Ika-dalawampu't Tatlong Labas

84 0 0
                                    


DILIM ang bumungad kay Judas nang buksan niya ang kurtina na nakatabing sa malaking bintana. Mula sa silid na banyaga, kung saan siya naroroon.

Sa pagkakataon na iyon ay blangko lamang ang isipan niya sa mga nangyayari. Tanging ang nais niya ay maisagawa sa madaling panahon ang kanyang plano.

---

"ANG pabor ko lang naman ay sana matulungan mo ako ginoo," wika niya kay Jameson Zion. Kaharap niya ito ngayon, sinadiya niya ito sa pribado nitong yatcha. Upang mahingan ng tulong. Nang magpunta siya kung nasaan ito ngayon ay kapansin-pansin ang mga nakakalat nitong tauhan sa lugar.

Kahit naman saam ito pumaroon ay may taga-sunod ito. Kulang-kulang ay nasa dalawampu katao ang bantay nito.

Sa tindig at aura pa lamang nito ay kababakasan na ang pagiging makapangyarihan nito.

"Hindi ako nagbibigay ng tulong ng libre Kabalyero," malamig nitong tugon. Nagsindi ito ng primerang tabacco mula sa harap niya. Humahalo na ang matapang at mamahalin amoy niyon sa silid na konaroroonan nila.

Wala itong suot na pang-itaas, litaw ang matipuno nitong katawan. Namumutok ang muscle nito sa braso na tinadtad ng mga tattoo's.

He recalls having tattoos all over his body.

Isa iyon sa mga nakahiligan niya dati, ngunit lahat ng iyon ay nag-iba na.

Hindi na siya ang dating Judas na pa-easy go lucky. Basta nakukuntento sa kung anong meron siya. He is now putting in more effort and committing more time to achieving his ultimate life goal.

Napatuwid naman mula sa pagkakaupo si Judas nang maiintindihan ang sinabi nito. Alam niya iyon, kahit sa kaikling panahon ay nakilala na niya si Jameson Zion Cirillo. Kasamahan niya sa grupo nilang ARIAL. Isa ito sa kinikilala at kinatatakutan mob boss sa mundo ng Mafia. It is devious and never takes trust easily. Kaya una pa lang ay kaagad nang sumagi sa isip niya na may kapalit ang hihingin niyang pabor dito.

"I understand, gentleman; I'm willing to offer anything. Just helped me," he said desperate.

Matiim itong nakamasid sa kanya na tila inaalisa ang mga katagang binitiwan niya.

Maya-maya matapos itong maghithit-buga sa tabacco ay tuluyan itong nagsalita.

"Bueno, hindi na kita paghihintayin. Sige! Ibibigay ko ang kahit na anong tulong mula sa akin. Maari ka nang umalis." Taboy nito sa kanya.

Nagtataka man si Judas sa pagpayag ng ganoon nito ay hindi na siya nag-usisa pa. Ang mahalaga ay may aasahan na siyang tulong mula rito.

"Salamat ginoo, tatanawin kong utang na loob sa iyo ang kasunduan ito!" galak niyang saad. Inilahad niya ang kamay upang ipaabot ang labis niyang kagalakan.

Tinapunan lang naman iyon ni Jameson at pabalewalang pinagmasdan. Napataas ang sulok ng labi nito habang tutok na tutok ang mata sa kanya.

"Maaga pa para magpasalamat ka kabalyero. Sa muli nating pagkikita kukunin ko ang bayad sa pabor na hinihingi mo..."

____

Naputol ang paglilimayon ng isip ni Judas nang marinig niya ang pagbukas nang pinto at pumasok mula roon si Yno.

"Boss, nasa labas na po sila." Pagbibigay-alam naman nito.

"Great, now you take care of them first, and I'll follow," he remarked.

Haplos Ni Judas (HAPLOS  SERIES 1) COMPLETED SOON TO BE PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon