WARNING : MATURE CONTENT [SPG | R18] ⚠️⚠️⚠️
CONTAINS:
BED SCENCE
EXPLICIT WORD
FORNICATION
ILLICIT SEXUAL INTERCOURSEHINDI mapaniwalaan ngayon ni Judas ang nalaman niya. Isang sikat na model at actress si Monalisa Brilliantes. Isa sa may pinakamamagandang mukha at hubog ng pangangatawan sa industriyang kinabibilangan nito. Maraming nabibighaning mga kalalakihan. Kabilaan ang offers at projects sa iba ‘t ibang bigatin company. Tinitingala at kinikilala ng nakararami.
Imposibleng mapaniwalaan na may karelasyon itong katulad nitong babae!
Isang tikhim ang nagmula kay Monalisa na nakaupo sa may likuran lang niya habang katabi nito si Theodora. Siya naman ay nanatiling nakatutok sa harapan ng manibela ng sasakiyan.
Siya ang nakatokang maging driver slash bodyguard na rin nito. Biglaan iyon, dahil kinailangan ni Mang Pido na mag-leave. Dahil itinakbo sa hospital ang bunsong anak nito dahil sa asthma.
“Hey! Judas anything wrong?” Monalisa asked, noticing the silence in his presence.
Napagawi ang titig niya mula sa rear view mirror at nailing. “Wala naman, bakit meron bang maging dapat problemahin.”
Kitang-kitang niya ang marahan na pagtango at tila napahinga ng maluwag ang babae.
Habang siya hindi mapigilan ang magtiim-bagang.
Muli niyang itinuon ang pansin sa harap nang makita niyang ginagap ni Theo ang palad nito.
Tila nag-uusap ang mga ito sa pamamagitan ng tinginan lamang. Bago siya tuluyan tapunan ng pansin.
"However, once you drop us off at my apartment unit. You can leave us there and come back tomorrow." Utos nito.
“Hindi ba mas okay na mag-stay ako kasama niyo. Baka kailanganin niyo ako,” pagsagot naman ni Judas matapos na makaliko mula sa parking lot ng naturang gusali. Kung saan naroon ang uuwian na unit nito.
Ito rin ang building, kung saan nahuli ng Tita Adelaida niya ang Asawa nitong nakikipagkita kay Monalisa.
"Stop being protective of me. I'm safe here, there are many security guards and there is a police station nearby. I won't be endangered here. Besides…" Saka muli nitong sinulyapan si Theo na malagkit naman nakatitig dito.
“… Theo is with me. Hindi niya ako pababayaan.”
Wala naman nagawa si Judas kung ‘di ang mapatango na lang din. Bakit pa niya ipagpipilitan ang gusto niyang mangyari. Kung iba naman ang kagustuhan ng Amo niya.
Kitang-kita niya ang pag-abrisiyetehan ng kamay ang dalawang babae. Sweet na sweet sa bawat isa. Kung hindi niya lang nasaksihan ang intimate scene ng dalawa kanina sa dressing room. Hindi niya maiisip na may kakaiba sa bawat kilos ng mga ito. Na higit pa pala sa mag-amo ang relasyon ng dalawang babae.
DAMA ni Judas ang marahan paghaplos ng Tita Adelaida niya sa kanyang braso na nakapatong sa lamesita na pinaggitnaan ng mahabang sofa na nasa sala ng bahay nito.
Doon niya naisip na pumunta, matapos na ihatid sina Monalisa sa condo unit nito. Kasalukuyan siyang nag-iinom. Masama ang loob niya ang dahilan, hindi niya alam.
“Napapansin ko, kanina ka pa walang imik. May nangyari ba?” tanong ni Adelaida na hinawakan sa may pisngi si Judas. Napatutok naman ang tingin niya rito, bumaba ang tingin niya sa nakalantad na cleavage nitong nakaluwa sa mababang tabas ng suot nitong lace trim satin night wear.
Umiwas ng tingin si Judas at muling itinungga ang iniinom na bote ng beer.
BINABASA MO ANG
Haplos Ni Judas (HAPLOS SERIES 1) COMPLETED SOON TO BE PUBLISHED
RomanceSpecial Announcement bebe loves 💕 Soon to be Published po ang HNJ @Bibilioethéque Publication. Search and follow na rin ang FB and wattpad account nila for more details sa aking libro ☺️ Story of the Protective Bodyguard Judas Duran Olivarez...