn kay Hans.
" Ako na ang maghahatid sa kanya mamaya, bibihisan ko lang siya." sabi naman ni Lalyn saka tinalikuran si Hans at si Krestine.
" Lalyn, nakahanda na ang tatlong cabin para sa 'tin." sabi naman ni Grace nang matapos makapag-booked ng cabin na matutuluyan nila.
" Christian? mamaya na tayo,mag-uusap bibihisan ko muna si Aliyah." sabi naman ni Lalyn kay Christian.
Tumango naman si Christian," No worries, kailangan ko rin namnamin ang higaan ko nakakapagod ang biyahe sa dagat." sabi naman ni Christian at napapahikab pa.
Napangiti nalang si Lalyn," Sige." sagot naman nito saka pumasok sa katabing cabin ni Christian.
Nasa tapat naman ng cabin ni Lalyn ang cabin nila ni Hans at Krestine. Hindi naman lubos maisip ni Lalyn na iisa lang ang cabin na kinuha nila, ang ibig sabihin magkasama sila sa iisang higaan.
Napailing nalang si Lalyn para alisin iyon sa isip niya.
" Lalyn, are you okay? you look so bothered by something else." tanong naman ni Lalyn at nakakunot lang ang noo ng batang babae.
" No, sweetie. Pagod lang si Lalyn." sagot naman ni Lalyn sa anak nito at pilit na ngumiti.
" If you don't want me to go with daddy Hans, it's okay for me Lalyn." malumanay at mahinang sabi ni Aliyah sa ina nito.
" No, sweetie. It's okay for me, that you go with them." hinimas naman ni Lalyn ang mamulang-mulang pisngi ng anak niya.
" Thank you, Lalyn. I love you so much!" niyakap naman siya nito at pinaulanan ng halik sa mukha ni Lalyn.