Ika-labing Anim Na Labas

104 2 1
                                    

DINALA muna si Judas sa presinto ng Bulanos. Habang hinihintay niya ang araw kung saan siya haharap sa korte upang litisin.

Siksikan sila at halos wala silang inaatupag sa loob kung saan kasama ni Judas ang mga kapuwa niya detainee sa loob ng selda. Nakapagitan ang bakal na rehas mula sa tanggapan ng presinto. Kung saan abala ang ilang Pulis at ibang taong pabalik-balik sa paglalakad.

Magkagayunman wala man silang ibang ginagawa sa loob ay halos walang pahinga sa pag-iisip si Judas.

"Ikinalulungkot ko ang nangyari sa iyo Duran. Kung hindi dahil sa akin, hindi mo makikilala si Monalisa," ani ni Adelaida.

This was the only person who had paid him a visit since his imprisonment.

"Huwag mong sisihin ang iyong sarili. Kung hindi dahil sa iyo, hindi ko siya makikilala," saad naman ni Judas na nakatitig sa sahig.

At that point, he remembered Monalisa. Ilang araw na ang nakararaan, However, she did not even pay him a visit. Wala siyang ideya kung anong nangyari rito pagkatapos ng araw na inilayo ito sa kanya.

Judas' focus shifted back to his current guest.

"By the way, I'm asking for your forgiveness right now, because this will be my last visit to you."

Buhat sa pagkakahawak ni Judas sa malamig na bakal na rehas ay napabaling ang mukha niya rito. Hindi siya nagsalita, ngunit kusang sumagot pa rin si Adelaida na tila nabasa ang katanungan mula sa isipan niya.

"Alfie forbade me. Gusto niyang tapusin ko ang ugnayan ko sa iyo, para sa gayon ay makapag-umpisa kaming muli na mag-asawa," tugon ni Adelaida na humihingi ng pang-unawa sa binata.

Napahigpit ang pagkakahawak ni Judas sa harapan.

Dahil parang sinasabi ng babae na magkalimutan na sila nito.

Ito na lang ang nag-iisang kapamilya niya at inaasahan niyang matutulungan siya ng oras na iyon. Ngunit 'di yata at itinatakwil na siya nito ng tuluyan.

He must have believed Arnulfo's rumors about him. Her daughter, Monalisa, appears to be involved.

"Naiintindihan ko, makakaalis ka na," saad niya na umiwas nang tingin habang yuko ang ulo.

Napahinga naman mula sa bibig si Adelaida. Naaawa siya rito, ngunit wala siyang ibang pagpipilian. Sumusunod lamang siya sa kagustuhan ng asawa niya.
Pinagmasdan nito ang kinalalagiyan ng kanyang pamangkin. Ngayon pa lang ay wala na siyang makita na pag-asa na makakawala pa ito roon.

Sa sandaling iyon ay hinihingi na lang niya ang pagpapatawad sa kanyang nakatatandang kapatid na si Alicia sa gagawin niyang pagtalikod sa anak nito.

"Patawarin mo ako Judas, magpakatatag ka palagi," ani ni Adelaida bago tuluyan iniwan doon ang binata.

MABILIS na lumipas ang mga araw. Nakasakay ngayon si Judas sa police mobile patrol upang ihatid siya sa bahay-hukuman. Kung saan nagkaroon ng priminarly hearing upang litisin siya sa kasong pag-kidnapped kay Monalisa Brilliantes and Frustrated murdered naman kay Theodora Alejo. Sa Araw na iyon ay malalaman na rin kung ano ang magiging hatol sa kanya ng Judge.

Payapa siyang bumaba at sumunod sa dalawang police na nag-escort sa kanya nang makarating sila sa Trial Court. Nanatiling may suot na posas sa kanyang magkabilang palapulsuhan. Ngayon ay nakasuot na siya ng dilaw na t-shirt na may tatak na detainee sa likuran.

Pinapamukhang isa siya ngayon kriminal!

As with his previous hearing, he was greeted by a flood of media reporters who instantly took photos of him.

Haplos Ni Judas (HAPLOS  SERIES 1) COMPLETED SOON TO BE PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon