Chapter 5

4K 148 5
                                    

Pagkarating ko palang sa lugar nayon ay parang ayoko ng tumuloy, yuck mukha kasing haunted eh baka andito si Annabelle tas hahabulin ako hindi pa naman ako runner.

Anyway, bumaba na ako kahit labag sa loob kong tumuloy ay no choice ako kaya  pinuntahan kona yong dorm ni taltal. Pagdating ko sa may pinto ay kumatok na ako

*Knock*       *Knock*

"Who's there" sigaw ng tao sa loob, idunno if si taltal bayong sumagot.

Nang hindi ako sumagot ay hindi padin bukas yong pinto kaya kakatok na sana ako pero siya ring pag bukas ng pinto kaya don sa noo nya napunta yong kamay ko.

"O-ouch kayata sakita oi" sabi niya, medjo natigilan ako, gosh why so clumsy kiara.

"O-oh my GOD! im s-so sorry taltal" sabi ko sa kanya at tiningnan yong noo niya, namula tuloy yon.

Gosh ganon ba talaga yon kalakas?

"A-ah ikaw pala yan ma'am, okay lang po ako pasok po" sabi niya at binuksan nang malaki yong pinto para makapasok ako.

"Thanks" may halong pag alala ang sinagot ko sa kanya.

"Welkam po, ahm ma'am ano pong sadya niyo?" Tanong niya at sinara yong pinto.

"Look, taltal I'm sorry kong ano man yong nagawa ko last night. Wala talaga akong maalala kagabi at dahil sa katangahan ko nawalan kapa ng trabaho" sabi ko sa kanya at mukhang natigilan pa nga sya.

I heard her sighed, tiningnan ko siya and there i saw her sad smile, nag iwas na ako nang tingin

"Ayos lang yon ma'am, hindi nadin naman mabalik ang lahat nang yon nangyari na kasi. Pero hindi padin mawala sa isip ko yong mga bayarin eh andami ko kasing barayin this week tas nawalan ako ng trabaho" malungkot niyang saad sa akin.

"I have something to offer you" nakangiti kong sagot sa kanya.

"Ano po yon ma'am?" Confuse nyang sagot

"Be my assistant, 50k monthly" sabi ko sa kanya at tiningnan siya, nakita kong nanglaki yong mga mata nya.

"W-what!, Ma'am seryoso kapo?" Gulantang sagot niya saken.

"Don't shout" kalmadong sagot ko sa kanya.

"S-sorry po" nakayokong sagot niya, tumikhim muna ako bago mag salita ulit

"Yes, im serious ito lang kasi yong naisip kong paraan para maka bawi sayo. At tsaka nag leave kasi yong secretary ko kaya ikqw yong naisip kong tao para maging assistant ko, so what's your answer?" Sagot ko habang nakatitig sa kanya

"Sige po ma'am, maganda po yan" masayang sagot niya saken.

Ang ganda talaga nang smile niya ang sarap ipasok sa sako para ako lang ang makakita ng smile nayon

"Good to heard that" nginitian ko sya, sabay tayo.

"Keylan ba ko mag simula ma'am?" Tanong niya at sinundan ako ng tingin.

"Tomorrow, i need you. I mean i need you in my office tomorrow" sagot ko sabay iwas tingin gosh nakakahiya kay dzadehhhh giant

"Sure ma'am" sagot niya kaya kinuha kona yong card at binigay ko sa kanya.

"Here, you need that. And thank you" pagsabi ko non ay umalis na ako...

Crystal

"Here, you need that. And thank you" pagkasabi niya non ay umalis na siya kaya  sinundan ko siya ng tingin at napailing nalang hay ang terror talaga ni ma'am.

Matagal na kaming nag uusap pero hindi ko padin alam ang pangalan niya tsk. Tiningnan koyong card ulit at ngumiti, Yes!! Kahit pansamantala lang yong work ni ma'am ay ayos nayon.

San ba kasi tayo makakita ng work ngayon na 50k ang monthly, kahit dalawang buwan lang yong trabaho ko may 100k na ako.

Puno nang saya yong araw ko, ngayon kodin pala bilhin yong uniform ko kaya naman pumunta na ako sa banyo para maligo.

