Ika-anim na Labas

183 4 1
                                    

NAPABUNTONG-HININGA si Monalisa at kaagad na iniiwas ang pansin sa lalaki.

"Hey! don't pity me. Look at me, I'm just f-fine!" she murmured rigidly, before plastering a phony smile on her face. Pilit na pinasisigla ang kanyang tinig.

Napakurap naman si Judas at napatango-tango, nagulat ito dahil tila nabasa nito ang isipan niya.

Minabuti na lang din ng binata na isentro sa hawak na baso ang  pansin. The expression on Monalisa's face today made him feel something odd deep inside.

Muling umayos ng pagkakaupo ang babae. Idinantay na niya ang kaliwang siko sa ibabaw ng counter na kaharap. Unti-unti ay tinatablan na siya ng iniinom. Nagiging magaan na ang pakiramdam niya.

Limang taon na rin ang nakararaan, magmula ng matuto siyang uminom. Sa dami ng nangyari sa nakalipas ay madaming nagbago. Isa na roon ang masayang Pamilya nila dati. Kung hindi dahil sa pagiging busy niya sa kanyang trabaho ay tuluyan siyang lulugmukin sa tuwina ng mga problema na pilit niyang tinatakasan.

Monalisa's mind suddenly stopped traveling in the past when she heard the baritone voice of Judas.

"Patawad, kung naramdaman mong naawa ako sa iyo. Wala akong karapatan para manghimasok sa pinagdadaanan mo. Pero kung kinakailangan mo ng makakausap. Narito lang ako, handang makinig sa 'yo. Hindi mo lang ako bodyguard, maari mo rin akong maging kaibigan kung nanaisin mo." Tuluyan inabot ni Judas ang kanang kamay ni Monalisa na malayang nakapatong sa ibabaw ng lamesa at pinisil iyon. Dahil sa mapangahas na gawi ng binata ay hindi mapigilan ng dalaga na matulala sa guwapong mukha ng kaharap.

Marami na siyang nakikilala at nakakasalamuhang kalalakihan sa araw-araw sa industriyang kinabibilangan. She is a model and actress of their generation, so meeting handsome men is not new to her. Ngunit, ngayon lang siya nakakaramdam ng kakaiba sa isang katulad ni Judas Duran Olivarez.

Lumalamang ang pisikal na appearance nito sa iba. Ang semi-wavy hair na buhok na sadiyang may blonde dye. Makapal ang pares na kilay nanunuot kong makatitig. Bumagay sa matangos nitong ilong ang hugis ng mukha. Labi nitong manipis at kayumangging balat. Napuno ng tattoos ang braso nito na nakikita niyang nakalantad ngayon. Dahil nakasuot na lamang ito ng puting kamiseta at pambahay na short. Hindi katulad noong una, na naka-denim jacket ito at fitted rudge pants. May hawig ito sa local actor na si Jericho Rosales.

Inaamin niyang na-attract siya sa ka-guwapuhan meron ito. Hindi lang hanggang doon iyon. Ngunit kakaiba ang ipinaparanas nitong concern sa kanya, kahit na bagong magkakilala pa lamang  sila nito.

When Judas smiled sweetly at her. She automatically raised her hand where he placed one hand. She focused her attention on the front.

Dahil sa naging abala si Monalisa sa kausap ay hindi niya napansin na naubos na pala ang iniinom niyang champagne.

"I'm going to bed first, don't worry, my first schedule at BEC is after lunch." Tinutukoy ni Monalisa ay ang "Brilliantes Entertainment Company". Kumpaniyang pag-aari ng ina. Kung saan ay hinahawakan siya bilang exclusive model at actress na rin.

Tumango lang din si Judas habang tutok pa rin ang pansin sa kabuuan ni Monalisa. Kusang ipinag-matay malisiya ng dalaga ang init na gumapang sa kanya sa mahalay na paraan lang naman ng titig nito.

LATE na rin nagising si Monalisa sa umagang iyon alas-diyes na ng tanghali. Naginat-inat na siya, pagkatapos ay sunod niyang ginawa ang daily morning routine niya.

Fifteen minutes bago siya tuluyan bumaba mula sa dining area. Kung saan nadatnan lang niyang nasa kumedor na ang inang abala sa pagkain ng lunch nito.

Akmang bubuwelo siya pabalik, dahil ayaw niyang makasalo ito sa pagkain. Ngunit huli na, dahil tuluyan na siyang nasipat ng ina.

Haplos Ni Judas (HAPLOS  SERIES 1) COMPLETED SOON TO BE PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon