Chapter 36 (6/16/15)

405K 14K 2.8K
                                    

Chapter 36



[Jillian's POV]




I blinked. I blinked again.

Pero hindi nawala sa harapan ko si West ang yung babaeng hindi ko kilala.

Magka-dampi pa rin ang mga labi nila.

Bakit West?! Bakit mo siya hinahalikan?!

Nagulat ako nang biglang nag-sara ang pinto ng elevator kahit na hindi pa kami nakakababa ni Zyron.

"Sorry. We're not supposed to see that," dinig kong sabi niya.

Napalunok na lang ako at tumango. I'm trying my best to hold back the tears.

Ayokong umiyak. Hindi pwede. Hindi pa muna.

Please naman luha, wag ka na munang babagsak.

Pumanik ng isang floor yung elevator, nung walang sumakay, pinress uli ni Zyron ang 7th floor kung saan kami dapat bababa.

Please. Sana hindi na sila naghahalikan. Please. Baka mamaya makapatay ako. Ayokong maghalo ang balat sa tinalupan. Ayokong maging murderer.

Baka bigla ulit akong mag lasing.

Nakarating na nang 7th floor. Bumukas uli ang elevator. Magkalayo na si West at yung babae.

At nagkatinginan kaming dalawa.

Saglit lang. Pero parang mas nadurog ang puso ko nang tignan niya ako na para bang wala siyang pakielam.

Ang sakit.

"Bro, saan kayo punta?" tanong ni Zyron.

"We're going up. Doon tayo sa conference room mag-usap," sagot naman ni West.

"Alright!"

Hindi umalis si Zyron sa loob ng elevator. Ako naman, parang nabato doon. Nakalimutan ko na dapat akong bumaba.

Dali-dali akong bumaba ng elevator at si West naman tsaka yung babae eh pumasok sa loob. Nakita ko pang inilagay nung babae yung kamay niya sa braso ni West.

Napalingon ulit ako.

West is staring at me.

Pero bago ko pa mabasa ang expression sa mukha niya, nag-sara na ang pinto ng elevator.

At bumagsak na ang luha sa mata ko.

Wala akong karapatang umiyak. Wala akong karapatang magalit o mag selos.

Sinaktan ko siya eh. Napaasa ko siya. Nagbigay ako ng motibo.

Pero ang sakit.

Sobra.

Hindi ko alam kung paano ko pa magagawang ituloy ang pinapagawa sa akin ni Cupid. Gusto ko nang mag quit. Hindi ko na kaya 'to. Paulit-ulit na lang akong nasasaktan.

Deserve ko ba talaga 'to? Deserve ko bang masaktan ng sobra?

Bakit palagi na lang?

She Who Stole Cupid's ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon