NAKAYUKO ang ulong ipinasok si Judas. Tuluyan siyang inilipat at ikinulong sa mas malaking pasilidad. Doon na siya pipirmi sa mahabang taon ng sentensiya sa kanya.
"Mag-enjoy ka rito Olivarez. Mas okay sana kung sa mental ka nakulong!" tatawa-tawang panambitan ng pulis na umakay sa kanya papasok.
Bingi-bingihan at Pipi-pipihan siya. Pinid ang bibig at sarado ang mata niya sa lahat ng mga pang-iinsultong ibinabato sa kanya.
The two correctional officers gazed at him for still being silent."Huwag kang umarte dyan, andito ka na sa loob. Ang lakas kasi ng loob mo na humangad. Sa isa pang nakapagandang artista at modelo na si Monalisa Brilliantes. Huwag kang ambisyoso uy!" Sabay tuktok sa kanya ng isa.
Kabuntot na naman ng isa pang halakhak sa mga ito.
"Bilisan mong maglakad!" bulyaw ng Warden.
Ginawa naman niya ang ipinag-uutos sa kanya ng walang reklamo.Ngayon pa lang ay sinasanay na ni Judas ang sarili. Ito ang pinili niyang landas magmula ng piliin niyang mahalin ang isang katulad ni Monalisa. Nakakabaliw.
AFTER Judas court hearing, Julio Saavedro shook hands with the presiding judge as well as his lawyers, one by one."Nagpapasalamat ako sa pakikipag-cooperate," sabi niya.
"Wala iyon, Don Julio. Marami kang naitulong sa law firm namin kaya maliit na bagay lamang itong kasong gusto mong pumabor sa iyo," ani naman ni Attorney Saturnino Dela Vega. Kaagad nitong kinuha ang baso na naglalaman ng mamahalin alak na dinala niya para sa kanila.
"Attorney Dela Vega is right; for me, it is only suitable for someone like Olivarez to be imprisoned. Didn't he think that just coming close to someone like you would mean death?" said the judge.
Tumango-tango naman si Julio. Wala naman na siyang masabi pa dahil tuluyan natuldukan ang problema niya patungkol kay Judas.
"Yeah, that's correct; the man was skeptical about what would end up happening to him. Para siyang sundalo na nakipag-laban na walang baon na bala," tusong sabi ni Julio.
LUMIPAS ang araw, linggo at buwan. Para kay Judas impyerno ang naging buhay niya sa loob ng kulungan.
Napasandig siya sa may pader, isang mahabang pat-pat ang naka-ipit ngayon sa ibabang bahagi ng baba niya.
"Hoy! Olivarez, mag-ingat ingat ka sa bawat galaw mo dito sa loob! Huwag kang nagmamatigas!" bulyaw sa kanya ni Pruto. Kanan kamay ng isang makapang-yarihan pinuno sa loob ng kulungan. "Mayor" ang madalas na i-tawag sa pinuno.
"Wala akong ginawang masama!" Hindi na nakapag-timping saad ni Judas. Malakas niyang itinulak ang lalaking iniipit siya. Lumagapak naman ito sa lapag.
Sa lumipas na buwan ay pinag-initan siya sa loob. Kung ano-anong paghihirap ang ipinaranas sa kanya.
Kanina pa siya binubugbug ng mga kasamahan ng mga ito. Naging mainit siya sa loob, dahil hindi siya pumayag na maging kasapi ng mga ito.
"Siraulo ka!" sigaw ni Pruto. Sinenyasan ang ilang sa mga kasama nila na lapitan siya. Sa dami ng mga ito ay tiyak na pagtutulungan siya.
BINABASA MO ANG
Haplos Ni Judas (HAPLOS SERIES 1) COMPLETED SOON TO BE PUBLISHED
RomanceSpecial Announcement bebe loves 💕 Soon to be Published po ang HNJ @Bibilioethéque Publication. Search and follow na rin ang FB and wattpad account nila for more details sa aking libro ☺️ Story of the Protective Bodyguard Judas Duran Olivarez...