Chapter 6

687 17 1
                                    

Maaga namang pumasok si Lalyn sa hospital, dahil pang-umaga na ang schedule nito sa duty niya, kaya gabi na siya makaka-uwi mamaya.

Sinilip naman ni Lalyn ang silid kung saan naka-stay si Hans dahil nga sa nangyari kahapon. Hindi niya parin mawala sa isip ang sinabi nito.

Nakita naman niya itong nakahiga sa hospital bed, at wala siyang bantay. Mukhang umalis yata si Krestine, naisipan naman niyang pumasok, para e-check ito.

Sinara muna niya ang pinto, saka naglakad papalapit dito. Ini-adjust naman niya ang atak ng dextrose, saka tinignan niya itong natutulog.

Napabuntong hininga nalang siya. saka nag simulang tumalikod sa gawi ni Hans.

" Why are you here?" nagulat naman si Lalyn nang marinig niya ang boses ni Hans.

" I just want to check your condition." pormal na sabi naman ni Lalyn kay Hans." At nakikita ko namang maayos kana."

" Check my condition? or is there something else?" sambit naman ni Hans sa kanya, humarap naman si Lalyn kay Hans.

" Wala na akong ibang rason, it's up to you, kung ano yang nasa isip mo. Doctor ako, and I have the rights to check my patient." sabi naman ni Lalyn kay Hans.

Alam naman niyang sa ginagawa niya ngayon ay mas lalo pa niyang pinapalala ang naging alitan nila kahapon.

" Yeah, tama ka. Kaya pwede ka nang umalis, I don't need a doctor like you to check me." sabi naman ni Hans.

Ikinuyom nalang ni Lalyn ang kamao niya sa sobrang pagtitimpi. Ngayon tatanggapin na muna niya ang masasakit na salita na binabato sa kanya.

" Wag po kayong mag-aalala Mr. Weber, hindi na ako lalapit sayo, because you think a doctor like me is useless, and i accept that." sabi naman ni Lalyn saka tumalikod na at saka mabilis na lumabas sa silid ni Hans na VIP room.

Natapos naman ang trabaho ni Lalyn sa hospital na walang kausap dahil hindi na magka-pareho ang schedule nila ni Christian.

Tinignan naman nito ang oras sa relo niya, ilang minuto nalang makaka-uwi na siya. Nakakapagod din ang araw nito para sa kanya. Madaming pasyente ang kailangan niyang asikasuhin, ang ibang doctor na kasama naman niya ay busy din.

" Doc Lalyn? may naghahanap po sa inyo sa labas." napatingin naman si Lalyn sa may pinto ng office niya.

At nakita naman niya ang isang Nurse." Sige, salamat. Wala ba siyang sinabi kung sino siya?" tanong namna ni Lalyn.

Umiling naman ito sa kanya." Ang sinabi lang po niya ang gusto niya po kayong kausapin." sagot naman nito.

Tumango nalang si Lalyn." Sige ako na ang bahala." sabi naman ni Lalyn saka tumayo na sa inuupuan nito.

Pagkalabas niya ay agad naman siyang lumabas sa hospital para puntahan ang naghahanap sa kanya.

" Doktora?" napatingin naman si Lalyn sa babaeng papalapit sa kanya.

" Rica? bakit ka napa rito? kasama mo ba ngayon si Edward?" tanong naman ni Lalyn.

" Gusto lang kitang imbitahin sa magaganap na kaarawan sa kambal ko. Kung maaari sana pumunta ka sa bahay, sa darating na kaarawan ng kambal ko." sabi naman ni Rica sa kanya.

Ngumiti naman si Lalyn." Talaga? kailan naman?"

" Bukas ng gabi gaganapin ang kaarawan ng kambal ko." sabi naman ni Rica.

" Sige, pupunta ako. Ikamusta mo nalang ako ni Edward at sa kambal niyo." sabi naman ni Lalyn.

Tumango naman si Rica sa kanya." Sige Doktora uuwi na ako baka kasi hinahanap na ako ni Edwrd. Nagagalit pa naman yun."

Seductive Serie's 3 : Lalyn ChengWhere stories live. Discover now