NANG makapasok si Monalisa sa loob ay kaagad na hinarap ni Judas si Simon Rhyss.“Hindi ko hinihingi ang paliwanag mo. Ngunit, nais kong ipaalam na paglabag itong ginagawa mo sa grupo natin. Hindi mo nanaisin na tugisin ka ng ARIAL sa sandaling matunton nila ang kinaroroonan niyo.” Pagpapaalala sa kanya ni Simon.
“I understand, kung iyon ang gusto niyo. Kusa kong isusuko ang sarili ko. After this, just give me ample time. Para makasama pa si Mona,” pakiusap niya.
Simon Rhyss eyes focused on him after he said that. “Hanggang kailan mo ito gagawin ginoo. Mas ginagawa mong kumplikado ang lahat at bakit mo hinayaan na humingi ka ng tulong kay Jameson Zion. Hindi mo siya dapat pinagkatiwalaan. Kung umaasa ka na pagtulong ang ginawa niya. Nagkakamali ka dahil siya mismo ang magpapahamak sa iyo! Pakiusap, maari mo pang maituwid sa ayos ang lahat. Ibalik mo lamang sa pamilya niya ang babae, para matapos na itong gulong pinasok mo.” Mahabang diskusyon ni Simon. Umaasang makikinig si Judas sa kanya.
Hangad niya na maging matiwasay at maayos ang grupong kinabibilangan nilang parehas.At ang isipin na naging desperado lamang si Judas kaya lumapit ito kay Jameson, dahil sa pagmamahal kay Monalisa sa napadismuladong paraan.
"Don't worry, Mona came with me on purpose. I'll bring him back later; that's a promise," replied Judas.
Tinitigan naman ito ni Simon na tila tinitimbang ang mga sinabi niya.
Sa isip nito ay nasasayangan siya kay Judas. Malaki ang potensyal nito, ngunit hinihila ito pababa ng pagnanais na makamit ang pagmamahal ng babaeng hangad nito.
"Judas makinig ka, naging maayos na ang buhay mo magmula nang makawala ka sa nakaraan... Walang permanenti sa buhay, lahat magbabago. Kung pinili ka niya noon. Pweding ngayon, hindi na. Kaya sana, piliin mo ang tama sa mali.”
Hindi na ito pinagsalita ni Simon. Iniwan na niya ito para magkaroon ito ng oras para makapag-isip...
–––
MULI Napabalik ang pansin niya kay Monalisa.
“D-did he touched you?”
“N-nagkakamali ka! hindi ko hahayaan na magawan niya ako ng masama. But everytime he’s near ay para na rin niyang inaangkin niya ako! Parati niyang sinasabi na lahat ng meron kami ay galing sa kanya. Na dapat ay suklian ko iyon… Isa siyang halimaw. Judas, please! Keep your distance from me; I don't want anything bad to happen to you. H-hindi mo siya kilala Judas, he might kill you!” umiiyak nitong saad.
Ang masaksihan ni Judas na nagkakaganito si Monalisa ay labis siyang nasasaktan.
Tuluyan niyang nilapitan ito. May pagsuyo ang bawat haplos niya, habang pinapakalma ito. Judas can sense her unfiltered fear.
“Don’t worry, relax. Nothing will happen. Hindi ko siya hahayaan magtagumpay. Huwag ka niyang binabantaan sa mga bagay na hindi mo naman kailangan pagbayaran! Siya ang dapat sinisingil sa napakaraming kasalanan niya!” mabigat niyang banta. Lalong humigpit ang yakap niya sa babae.
Napaangat ang mukha ni Monalisa na hilam ng luha.
"N-naniniwala ka sa akin, Judas? tanong nito.
“Of course I do, babe. Kahit kailan ay palagi kitang pinaniniwalaan. Because I know the truth, sinasabi sa akin lahat ni Manang Lala. Magmula nang magkalayo tayong dalawa, siya ang nagbibigay sa akin ng lahat ng impormasyon kung kumusta ka na. Gusto kitang itakas, pero hindi pa sapat ang kakayahan ko. Pinagbuti ko ang lahat, para kapag dumating ang pagkakataon na ito ay makukuha kita. If only you realized that I'm still thinking of you as the days go by.” Hinalikan ni Judas ito sa may sentido. Naramdaman niya na tuluyan bumigat ang ulo ni Monalisa na nakasandig sa kanya.
BINABASA MO ANG
Haplos Ni Judas (HAPLOS SERIES 1) COMPLETED SOON TO BE PUBLISHED
RomanceSpecial Announcement bebe loves 💕 Soon to be Published po ang HNJ @Bibilioethéque Publication. Search and follow na rin ang FB and wattpad account nila for more details sa aking libro ☺️ Story of the Protective Bodyguard Judas Duran Olivarez...