Ikaapat Na Labas

202 5 2
                                    

MAGMULA ng iwan siya doon ng Tita Adelaida niya ay hinintay niyang muling lumabas ang babaeng itinuro mismo nito.

Monalisa Brilliantes sikat na modelo at actress sa sariling business ng pamilya nila ang "Brilliant Entertainment Company". Ilang hotels and restaurants mula naman sa step-Dad niya ang ipapamana sa kaniya balang-araw. Sa edad na benti dos ay successful na ito sa buhay.

Nakabukas na ang mga ilaw sa poste sa highway ng matanawan niya ang paglabas nito. Nagdumali na siyang naglakad palapit sa babae matapos niyang itapon ang hinihithit na sigarilyo. Bigla ay sang puting van ang tumabi mismo dito at nagsilabasan mula roon ang limang kalalakihan na nakabalot ng itim na tela ang mukha.

"S-sino kayo?!" nahihintakutan saad ni Monalisa na nakarating pa sa pandinig ng binata. Kaya natiyak nitong nasa panganib ang babae.

Walang nagsalita sa mga lalaking tinanong nito. Nagulat si Monalisa dahil bigla na lamang siyang hinawakan ng dalawang lalaki at pilit siyang ipinapasok sa loob ng sasakiyan ng mga ito.

Nagtitili at nagpumiglas si Monalisa. Nilapitan sila ng security guard akmang bubunutin nito ang nakasukbit na baril sa may beywang ng mabilis na naunahan ito ng isang lalaki bago pa makalapit.

Dahil naka-sentro ang lahat sa sekyu ay iyon na ang nakuhang pagkakataon ni Judas na makalapit. Hindi nagdalawang isip ito na agad naglakad sa maingat na paraan.

Katulad ng madalas na mangyari kapag napa-pa trouble ang binata ay isa isa niyang pinagsusuntok at tinadiyakan ang mga lalaki na nagulat sa pagdating niya.

Kaagad niyang inagaw ang baril ng isang lalaki at agad na itinutok iyon sa ulo nito at mahigpit na hinawakan. Sinipa niya sa mukha ang dalawang lalaki, sa lakas ng puwersa ay nagsitumba ang mga ito habang sapo ang mga mukha. Nakita niyang mabilis na hinila ng pang-apat na lalaki si Monalisa at nanginginig na idinikit sa tagiliran nito ang nguso ng hawak nitong baril.

"Please iligtas mo ako, a-ayuko pang mamatay!" impit na pagmamakaawa ng babae kay Judas na nakatitig lang naman sa kaniya.

"Tumahimik kang babae ka! At ikaw ibaba mo ang kamay mo na may hawak ng baril!" mando sa kaniya ng lalaking mahigpit na hawak si Monalisa.

Kaagad na nilapitan ng pang limang lalaki si Judas matapos na makinig at gawin niya ang utos na ibaba ang baril na hawak.

"Nagpaka-bayani ka pa, wala rin naman mangyayari!" Tumatawang kantiyaw nang papalapit na lalaki. Akmang kukuhanin nito ang baril nang mabilis pa sa alas-kuwatro na inabot ni Judas ang leeg nito at basta na lang binali iyon.

Nagulat ang lalaking may hawak kay Monalisa, mabilis na itinutok at binaril nito ang direksyon ni Judas. Ngunit iniharang lang nito ang katawan ng kasama nitong binalian niya sa leeg. Kaya upang ito ang sumalo sa lahat ng bala.

Isang bigwas sa mukha ang ginawa niya, upang biglang mabitiwan nito si Monalisa na nagtatakbong palapit na ngayon kay Judas.

HINDI sanay ang binata na kinukuhanan siya ng litrato ng mga taga-media. Tahimik lamang siyang nakaupo habang hinahayaan niya lang magsalita ang babae at ang manager nito.

Maging ang marinig niya sa mga bibig ng mga nag-i-interview mismo sa dalaga na siya ang taga-pagligtas nito ay ibang-iba sa kaniya.

"So Ms. Brilliantes ano na pong balak niyo ngayon. Siguro naman ay bibigiyan niyo ng pabuya ang super hero niyo," sabat ng isang reporter na nasa harapan.

Ngumiti naman ang dalaga na siyang nakaagaw nang pansin mismo kay Judas. Mas maganda kasi ito kapag ngumingiti, nang una niyang makita ito ay walang reaction rito. Mukha pa nga itong malungkot.

"Yes! Actually dahil sa nangyari, it's time na kumuha ako ng bodyguard ko na magbabantay sa akin. Gusto ko sana si Mr. Olivarez." Ang biglang anunsiyo ng dalaga.

Tinapunan pa siya nang tingin nito upang marinig sa kaniya ang pagsang-ayon.

"Ayos lang naghahanap talaga ako ng trabaho ngayon," sagot naman niya.

Nasisiyahan naman nangiti si Monalisa sa pagpayag niya. Ang hindi alam ng babae na parte iyon sa mga binabalak pa ni Judas upang makapasok ito sa buhay ng magandang dalaga.

Matapos pa ang ilan pagtatanong ay tuluyan na silang umalis doon. Sumakay na sila sa isang magarang sasakiyan.

"May gusto ka pa bang puntahan?" tanong ni Monalisa na abala sa hawak na celpon.

"Wala na. Uuwi na ako," sagot naman ni Judas na nag-alis ng bara sa lalamunan matapos na mahuli siya ni Monalisa na nakatitig.

"Ihatid ka na namin, mag-impake ka na agad."

"Bakit?" kunot-noo na tanong ng binata.

Pasimple lang naman siyang pinakatitigan ni Monalisa.

"Hindi ka ba nakikinig kanina sa announcement ko. Kinukuha na kitang bodyguard ko at gusto ko bukas na bukas mag-umpisa ka nang magtrabaho sa akin, siya nga pala bago ang lahat magpapakilala ako. Monalisa Brilliantes pala," wika nito at inilahad ang kamay sa harap niya. Natapos na ang lahat lahat ay hindi pa pala sila pormal na nagpakilala sa bawat isa.

Mukhang nangawit na si Monalisa at basta kinuha na lang ang palad ng binata.

"Thank you and it's nice meeting you..." Naghihintay ito sa pagsagot niya.

"Judas... Judas Duran Olivarez."

Monalisa just keep smiling back after that.

Haplos Ni Judas (HAPLOS  SERIES 1) COMPLETED SOON TO BE PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon