Chapter 15

2.2K 84 1
                                    

Pagkatapos naming kumain ay ako na ang nag prinsintang mag hugas ng pinggan, nandon naman sila nanay at kiara sa sofa at naguusap. Hindi paba sila tapos mag chismisan? Baka kong ano ano nayong sinasabi ni nanay tungkol sakin nako po!

Wag nya naman sanang sabihin na maganda ako at cute hehe, parang tanga naman tong mga iniisip ko hay jisassss kulang ata ako sa kiss. Agad ko namang tinapos yong hugasan para makasali na sa kanilang chismisan bat ba pinalaki akong marites ni nanay kaya wag kayong pakelamera dyan hmp!

Pagkatapos kong masabunan yon ay agad ko namang binanlawan para matapos nato ang tagal ko namang matapos. Nang matapos na yon ay pumunta na ako sa sala at nakita kopa si nanay na ngumiti kaya tumikhim ko.

"Oh nak tapos kana?" Tumango naman ako bilang sagot. "Oh sya pumasok na kayo sa kwarto mo para makapag pahinga nadin kayo, alam kong pagod kayo sa byahe" dagdag nya.

"Cge nay" sagot ko. "Ma'am tara napo" tumayo naman sya at nauna ng pumasok sa kwarto ko hala si ma'am ang kapal ng mukha! Feel at home yan, tiningnan ko naman si nanay na ngayon ay ang laki laki ng ngiti luh nyare dito?

"Oh sundan muna yon basta hinaan nyo lang yong boses nyo ha baka madisturbo yong tulog ko" taena! Pinagsasabi nito

"Pinagsasabi mo nay" tanong ko sa kanya abnormal ata tong nanay ko eh tinawanan ba naman ako at umalis na hmp! Wla man lang goodnight at kiss ang sama nya naman saken. Agad naman akong pumasok sa kwarto ko at nakita ko don si kiara na nakahiga na, tulog naba sya?

Ang bilis naman ata. Pina andar ko naman yong electric fan nakakahiya naman kasi baka pawisan pa sya pagkatapos kong eh on yon ay kumuha na ako ng extra unan at syaka habol hay nako sasakit na namn yong likod ko nito, akmang ilalapag kona sana yong unan nag mag salita si kiara

"What r u doing?" Kunot noo nyang tanong.

"Ah matutulog napo?" Inosente ko namang sagot

"I know idiot, what i mean is bat dyan ka hihiga?" Mataray nyang sagot saken.

"Eh san mopo ba gusto sa langit?" Taena na malo ata ako ng sagot gagu ang sama ng tingin saken ni ma'am para akong papatayin sa isip nya

"Bat dyan na matulog? Come here and sleep besides me" hala tabi kami? Omygas mamehh!!

"Ah wag n~ sabi ko nga tatabi na" puta ibabato ba nya naman yong cellphone nya baka masapol payon sa mukha ko at maging pangit na ako, hindi na ako hahabolin ng chixx!

Mabilis naman akong napatayo at nilagay yong unan sa gilid nya. Ang bango talaga niya, agad naman akong humiga at tumagilid tsk! Ang weird naman nito.

"Goodnight ma'am, sweet dreams po" sabi ko sa kanya bago ipinikit yong mga mata ko pero bago paman ako makatulog ay narinig ko yong pag goodnight nya saken pabalik

"Night taltal sweet dreams too" rinig kong sabi nya bago dumilim ang lahat...

Kinabukasan~ paggising ko ay tulog pa si kiara kaya bumangon na ako at nag tungo sa banyo kong maliit at naghilamos ng mukha taena bhe yong hotdog ko tumayo! Nag tooth brush naman ako at tiningnan yong mukha ko sa maliit kong salamin

"Ang pogi mo talaga self!" Pagpupuri ko sa sarili ko totoo naman kasi eh ang poganda ko kaya nauulol nga si ma'am kiara eh hehhee joke lang baka magalit payon. Pagkatapos ng morning routine ko ay lumabas na ako at pumunta sa kusina nakita ko naman si nanay doon

"Morning nay" bati ko sa kanya at hinalikan sa pesnge

"Morning nak, kmsta naman yong tulog mo kagabi masarap ba?" Agad naman akong napalingon sa kanya ng sinabi nya yon, nanay koba talaga to? " Ang weak mo naman anak dapat anakan muna yang boss mo para magkaroon na ako ng mga magaganda at gwapong apo" napanganga namn ako dahil sa sunod na sinasabi nya, tinuturuan nya pa talaga ako ha.

"Nay, nanay koba talaga kayo?" Tanong ko sa kanya narinig ko naman ang pagtawa nya

"Sa totoo lang anak, anak ka talaga ni Anabelle magkasing mukha kasi kayo" pikon ko naman syang sinamaan ng tingin at kinurot yong pesnge nya nanggigil ako eh. Naabot din ng ilang minuto bago sya tumigil kakaasar sakin hmp! Lalabas nalang ako at bibili ng pandesal

"Nay labas muna ako, bibili lang ako ng pandesal" paalam ko sa kanya baka mamaya tatawag to ng tanod at ipahanap ako kong hindi ako mag paalam. Nakita ko namang tumango sya kaya lumabas na ako, tahimik lang akong naglakad papuntang bakery ng may nadaanan akong mga tambay sa kanto. Ang aga aga nambubulabog natong mga animal nato!

"Pstt ganda moaning naman dyan" rinig kong sabi sa isa sa kanila pero hindi ko sila pinansin at nag patuloy lang sa paglakad

"Naks pree bat hindi ka pinansin boo!!" Sabi nong isa sa mga kasama nya, patuloy lang ako sa paglalakad ng may humawak sa braso ko

"Teka lang miss, binabati kita bat hindi moko sinagot, sa gwapo kong toh denideadma mulang aba hindi pwede yon" sabi nong lalaki na bumati sakin kanina sabay dila nya sa ibabang labi nya yuck!

"Bitaw po kuya at layo kapo ng kunti ang baho ng bunganga" nagalit naman sya dahil sa sinabi ko

"Booooo!!" Rinig kong sigaw sa mga kasamahan nya kaya mas lalong sumama yong mukha ng lalaki, taena ang sakit ng braso ko ang higpit ng hawak nya.

"Binabati lang kita ah!" Pinanlakihan nya ako ng mata, bati bayon eh ang bastos nya nga eh!

"Bitaw po kuya" tinabig ko yong kamay nya pero hindi padin sya nagpaawat taena sinasayang nya yong oras ko eh! Dahil sa galit ko ay sinapak ko sya kaya boom! Sapol yong mukha

"Ahhh!" Rinig kong sambit nya samakit bayon? Eh ang hina nga non eh ang badoy nya naman tsk! Dahil sa ginawa ko ay nabitawan nya yong kamay ko kaya sinampal ko sya ng malakas at umalis na sa lugar nayon, na bwe-bwesit na yong umaga ko hay. Nagpatuloy ako sa paglalakad Hanggang marating ko yong bakery at bumili na ng pandesal syaka kape, pagkatapos non pumara na ako ng tricycle.

Sasakay nalang ako baka ako na naman yong mabugbug mamaya, dalawang minuto din bago ako nakarating sa amin. Bumaba naman ako at nag bayad ng 20 malapit lang naman kasi yong bakery dito, pagpasok kopa lang ng bahay ay si kiara na yong nakita ko na nakaupo sa lamesa kaya binati ko sya

"Goodmorning ma'am" nakangiti kong bati sa kanya alangan naman sisimangot ako baka mamaya malaman nyang binastos ako sa ipadampot yong mga lalaking yon

"Morning, where have u been?" Itinaas ko naman yong binili kong pandesal syaka kape

"Bumili lang po ako nito" sagot ko at naglakad na patungo sa lamesa kong san sya nakaupo "ma'am uminom kapo ng gatas?" Tanong ko sa kanya at tumango naman sya kaya tinimplahan kona agad sya, pagkatapos kong magtimpla ay binigay ko na sa kanya at inusog yong pandesal. Kita kong tumaas tong kilay nya kaya nag salita ako "pandesal po yan ma'am" hay jisassss pati pandesal hindi nya alam, alien batong si kiara tsk! Napailing nalang ako dahil don.

Pagkatapos naming magkape ay kinuha kona yong mga ginamit namin at dinala yon sa lababo at hinugasan, nakita ko naman si nanay na busy sa pagdidilig ng kanyang mga halaman kaya tinapos ko agad yong hugasin para yayain si kiara na mamasyal sa tabing ilog. May ilog kasing malapit lang dito samin, nangmatapos ko yong hugasin ay pinuntahan ko na si kiara sa sala pero wla na sya don kaya hinanap ko naman sya at nakita kong nasa labas sya kong saan nandon yong mga halaman ni nanay kaya pinuntahan ko sya. Tumikhim muna ako para kunin yong atensyon nya at nagtagumpay naman ako

"Ma'am punta po tayo ng ilog" yaya ko sa kanya mukhang nagdadalawang isip pa sya at kalaunan din ay tumango sya

"'kay" sabi nya at bumalik muna sa loob, ano kayang kunin nya don.

"Nay punta muna kami ng ilog ah" paalam ko kay nanay at tumango naman sya

"Uwi kayo agad ah" taena hindi panga kami naka alis uuwi na agad? Tiningnan ko naman sya ng hindi makapaniwalang tingin kaya tumawa sya "biro lang anak, mag enjoy muna kayo dito sa cebu bago kayo bumalik sa manila" sabi nya at ngumiti kaya ngumiti naman ako at tumango. hinintay ko naman si kiara dito sa labas ng ilang minuto, dalawang minuto ang nakalipas at nakita kona syang lumabas at iba nayong damit nya hmm nag palit lang pala sya ng damit ang tagal naman non.

"Tara napo ma'am" Yaya ko sa kanya at binigay ko yong kaliwang kamay ko para hawakan nya yon, ng mahawakan nya yong kamay ko ay nandon na namn yong kuryente taena kinilig na namn yong apdo. Tsk! Napailing nalang ako sa kawalan at nagpatuloy sa paglakad..

~~~~🌈~~~~

Don't forget to vote gays loveu!!

My Ruthless BossWhere stories live. Discover now