Di nagtagal lumabas na ako at nagsuot lang ako ng normal na damit, hindi naman kasi ako mayaman na kahit yong mall lang ay dapat sexy ka.

Pagkatapos kong mag bihis ay ni lock ko muna yong pinto at lumabas na, pag dating ko sa kanto ay pumara na ako nang jeep kahit siksikan ay gorabels lang talaga.

Bibili din pala ako nang groceries ko ngayon, si nanay kaya kumusta na kaya siya don sa probinsya taga Cebu kasi ako kaya marunong ako mag bisaya pumunta lang ako dito sa manila nong nakapasa ako ng scholarship sa UP kaya ayon tudo kayod para makatapos at makabili ng needs sa school, kong hindi lang bumusina yong sasakyan ay hindi ko namalayan na andito na pala ako sa palengke.

Pumara na ako at nagbigay nang pamasahe, pumasok na ako sa loob nang palengke at nagpasukat hihintayin ko nalang kong keylan matapos maaga pa naman at wala naman akong gagawin ngayon.

"Ahmm ate hintayin ko nalang po" sabi ko sa kanya.

"Oh sha sige iha pero matagalan to ha" sagot niya kaya tumango nalang ako at napagdesisyonan na bumili muna ng mga groceries. Nag lakad ako papuntang AV's store at bumili ng mga ulamin don, pagkatapos ay bumili din ako nang mga gulay na uulamin ko ngayon.

Tiningnan ko yong relo ko medjo natagalan na pala ako, bumalik na ako sa tindahan kong saan ako nagpasukat nang uniform.

"Oh iha ito na yong uniform mo 1400 lang yan" sabi naman ni nanang, kinuha ko yong uniform at binigyan siya ng 1500.

"Ito po nang" sagot ko sa kanya sabay bigay nong pera.

"Ito oh sukli" kinuha ko yong sukli at umalis na, malamang kunin ko talaga hindi kasi tayo mayaman para hindi kunin yong sukli ang laki na kaya ng 100 makabili pato nang isang kilong bigas.

Pumunta na ako kong san nag tambay yong mga jeep at sumakay na, minsan kapagod mag hintay nang mga sumasakay dito eh hindi kasi aalis yong driver pag hindi pa napuno yong jeep kaya medjo natagalan ako don, makalipas ang ilang minuto ay buti nalang umalis na yong jeep

Nakarating ako sa condo ko at pumasok na, nilabhan ko muna yong uniform ko para ready to suot na tayo bukas.

Tiningnan ko yong sapatos ko medjo oky pa naman kaya ayos nato hay ang hirap talaga maging mahirap, pagkatapos kong maglaba ay nagluto na ako para haponan.

Pinakbet lang yong niluto ko ito yong paborito kong kainin pagnasa cebu ako ang sarap kaya nimo.

May talent talaga ako sa pagluto kasi kahit gulay maging karne yong lasa hehe try niyo yong luto ko pagnagkita tayo.

Nong tapos na akong kumain ay nag scroll muna ako sa Facebook kahit use data, mag off na sana ako nang phone nang tumunog ito kaya tinignan ko ito at muntik nang malaglag yong phone ko.

*Akiara lyn sent a friend request*


Nanlaki ang mata ko nangmabasa ko yon dali dali kong inaccept yon gagu si ma'am pala to nag friend request wait ma stalk nga.

What a lovely name miss k

Pinindot ko yong profile niya at manghang mangha ako sa nakita gagu ang daming followers ni ma'am ganda naman ng profile ni person, hindi ko namalayan kaka stalk ko sa profile niya ay na like ko pala yon hala patay!

Kaya dali dali akong nag exit pero bago paman ako maka log out ay may nag text na kaya pikit isang mata kong tiningnan yon gagu!

•kia~ "stalker?"

Hala yawa na, nakakahiya naman bat kasi ang tanga ko at na like ko yong profile ni ma'am

Hindi na talaga ako mang stalk ulit.


•crys~ "napindot ko kasi ma'am eh
sorry po ang ganda mo kasi".

Makapal ba yong mukha ko? Wow ha marunong pala to mag react si ma'am ni like ba naman yong message ko hmp!

Ang sama niya talaga, tingnan nalang natin kong ano yong mang yari saken bukas..  

---

Kindly vote thanks mwa!

My Ruthless BossWhere stories live. Discover now