Ika-Siyam Na Labas

158 3 2
                                    

WARNING :CONTENT [SPG | 🔞] ⚠️⚠️⚠️

❗TRIGGER WARNING ❗
❗ DEPRESSION ❗
❗ABUSE ❗
❗ VIOLENCE ❗
❗HATE SPEECH.BLOOD. DEATH

NAPABALIKWAS ng bangon ang batang si Monalisa, pagkarinig sa tunog ng chime na nakasabit sa may pinto.

Dali-dali siyang nagtatakbo palapit sa kanyang Lola Merlinda. Limang taon gulang  siya ng madalas siyang maiwanan  sa poder  ng matanda. Parati kasing busy sa mga kaniya-kanyang business trip ang magulang niya.

That's okay with her. Especially since she is Lola's girl.

“Lola! Dala mo na po iyong ipinabili kong bibingka ni Aleng Lorelay?” bibang tanong na salubong ng pitong taong gulang na si Monalisa.

“Aba! Oo naman Apo, medyo natagalan lang ako sa pag-uwi. Nagka-kuwentuhan pa kasi kami sa tindahan niya,” tugon ng matanda na inabot ang palad sa apo na nagmano naman kaagad dito.

Monalisa eagerly accepted the bag containing the still-warm bibingka. Monalisa brought it to the dining area quickly and opened it to begin eating.

“Hinay-hinay lang apo, mainit pa at baka mapaso ka.” Paalala ng Lola sa kanya. Ngunit patay-malisya siya sa narinig. Kaya dire-diretso niyang inilapit iyon sa bibig na hindi nag-aalangan na mapaso.

“Aray! Ang init!” matinis na sambit niya at bilis na napabitiw sa hawak-hawak na pagkain.

Habang si Lola Merlinda ay naiiling na pinagmamasdan siya. Tuluyan nitong isinabit ang balabal sa may sabitan na malapit sa pinto. Bago nito binalikan ang kanyang apo.

“Pinagsabihan na nga kitang bata ka na mainit at maari kang mapaso. Pero ang tigas ng ulo mo, halla! Sige susubuan na lang kita ako ng magpapalamig para hindi ka na ulit mapaso.” Pangaral ng matandang babae rito sa nahihiyang napangiting si Monalisa.

"I'm sorry Grandma, I really want to eat that," she said. Tuluyan ibinuka niya ang bibig at sinubo ang maliit na kapiraso ng bibingka katatapos lamang hipan ng Lola niya. Ninamnam niya ang masarap na lasa niyon habang nginunguya.

Para kay Monalisa, iyon ang pinakamasarap na pagkain na natikman niya mula pagkabata.

“Ang apo ko talaga, parang hindi ka pinapakain sa inyo kung magsalita ka,” nagbibirong saad ng matanda. Tumayo ito upang manguha ng tubig na maiinom para sa kanya.

Hindi tuloy nito napansin ang biglaang paglungkot ng inosenting mukha ng batang si Monalisa.

Lingid sa kaalaman ni Lola Merlinda ay sa batang edad ni Monalisa na pitong taong gulang ay iniiwas na sa kanya ang magkakain ng matatamis. Lalo na ang kung ano-ano pa na maaring magdadag sa timbang niya.

Donya Allysa, Monalisa's mother, is preventing her daughter to get weight. Because her mother does not want to permanently harm her daughter's body. As a result, she put her on a diet.

Kaya hindi siya masisisi. Mas gusto niyang naiiwan sa poder ng Lola Merlinda niya, ina ng Mommy niya. Hindi katulad ng maranghiyang buhay meron ang ina nito. Ibang-iba iyon sa kinalakhan naman niya sa bahay ni Allysa.

Simpleng buhay lamang meron ang kanyang Lola, ngunit sobrang sarap ang buhay niya roon.

Until a night came that Monalisa never thought she would experience in the company of her beloved Lola Merlinda.

GABI at madilim na ang paligid. Malakas ang buhos ng ulan mula sa labas ng bahay ng Lola niya. Naalimpungatan si Monalisa nang makarinig siya ng kalabog mula sa may kusina.

Haplos Ni Judas (HAPLOS  SERIES 1) COMPLETED SOON TO BE PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon